What's new

Tanong - - Bawal po ba tumanggi pag inalok na maging ninong sa binyag?

Racer_X

Eternal Poster
Joined
May 2, 2020
Posts
693
Reaction
178
Points
358
Magandang araw po sa inyo .. Sinabihan po kasi ako nung kapitbahay namin na maging ninong sa apo nya, eh di ko naman po sila lubusan na kakilalal. Ngayon po nais ko po sana tumanggi .
Masama po ba yung tumatanggi?
Una pa lang gusto ko na tumanggi eh pero sabi nga nila masama daw yung tumatanggi pag inalok na mag ninong.

Salamat po
 
sabi nila eh masama daw tanggihan pero imho hindi naman
ako eh tumatanggi sa ganyan
my reasons:
kaibigan ko yung nagaalok pero hanggang ganun lang yun, pag tinanggap ko then mag-iiba na, hindi na basta kaibigan lang
malaki ang responsibility ng ninong at ninang, godmother/godfather means 2nd mother/father nung bata at sa tingin ko di ko na kaya gampanan... di ko na nga magampanan role ko sa mga anak ko, how much more sa iba pa

pero ang pagiging ninong at ninang is a Godly thing... so, nasa iyo na yun kung gusto mo or hindi
 
Di ko kasi sila lubus na kakilala tapos aalukin na agad ako na mag ninong .. di ba parang mali. Di mo kilala lubusan yung tao tapos aalukin mo ninong .. Kakalipat lang namin dito sa maliit na bago tau bahay, Nung Sept 2020 lang kami lumipat ditu.
 
[XX='Racer_X, c: 637249, m: 1716546'][/XX] Ganyan din nangyare sakin haha.. Sabi ni Mama h'wag ko na daw tanggihan
 
[XX='Racer_X, c: 637249, m: 1716546'][/XX] the fact na gusto ka nila pagtiwalaan means they either trust you or hindi di nila alam kung ano ba talaga ibig sabihin nun... baka makapal bulsa mo para malaki ang pakimkim mo sa baby nila
 
salamat po sa opinyon..

Naiisip ko din na baka malasin ako o badluck po pag tumanggi. Yun po naiisip ko talga ung badluck. Pede naman ako tumanggi at waala ako pakialam kung magalit sila sakin . Ang naiisip ko lang is yung badluck o masamang mangyayari kung tatanggi po ako.
 
[XX='Racer_X, c: 637261, m: 1716546'][/XX] sa nasaksihan ko na mga bagay-bagay sa mundo... para sa akin wala malas or swerte... lahat yan ay biyaya kahit pa gaano kapangit sitwasyon ng tao sa ngayon
 
[XX='Racer_X, c: 637261, m: 1716546'][/XX] the fact na pinag-iisipan mo yang mga bagay na yan means concious ka... tanggapin mo na
 
Last edited by a moderator:
@Racer_X..the fact na gusto ka nila pagtiwalaan means they either trust you or hindi di nila alam kung ano ba talaga ibig sabihin nun... baka makapal bulsa mo para malaki ang pakimkim mo sa baby nila
pakimkim? yun ata yung parang bibigay na pera sa bata atah ... First time ko kasi ma aware sa mga ganto ninong ninong . Di naman po kami mayaman,. Nababaitan lang siguru sila samin.
 
May nangyari nga sakin na ninang pala ako tapos di ko man lang alam, nung nagkita kami atsaka ko lang nalaman. Srsly, okay lang naman tumangi, kung seryosohang usapan kasi hindi naman biro maging ninong or ninang kasi pangalawang magulang ka, pero kung gusto ka lang kuning ninong para madaming pera/ regalo pag pasko e, ewan ko na lang.
 
Eh, parang ayoko din po maging involve sa mga tao na di ko naman lubusan na kilala. Parang okay naman sila na family pero di ko lang feel na di mo naman kilala lubusan yung mga tao na un tapos magiging ninong ka , it means ma iinvolve kana sa pamilya nila ..

Marami po salamat sa mga comment po at opinyon po
 
katoliko ka ba? may seminar pa yan, kelangan mo dyan ay baptismal certificate at confirmation mo, or yung marriage certificate mo kung may asawa ka na
 
yaan mo na pagbgyan mo na baka gusto lang nya madami ninong anak nya saken nga ninong at ninang ng anak ko asa 20 pero di naman ako nahingi at umaasa sa bigay nila kusa na lang nila un kung wala ok lang naman
 
Wala pa nga po ako anak eh o pamangkin tapos mag nininong na agad ako . Ayun nga po. Ayon sa nababasa ko sa comment po ninyo, ang pagigin ninong o ninang ay hindi biro dahil magiging pangalawa magulang ka nung bata .

Di ko pa kaya maging ganun . Ayos lang maging ninong sa mga tao na lubos na kakilala ko pero sa mga tao na di ko naman lubusan na kilala eh parang di ko ramdam .. parang ayoko talga.
 
ako tumanggi ako paano ba naman sa fb lang kami nagkausap tapos ang layo niya edi di ko na sya nireplyan haha
 
Wala pa nga po ako anak eh o pamangkin tapos mag nininong na agad ako . Ayun nga po. Ayon sa nababasa ko sa comment po ninyo, ang pagigin ninong o ninang ay hindi biro dahil magiging pangalawa magulang ka nung bata .

Di ko pa kaya maging ganun . Ayos lang maging ninong sa mga tao na lubos na kakilala ko pero sa mga tao na di ko naman lubusan na kilala eh parang di ko ramdam .. parang ayoko talga.
tama ka din kasi lam mo na pera pera lang
 
Back
Top