What's new

Help Tama ba o mali ang ginawa ko sa crush ko?

MaleBugs

Honorary Poster
Ganito kasi yun guys,
Last year december 2021 may na meet akong babae, maputi at may pimples as in maraming pimples. Pero nagustohan ko sya at hindi ko alam kung bakit. Basta naging interesado ako sa kanya bigla. Love at first sight kumbaga.

So, every once a week nakikita ko sya. Medyo hindi sya people person. Iilan lang ang pinapansin nyang tao sa circle namin. So, ako, nilakasan ko loob ko at ang ginawa ko sinubukan kong magpapansin sa kanya after 3times ng pagkikita namin. Pinansin naman nya ako at mabait naman sya sakin medyo isang tanong isang sagot nga lang sya kaya nahirapan din talaga ako kunin loob nya para makilala ko pa sya. Hinanap ko fb nya at inadd ko at inaccept naman nya. Hindi ko pa sya chinachat nun kasi nahihiya din ako at baka maingayan sya sakin.

After 2mos. ng papansin ko sa kanya medyo nakuha ko na loob nya at nagkakausap na kami at nagkakabiruan. After 4mos. Nagkakapalagayan na kami ng loob. Magkachat na kami parati. At ganun din masaya at lagi akong nakangiti kapag nagpapalitan kami ng convo.

Then, nong 5mos na mas naging malapit na loob namin sa isa't-isa at nagkakausap na kami sa phone thru call. At inaabot kami ng 3am sa paguusap. Naging palabiro at malambing na kami sa isa't-isa. Pero sa hindi inaasahan naging magkalayo kami pero hindi ko pinutol yong communication namin. Lagi akong nag ggood morning sa kanya at good night. I always be the first one who will start a conversation each day for her to feel that i am interest to her. Syempre, mas nalaman din nya yun nong napansin ng mga tao sa circle namin na may gusto ako sa kanya at may special treatment ako sa kanya kaya inaasar asar din kami.

Last week, nagkaroon kami ng pagkakataon na maging magkasama buong araw para tulungan sya mag-asikaso ng papers nya para sa requirements sa LET Exam. And then, nag lunch kami at namasyal.

Habang namamasyal kami napagusapan namin mga buhay-buhay namin tsaka love life. Sa haba ng paguusap namin bigla nya nasabi na may boyfriend sya na seaman. 1year na sila pero ang setup nila ay parang patago. Hindi alam ng parents ng lalaki at parents na magjowa sila. Tinanong ko kung mahal nya, sabi nya mahal naman daw nya. Tapos tinanong ko kung mahal ba talaga sya, sabi nya hindi sya sure. Kasi nga ganun setup nila pero okay lang naman daw sa kanya at ayaw nya magexpect din masyado sa relationship nila. Then, hindi ko masyadong pinansin para hindi masira pamamasyal namin.

Tapos, nong gabi na after ng dinner namin nagcoffee kami sa mcdo at napatanong sya kung bakit ganun ako sa kanya. Syempre ayaw kong magsinungaling at magpaligoy-ligoy pa. So, sinabi ko na may gusto ako sa kanya noon pa naman nong makita ko sya. Ang response nya okay lang naman daw pero sana wag akong magbabago.

Kinabukasan, napaisip ako na parang may mali. Parang mali na nanjan ako at dumediskarte sa kanya knowing na may bf sya. Naiisip na tumawag sa kanya at tinapat ko sya sa bagay na yun. At sinabi ko rin na ayaw kong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nilang dalawa at ayaw ko rin na malead ko sya sa cheating. Dahil nakwento ko rin sa kanya na yong mga past relationship ko ay ldr at nagbreak kami ng mga ex ko dahil may sumawsaw. Ayaw kong mangyari din sa bf nya yong naranasan ko kasi masakit. So, sinabi ko sa kanya na hindi maganda na nandito ako at kung magiging tayo man gusto masimulan natin ng tama dahil mas másáráp pumasok sa relasyon ng tama.

So, ngayon masakit sa pakiramdam na unti-unti na nawawala ang magandang samahan namin at sobrang nalukungkot talaga ako. Sa tingin nyo guys tama ba talaga ang ginawa ko sa crush ko? Naging duwag ba ako? Naging ***** ba ako?

Pasensya na mahabang kwento pero gusto ko lang mashare para mabawasan bigat na nararamdaman ko. Pwedi ko rin ba marinig ang side ng mga kababaihan dito sa group natin..

Thank you guys!
 
Sabi nga ng isa kong barkadang kunsentidor, pag mahal mo paglaban mo, di pa nman asawa eh, paunahan lang yan 😅. para nman sakin ts pag sabing may boypren na eh alam na gagawin, distansya.
Tama ka boss distansya talaga. Have some guts to respect others relationship. Masakit nga lang sa una kasi may nararamdaman kana sa kanya.🥺
 
Tama lang ginawa mo lodi. Kung nahimasmasan naman si crush at maweigh nya na mas magiging masaya sya sayo hihiwalayan nya yung seaman at ipursue ka nya. isipin mo n lg lang ikaw yung nasa posisyon ng seaman tapos may lumalandi sa jowa nya masaket yun lods.hehe
 
Late comment na po ba Ako? 😁 , Actually you did the right decision, if you try to put your feet on their shoes , alam muna mararamdaman nung guy, kung pinagpatuloy mo yung ginagawa mo na Kunin Ang loob nung Gf nya, kung kayo talaga para sa isa't Isa, darating yung time na magiging kayo, in a right moment, kung mawala na yung PAGMAMAHAL mo sa kanya in 3 months much better, enjoy your life, habang single , di lahat Ng may JOWA Masaya 🤣.
 
Dumaan ka pala sa ganyan so alam mo gaano kasakit yan. Huwag mo gawin sa iba.

2nd and most important - you cannot trust her. Kung kaya nya mag two-time sa bf nya, kayang kaya din nya gawin sayo any time may manligaw ulit sa kanya.
 
bitin po lods . haha sana po pinangatawanan mo pinasok mo kahit di na as boyfriend nya sabi naman nya wag magbabago kht magkaibigan lng sana , hindi naman porket may bonding kayo nagchecheat na sya . sana may part2 lods hahaha goodluck
 

Similar threads

Back
Top