What's new

Tanggihan ang Di-maka-diyos na mga Tradisyon!

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
“ANG katotohanan ay magpapalaya sa inyo,” sabi ni Jesu-Kristo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, ang Kristiyanismo ay nagpapalaya sa mga tao—malaya sa pagkaalipin sa mga pamahiin, malaya sa paniniwala sa mga maling doktrina at pag-asa, malaya sa pagkaalipin sa nagpapasamang mga gawain.

Gayunpaman, gaya noong sinaunang panahon, ang mga Kristiyano sa ngayon ay malimit na napapaharap sa mga panggigipit upang bumalik sa dating mga tradisyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ibig sabihin na lahat ng popular na mga kaugalian ay masama. Totoo, ang isang Kristiyano ay maaaring sumunod sa lokal na mga kaugalian na mabubuti at mapapakinabangan. Subalit kapag ang mga kaugalian ay labag sa Salita ng Diyos, ang mga Kristiyano ay hindi nakikipagkompromiso. Sa gayon ang mga Saksi ni Jehova ay kilala sa pagtangging makibahagi sa mga pagdiriwang ng Pasko, kapanganakan, at iba pang mga kaugalian na salungat sa Salita ng Diyos.

Ang ganitong may lakas-loob na paninindigan ay malimit na nagbubunga ng matinding paglibak at pagsalansang buhat sa mga kakilala, kapitbahay, at di-sumasampalatayang mga kamag-anak. Lalo nang totoo ito sa ilang lupain sa Aprika, na doo’y iba’t ibang tradisyon ang karaniwang nasasaksihan sa mga libing, kasalan, at mga kapanganakan. Ang panggigipit na umayon ay maaaring nakapanghihina ng loob—kadalasan ay may kasali pang pagbabanta at karahasan. Papaano makapaninindigang matatag ang mga Kristiyano? Posible bang iwasan ang mga pakikipagtalo nang hindi nakikipagkompromiso? Upang masagot iyan, suriin natin kung papaano hinarap ng tapat na mga Kristiyano ang ilang di-maka-Kasulatang tradisyon.

Mga Pamahiin sa Paglilibing

Sa timugang Aprika ay maraming tradisyon may kaugnayan sa mga paglalamay at paglilibing. Ang mga nagdadalamhati ay karaniwan nang gumugugol nang buong gabi—o ilang gabi—sa bahay na tangisan, na kung saan may apoy na palaging nagniningas. Ang mga namatayan ay pinagbabawalang magluto, magpagupit ng buhok, o maligo hanggang hindi naidaraos ang libing. Pagkatapos, sila ay naghuhugas ng kanilang katawan sa isang pantanging pinaghalu-halong mga damong-gamot. Sinasang-ayunan ba ng mga Kristiyano ang gayong mga kaugalian? Hindi. Ang lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng paniniwala sa pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa at ng isang malagim na pagkatakot sa patay.

Ang sabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Nalalaman ng mga buháy na sila’y mamamatay; ngunit hindi nalalaman ng mga patay ang anuman.” Ang pagkaalam sa katotohanang ito ay nagpapalaya sa isa sa pagkatakot sa ‘espiritu ng mga patay.’ Subalit ano ang dapat gawin ng isang Kristiyano kapag iginigiit ng mga kamag-anak na walang masamang hangarin na siya’y makibahagi sa gayong mga ritwal?

Isaalang-alang ang karanasan ni Jane, isang Saksing taga-Aprika na naulila sa ama. Pagdating sa punerarya, kaagad sinabi sa kaniya na siya at ang iba pa sa kaniyang pamilya ay magsasayaw sa palibot ng bangkay sa buong magdamag upang payapain ang espiritu ng namatay. “Sinabi ko sa kanila na bilang isa sa mga Saksi ni Jehova, hindi ako makasasali sa gayong mga kaugalian,” ang paglalahad ni Jane. “Gayunman, nang sumunod na araw pagkatapos ng libing, sinabi ng matatanda nang mga kamag-anak na kanilang paliliguan ang mga naulilang miyembro ng pamilya upang higit na maipagsanggalang laban sa espiritu ng namatay. Ako’y muling tumanggi. Kasabay nito, si Inay ay ibinukod sa isang bahay. Sinumang ibig makipagkita sa kaniya ay kailangan munang uminom ng isang inuming de alkohol na sadyang ginawa para doon.

“Ako’y tumangging mapasangkot sa alinman dito. Sa halip ako’y umuwi upang maghanda ng kaunting pagkain, na dinala ko sa bahay na kinaroroonan ni Inay. Ito’y talagang nagbigay ng kahihiyan sa aking pamilya. Inakala ng aking mga kamag-anak na ako’y hindi matino.” Higit pa rito, kanilang nilibak siya at pinagsalitaan ng masama, na ang sabi: “Yamang tinanggihan mo ang ating tradisyon dahil sa iyong relihiyon, guguluhin ka ng espiritu ng iyong ama. Ang totoo ay baka hindi ka na magkaanak.” Gayunpaman, hindi natakot si Jane. Ang nangyari? Aniya: “Nang panahong iyon ako’y may dalawang anak. Ngayo’y anim na! Ito’y nagdulot ng kahihiyan sa mga nagbintang na ako’y hindi na magkakaanak.”

Seksuwal na “Paglilinis”

Ang isa pang kaugalian ay tungkol sa seremonyal na paglilinis pagkamatay ng asawa. Kung ang namatay ay ang asawang babae, magdadala ang kaniyang pamilya sa biyudo ng isang hipag o ibang babae na malapit na kamag-anak ng kaniyang yumaong asawa. Ang asawang lalaki ay obligado na sumiping sa kaniya. Pagkatapos nito ay saka pa lamang siya maaaring mag-asawa kanino mang ibig niya. Ganiyan din ang nangyayari kapag namatay ang asawang lalaki. Ang kaugaliang ito ay inaakalang lumilinis sa naulilang kabiyak ng “espiritu” ng namatay na asawa.

Sinuman na tumatangging dumaan sa gayong “paglilinis” ay nanganganib na kapootan ng mga kamag-anak. Siya ay maaaring layuan at dumanas ng pagkutya at pagsumpa. Gayunman, ang mga Kristiyano ay tumatangging sumunod sa kaugaliang ito. Palibhasa’y batid nila na hindi isang uri ng “paglilinis,” ang pakikipagtalik sa hindi asawa ay marumi sa paningin ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Isa pa, ang mga Kristiyano ay dapat na mag-asawa “tangi lamang sa Panginoon.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Isang babaing Kristiyano na taga-Zambia na nagngangalang Violet ang nabiyuda. Pagkaraan, ang mga kamag-anak ay nagdala sa kaniya ng isang lalaki, at iginiit na siya’y sipingan nito. Tumanggi si Violet, at bilang parusa siya’y pinagbawalan na kumuha ng tubig sa pampublikong balon. Siya rin naman ay binabalaan na huwag maglalakad sa pangunahing kalye, baka siya’y mapahamak. Gayunpaman, siya’y di-nagpadala sa pananakot ng mga kamag-anak o ng mga kanayon.

Nang maglaon si Violet ay ipinatawag sa isang lokal na hukuman. Doon ay matatag na ipinaliwanag niya ang kaniyang maka-Kasulatang dahilan sa pagtangging makibahagi sa bawal na pakikipagtalik. Nagpasiya ang hukuman ng pabor sa kaniya, anupat nagsabing hindi nito mapipilit siya na sumunod sa lokal na mga kaugalian at tradisyon na labag sa kaniyang mga paniniwala. Kapansin-pansin, ang kaniyang mahigpit na pagtangging makipagkompromiso ay nakatulong upang mabawasan ang panggigipit sa iba pang Saksi sa nayon na sa dakong huli ay napaharap din sa gayong kaso.

Isang babaing Saksi na taga-Aprika na nagngangalang Monika ang naging matatag laban sa katulad na panggigipit nang mamatay ang kaniyang asawa. Iginiit ng pamilya ng lalaki na siya’y bigyan ng ibang asawa. Ganito ang sabi ni Monika: “Ako’y tumanggi, anupat desididong sundin ang utos sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..” Subalit hindi naglubay ang panggigipit. “Ako’y kanilang pinagbantaan,” naalaala pa ni Monika. “Anila: ‘Kung tatanggi ka, hindi ka na muling makapag-aasawa pa.’ Sinabi pa nila na ang ilan sa aking mga kapuwa Kristiyano ay lihim na nalinis sa ganitong paraan.” Gayunpaman, si Monika ay nagpakatatag. “Ako’y hindi nag-asawa sa loob ng dalawang taon, at pagkatapos ako’y muling nagpakasal sa paraang Kristiyano,” aniya. Si Monika ngayon ay naglilingkod bilang isang regular pioneer.

Mga Nakunan at mga Sanggol na Patay na Nang Isilang

Ang mga Kristiyano sa timugang Aprika ay kailangan ding humarap sa mga kaugalian na may kinalaman sa mga nakunan at mga sanggol na patay na nang isilang. Ang gayong malulungkot na pangyayari ay resulta ng di-kasakdalan ng tao—hindi ng banal na pagpaparusa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Subalit kung ang babae ay nakunan, kahilingan ng mga ilang tradisyon sa Aprika na siya’y pakitunguhan bilang isang taong itinakwil sa isang yugto ng panahon.

Isang babae na nakunan kamakailan ang nagtaka nang makita ang isang Saksing naglalakad patungo sa kaniyang bahay. Samantalang ito’y papalapit, siya’y humiyaw sa kaniya: “Huwag kang paparito! Ayon sa aming kaugalian, ang isang babaing nakunan kamakailan ay hindi dapat dalawin.” Gayunman, sinabi sa kaniya ng Saksi na dinadala ng mga Saksi ni Jehova ang mensahe ng Bibliya sa lahat ng uri ng tao at sila’y hindi sumusunod sa lokal na mga kaugalian tungkol sa mga nakunan. Pagkatapos ay binasa sa kaniya ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., na nagpapaliwanag na sa ilalim ng Kaharian ng Diyos ay wala nang makukunan at wala nang mga sanggol na isisilang na patay. Bilang resulta, ang babae ay pumayag sa isang pantahanang pag-aaral ng Bibliya.

Ang mga pamahiin ay maaaring kasama rin sa mga kaugalian sa paglilibing ng mga sanggol na patay na nang isilang. Nang dumalo sa gayong paglilibing ang isang Saksi na nagngangalang Joseph, siya’y sinabihan na lahat ng naroroon ay kailangang maghugas ng kanilang mga kamay sa ilang damong-gamot at ikuskos ang gamot sa kanilang mga ******. Ito raw ay nakapipigil sa “espiritu” ng sanggol upang huwag bumalik at sila’y pinsalain. Magalang na tumanggi si Joseph, sa pagkaalam ng turo ng Bibliya na hindi maaaring pinsalain ng mga patay ang mga buháy. Gayunpaman, may ilan na sumubok na pilitin siyang magpahid ng gamot. Muling tumanggi si Joseph. Nang makita ang walang-takot na paninindigan ng Kristiyanong ito, ang ibang naroroon ay tumanggi rin sa mga damong-gamot.

Iwasan ang Pakikipagtalo, Ngunit Magpakatatag

Ang pagkatakot sa mga buháy at ang pangambang maging isang taong itinakwil ay maaaring maging matinding pangganyak para makipagkompromiso. Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi: “Ang pagkatakot sa tao ang nagdadala ng silo.” Ang naunang karanasan ay nagpapakita ng pagiging totoo ng huling bahagi ng talatang iyan: “Ngunit siyang tumitiwala kay Jehova ay ipagsasanggalang.”

Gayunpaman, ang pakikipagtalo ay kadalasang maiiwasan. Halimbawa, kung ang isang Kristiyano ay inanyayahan sa libing ng isang kamag-anak, hindi siya dapat na maghintay hanggang sa masumpungan niya ang sarili sa alanganing situwasyon. “Ang kapahamakan ay nakikita ng isang matalino at siya’y nagkukubli; ang walang karanasan na nagpatuloy ay nagdurusa ng kaparusahan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Isang karunungan na mataktikang itanong kung anong mga kaugalian ang susundin. Kung ang mga ito’y maaaring tutulan, magagamit ng isang Kristiyano ang pagkakataong ito upang ipaliwanag kung bakit hindi siya maaaring makibahagi, anupat ginagawa ang gayon “taglay ang mahinahong kalooban at matinding paggalang.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag patiunang ipinaliliwanag ng isang Kristiyano ang kaniyang salig-Bibliyang paninindigan sa magalang na paraan, malamang na igalang ng kaniyang mga kamag-anak ang kaniyang paniniwala at di-gaanong gumamit ng mga pagbabanta at pananakot.

Anuman ang tugon ng mga kamag-anak, ang isang Kristiyano ay talagang hindi maaaring makipagkompromiso sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tradisyong nakasisirang-puri sa Diyos—anumang pagbabanta o pang-aabuso ang gawin sa kaniya. Tayo’y napalaya na buhat sa mapamahiing pagkatakot. Si apostol Pablo ay nagpayo: “Ukol sa gayong kalayaan ay pinalaya tayo ni Kristo. Kung gayon tumayo kayong matatag, at huwag na kayong pasakop pang muli sa pamatok ng pagkaalipin.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Marami ang naniniwala na ang isang taong kamamatay lamang ay maaaring maging isang tagapamagitan at makapagdadala ng mensahe sa mga kamag-anak na malaon nang namatay
 
Back
Top