What's new

Help Tanong lang para sa mga pc builders

Resuu

Eternal Poster
Ano ba ang cause ng Low FPS at Stuttering FPS?

sa pagkakaalam ko lang
ang cause ng Low FPS ay dahil low end ang GPU pero stable naman fps
sa Stuttering naman RAM, HDD at CPU

Napansin ko kasi specially don sa mga open world games na update nang update ng environment
Kapag mababa clock speed ng CPU don na bababa ang FPS, same sa GPU. Kasama na rin siguro yung VRAM ng GPU. Dito na ata papasok yung CPU/GPU Bottleneck kapag mali yung pag pair ng dalawa.

sa case naman ng stuttering kapag HDD lang ang gamit tapos low RPM pa, ang result walang marender ang GPU dahil ang bagal ng HDD mag provide ng resources. Isa pa gagamit ng page file pag puno na ang RAM, dagdag work na naman para sa HDD.
 
low fps causes,
mahinang spec cpu/gpu na di na kayang i-play ang game, considered na i low ang graphic settings ng game pero kahit babaan na ang settings at mababa parin ang fps, need na talagang mag upgrade to latest and more powerful cpu/gpu.

overheating cpu/gpu or kulang sa ventilation, maraming dust/alikabok ang heatsink ng cpu/gpu. need linisin ang fan at heatsink para mabigyan ng magandang ventilation para mawala ang init.

sa storage issue naman mas maganda ang os (windows) ay nakainstall sa solid state disk (ssd.) at ang mga laro ay sa hard disk. (hdd.) dapat ang hdd speed is around 7200rpm. huwag 5400rpm mabagal talaga iyun pag dun iinstall ang mga high demanding games ngayon. dadagdag kasi trabaho ng hdd kapag kaparehas nakainstall duoon ang os at mga laro. kasama na rin ang pagefile. Kapag ang installation ng os sa ssd ang ssd lang eh gawain niya iboot ang windows mo at mga laro sa hard drive, babawas ang gawain ng hard drive read at write activities niya. Ang mga laro at apps lang ang tanging gawain niya para makalaro at makagamit ng mga iyan.
 
Kung low fps, no doubt GPU talaga yan, then CPU. Very evident ang CPU bottleneck sa Microsoft Flight Simulator 2020 na DirectX 11 pa rin ang ginagamit.

Sa stuttering, usually CPU and VRAM based on my experience on a 16GB RAM system. Halimbawa, Watch Dogs, GTA V, Batman Arkham Knight. Sa GTA V in particular, naka quad core pa ako nun (2015) at palaging 100% usage on all cores. Madalas ang micro-stutters. Tapos nag-upgrade ako to an 8-core, 16-thread CPU last year. Parehas lang ang GPU ko na may 8GB VRAM. Parehas din ang storage na naka-SATA SSD. Nawala completely ang stuttering kahit full speed pa ang driving.

Ang isa pang issue na related rin sa stuttering at texture streaming ay ang texture pop-in. Nangyayari pa rin ito kahit sa latest open world games, like Horizon Zero Dawn, Assassin's Creed Valhalla, and Cyberpunk 2077. Even with the latest CPU, GPU and storage, may I/O bottleneck sa open world games na hopefully, ma-address ng latest tech ng Microsoft at Nvidia next year - DirectStorage and RTX IO.
 
pwede kaya sir sa hdd ang os? then ssd sa laro? consider na malaki naman ang ram para di magamit ang page file
puede naman idisable ang pagefile. mas maganda parin ang os ay nasa ssd. kahit may pagefile sa ssd, mas mabilis parin ang pag proseso ng pagefile sa ssd sabay ng ram kumpara sa hdd.
 

Similar threads

Back
Top