What's new

Closed Tanong lang about sa wifi

Status
Not open for further replies.

AsphyXia--

Forum Guru
Elite
Nakabitan kami kanina ng PLDT Fibr and mabilis naman siya.
Kaso napansin ko na kapag nasa kwarto na ako sa 2nd floor, fluctuating yung signal strength niya sa laptop at phones ko. Na didisconnect pa nga minsan dun sa isa kong phone.
Stock router lang yung gamit namin ngayon.

Pano kaya masosolusyunan to? WiFi repeater lang ba sapat na o dapat magpalit ng router?

Salamat
 
Tip pala lods para di ka na gumastos noh or para maka mura ka. Any router pwede mong gawin repeater. So kung may old router ka jan na di nagagamit yun na lods setup mo. Pwede rin yung mga pocket wifi ng globe and smart. Pero mas prefer ko yung router mismo kesa sa pocket wifi.
 
Kung wala talaga ask mo mga tropa mo sure yan may isa bilhin mo na sakanila or kung mabait hingin mo hahaha. Pero kung may budget ka naman lods bili ka na ng repeater mismo. Sakin kasi repeater mismo naka mount lang sa wall outlet. And sobrang lakas na signal nito lagpas 3 bahay hehehe. Kaya pag minsan bumibili ako sa store ehhh connected parin ako sa wifi ko sa kwarto
 
Buti binuksan ko 'tong thread na 'to. May natutunan na naman ako. Sorry mga lods makikisingit lang. May tanong din kasi ako tungkol sa wifi repeater at router. Wala rin kasi akong masyadong alam sa WiFi. Dito ko lang din sa PHC nababasa yung tungkol sa mga ganito. HAHAHAHA

Para saan po ba yung pagpapalit ng router? Ma-eequalize ba yung speed para sa lahat ng gumagamit? Kung kunwari ang speed ay 35 Mbps ta's apat nagsasabay-sabay nanonood, bale kapag ba nagpalit ng router hindi na mahahati-hati yung 35 Mbps kumbaga? Ganun ba 'yon?

Tsaka lods paano po gawing wifi repeater yung pocket wifi? May pocket wifi kasi ako dito na luma. Akala ko hindi na 'to magagamit. Pwede pa pala yun. HAHAHAAHA
 
[XX='AsphyXia--, c: 362017, m: 1726976'][/XX] may mga nababasa rin po akong gano'n kaya napaisip ako eh kaso hindi ko pa masyadong alam kung tama ba ako ng naiintindihan pagdating sa router. Kaya salamat po sa thread na ito. HAHAHAHA

35 Mbps yung plan namin. May second floor kami. Nasasagap naman halos sa buong bahay yung signal (maliban lang yata sa CR haha) kaso ang problema kapag for example tatlo tapos nagsasabay-sabay manood e bumabagal talaga. Ang iniisip ko po kung ano bang tamang gawin kesyo kung mag-upgrade ba talaga ng plan o ng router. Tsaka kung kapag ba nag-upgrade na ng router e bawat isa ba ma-mamaximize ba yung 35 Mbps o hati-hati pa rin sa speed na yun. Wala talaga akong alam. Hahaha
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top