What's new

Help Tanong lang tungkol sa ISP, pasok mga lods!

1sc4r10t

Forum Veteran
Elite
Legal ba yung mga internet providers sa mga urban areas mga lods? Yung bang ang ginagawa nila kukuha ng 100mbps plan halimbawa kay PLDT tas hahatiin yung connection sa iba't ibang bahay halimbawa tig 5mbps ganun. Tapos ang pakilala nila ibang ISP sila kaya naniningil sila sarili nilang installation fee etc. instant money na. Tanong lang kung legal yung ganung negosyo marami kasi ako nakikita sa facebook. TIA!
 
Against yun sa contract ng mga Telco. Kapag isang plan isang bahay lang dapat.

Pero kung may permit sila galing doon sa telco then no problem. Nag ooffer talaga yung mga telco ng ganyan. Sila yung provider pero ibang company mag aayos.

Mas makakatipid nga kung ganun pero mapuputulan at mabablacklist yung pangalan nung nagpakabit ng plan.
 
Last edited:
parang piso wifi ang idea. pinagkaiba lang naglalatag din sila ng linya at may sariling pangalan. kung within vicinity(Subdivision or street) lang naman ata. tingin ko. goods to.
 
P2P or Point to Point ang tawag dyan may îllégâl at may legal.. ang purpose nyan is para makapag pakabit ng wifi kahit Hard to reach or out of coverage ng Telcos. Minsan sa ganyan ni re-refer ng telcos ang subscriber pag hindi nila kaya kabitan ng Wifi ang isang subscriber dahil sa minsan malayo sa boxes at di na kaya ng cables or kung walang available(Out of Coverage) nun sa area nila kasi Antenna ata gamit ng P2P pero same speed padin tulad ng naka cable pero as usual bumabagal talaga kapag umuulan. Dito sa probinsya patok yan dahil sa kakulangan ng boxes ng telcos kaya napipilitan mag P2P.

Edit: îllégâl yung kukuha ng plan tapos hahatihatiin at walang Contracts at Agreement sa ISP. At legal naman yung complete papers at may business plan ata na tawag dun sa ISP na capable i distribute tulad ng nabanggit.
 
Last edited:
Back
Top