What's new

Closed Talaga bang Salita ng Diyos ang Bibliya?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Maaasahan mong natatangi ang Salita ng Diyos, at ganoon nga ang Bibliya. Bilyun-bilyong kopya nito ang naimprenta na sa daan-daang wika. Ang karunungan sa Bibliya ay may kapangyarihang magpabago sa mga tao.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Alam natin na mula sa Diyos ang Bibliya dahil tumpak ang sinasabi nito tungkol sa mangyayari sa hinaharap. Walang sinumang tao ang makagagawa niyan. Kunin nating halimbawa ang aklat ni Isaias. Isang kopya nito na ginawa mahigit isang siglo bago ipanganak si Jesus ang natagpuan sa isang kuweba malapit sa Dagat na Patay. Sinasabi nito na ang lunsod ng Babilonya ay hindi na titirhan. Unang nangyari ang hulang iyan maraming taon pagkatapos ng ministeryo ni Jesus sa lupa.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Paano isinulat ang Bibliya?
Ang Bibliya ay isinulat sa loob ng mga 1,600 taon. Iisa ang tema na isinulat ng mga 40 manunulat nito at hindi ito nagkakasalungatan. Paano nangyari iyon? Ginabayan sila ng Diyos.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Kung minsan, nakikipag-usap ang Diyos sa mga manunulat ng Bibliya sa pamamagitan ng mga anghel, pangitain, o panaginip. Karaniwan nang inilalagay ng Diyos ang kaisipan niya sa isip ng manunulat at hinahayaan niya itong pumili ng gagamiting mga salita sa paghahayag ng mensahe ng Diyos.—Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
bakit walang dinosaur sa bibliya ? natanong lang

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa mga Dinosaur?

Ang sagot ng Bibliya
Hindi direktang binabanggit sa Bibliya ang mga dinosaur. Pero sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ang ‘lumalang sa lahat ng bagay,’ kaya masasabing kasama sila sa mga bagay na nilikha niya. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi man espesipikong binanggit ang mga dinosaur, may mga uri ng nilalang na tinukoy sa Bibliya na maaaring kinabibilangan nila:
  • “Malalaking dambuhalang hayop-dagat.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Bawat gumagalang hayop sa lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Ang mailap na hayop sa lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Nag-evolve ba ang mga dinosaur mula sa ibang hayop?
Sa halip na unti-unting lumitaw na parang nag-evolve, biglang lumitaw sa rekord ng fossil ang mga dinosaur. Kaayon ito ng sinasabi ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang lahat ng hayop. Halimbawa, sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na Diyos ang “Maylikha ng langit at ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon.”
Kailan nabuhay ang mga dinosaur?
Sinasabi sa Bibliya na nilikha ang mga hayop sa dagat at sa lupa noong ikalima at ikaanim na mga araw, o panahon, ng paglalang. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya ipinahihiwatig ng Bibliya na lumitaw at umiral ang mga dinosaur sa loob ng mahabang panahon.
Dinosaur ba ang Behemot at ang Leviatan?
Hindi. Hindi matiyak kung ano talaga ang mga hayop na ito na binanggit sa aklat ng Job. Pero karaniwang sinasabi na ang Behemot ay ang hipopotamus at ang Leviatan naman ay ang buwaya. Kaayon ito ng paglalarawan sa kanila na mababasa sa Kasulatan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero ang mga terminong “Behemot” at “Leviatan” ay hindi puwedeng tumukoy sa mga dinosaur. Sinabihan ng Diyos si Job na pagmasdang mabuti ang mga hayop na ito, at nabuhay si Job pagkalipas ng napakahabang panahon noong wala na ang mga dinosaur.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ano ang nangyari sa mga dinosaur?
Walang binabanggit sa Bibliya tungkol sa pagkawala ng mga dinosaur. Pero sinasabi nito na ang lahat ng bagay ay nilalang ‘dahil sa kalooban ng Diyos,’ kaya malinaw na may layunin ang Diyos sa paggawa niya sa mga dinosaur. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang matupad ang layuning iyan, hinayaan ng Diyos na mawala na ang mga dinosaur.
 
1You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Kaya naman walang tigil naming pinasasalamatan ang Diyos,You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. dahil nang marinig ninyo mula sa amin ang salita ng Diyos, tinanggap ninyo ito, hindi bilang salita ng tao, kundi gaya ng kung ano talaga ito, bilang salita ng Diyos, na umiimpluwensiya sa inyo na mga mananampalataya.
1 Tesalonica 2:13
 
Ang Bibliya ba ay Gawa ng Tao?

Ang sagot ng Bibliya

Totoo, ang Bibliya, o Banal na Kasulatan, ay naglalaman ng magagandang kasabihan. Pero pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sarili nito: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) At maraming patunay na totoo nga ito. Pag-isipan ang sumusunod:

Wala pang matagumpay na nakapagpatunay na di-tumpak ang Bibliya ayon sa kasaysayan.

Ang mga manunulat ng Bibliya ay tapat na mga lalaking sumulat nang may kataimtiman. Ang kanilang pagiging prangka ay nagpapakitang totoo ang kanilang mga isinulat.

Ang Bibliya ay may iisang pangunahing tema: ang pagtataguyod sa karapatan ng Diyos na mamahala sa mga tao at ang katuparan ng kaniyang layunin sa pamamagitan ng kaniyang makalangit na Kaharian.

Kahit isinulat ang Bibliya libo-libong taon na ang nakalilipas, hindi ito naglalaman ng mga maling paniniwala sa siyensiya na karaniwang tinatanggap ng mga tao noon.

Pinatutunayan ng mga dokumentadong ulat ng kasaysayan na ang mga hula sa Bibliya ay nagkatotoo.
 
Talagang Kinasihang Salita ng Diyos ang Bibliya
Talagang Kinasihang Salita ng Diyos ang Bibliya

ANO nga ba ang ibig sabihin ni apostol Pablo nang sabihin niyang “kinasihan ng Diyos” ang Bibliya? (2 Timoteo 3:16) Ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo ay literal na nangangahulugang “hiningahan ng Diyos.” Samakatuwid, sinasabi ni Pablo na ginamit ng Diyos ang banal na espiritu upang patnubayan ang mga manunulat ng Bibliya na isulat lamang ang gusto Niyang ipasulat sa kanila.

Ang mga manunulat na ito ng Bibliya ay “nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu,” ang sabi ni apostol Pedro. (2 Pedro 1:21) Tinukoy rin naman ni apostol Pablo ang mga aklat ng Bibliya bilang “banal na mga kasulatan, na makapagpaparunong sa iyo ukol sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya may kaugnayan kay Kristo Jesus.”—2 Timoteo 3:15.

Kinukuwestiyon ng maraming tao kung ang Diyos nga ba ang awtor ng Bibliya. Sobra ang ginagawang paninira ng mga kritiko sa Bibliya. Inilarawan ito ng arkeologong si Sir Charles Marston bilang “walang-galang na pagbabale-wala sa ulat ng Bibliya.” Itinuturing naman ng ilan ang Bibliya na para lamang “isang lumang koleksiyon ng mga alamat at kuwentong di-totoo.”

Ang mga Ebidensiya

Mapagkakatiwalaan ba ang Bibliya? Mahalaga na tama ang sagot mo sa tanong na ito. Bakit? Dahil kung mensahe mula sa Diyos ang laman ng Bibliya, isa ngang kamangmangan—kung hindi man maging sanhi ng kamatayan—na ipagwalang-bahala ito. Kung ituturing mo ito na salita lamang ng tao at hindi Salita ng Diyos, mawawalan ito ng impluwensiya sa iyong pagkilos at paniniwala.—1 Tesalonica 2:13.

Ikaw, magtitiwala ka ba sa Bibliya? Buweno, paano mo malalaman kung dapat kang magtiwala sa isang tao? Isang bagay ang tiyak, napakahirap ibigay ang buong pagtitiwala sa isang taong hindi mo naman gaanong kilala. Makikilala mo lamang nang higit ang isang tao kung matagal mo na siyang kasama. Doon mo lamang malalaman kung talagang tapat siya at mapagkakatiwalaan. Totoo rin iyan kung tungkol sa Bibliya. Huwag mong basta tatanggapin ang espekulasyon o mga teoriyang may pinapanigan sa layuning siraan ang Bibliya. Maglaan ng panahon upang isaalang-alang ang ebidensiya na talaga ngang “kinasihan ng Diyos” ang Bibliya.

Paninira ng Nagkukunwaring mga Kaibigan

Bagaman kinukuwestiyon maging ng ilang nag-aangking kaibigan ng Bibliya ang pagiging totoo at mapagkakatiwalaan nito, hindi ka dapat magpaapekto rito. Ngayon, bagaman nag-aangking Kristiyano ang karamihan sa mga komentarista ng Bibliya, “itinuturing lamang [nila] ang Kasulatan bilang kasaysayan ng tao,” sabi ng New Dictionary of Theology.

Kinukuwestiyon ng maraming teologo kung sino nga ba ang awtor ng mga aklat ng Bibliya. Halimbawa, sinasabi ng ilan na hindi si propeta Isaias ang sumulat ng aklat ng Isaias. Sabi nila, ang aklat na ito ng Bibliya ay isinulat makalipas ang mahabang panahon pagkamatay ni Isaias. Sinabi pa ng Concise Bible Commentary ni Lowther Clarke na ito ay “produkto ng maraming isip sa loob ng maraming henerasyon.” Ngunit ito ay pagbabale-wala sa paulit-ulit na pagkilala ni Jesu-Kristo at ng kaniyang mga alagad kay Isaias bilang ang sumulat ng aklat.—Mateo 3:3; 15:7; Lucas 4:17; Juan 12:38-41; Roma 9:27, 29.

Mas matindi pa ang sinabi ng ilang kritiko ng Bibliya, kabilang na ang komentaristang si J. R. Dummelow. Sinabi nila na ang mga hula sa aklat ni Daniel ay “talagang nakalipas nang kasaysayan na pinalalabas lamang ng sumulat nito bilang sinaunang hula.” Muli, ito ay pagbabale-wala sa patotoo mismo ni Jesu-Kristo. Nagbabala si Jesus tungkol sa tinatawag niyang “kasuklam-suklam na bagay na sanhi ng pagkatiwangwang, na tinukoy sa pamamagitan ni Daniel na propeta.” (Mateo 24:15) Makatuwiran bang isipin ng isang Kristiyano na susuportahan ni Jesu-Kristo ang isang panlilinlang sa mga tao—ang palabasing hula ang isang pangyayaring naganap na? Tiyak na hindi.

Mahalaga Bang Malaman Kung Sino ang Sumulat ng Bibliya?

“Talaga bang mahalagang malaman kung sino ang sumulat ng mga aklat ng Bibliya?” baka maitanong mo. Oo, mahalaga ito. Paniniwalaan mo ba ang isang dokumento na sinasabing huling habilin ng iyong kaibigan kung hindi naman siya ang sumulat nito? Ipagpalagay nang sabihin sa iyo ng mga eksperto sa dokumento na ito ay peke—na isinulat lamang ng nagmamalasakit na mga tao ang inaakala nilang kagustuhan ng iyong kaibigan. Hindi ba nawawalan ng halaga ang dokumento? Maniniwala ka ba na ito talaga ang kagustuhan ng iyong kaibigan?

Totoo rin iyan kung tungkol sa Bibliya. Hindi kataka-taka na napakaraming tao—kahit ang mga nag-aangking Kristiyano—ang nagwawalang-bahala sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa katapatan, moralidad sa sekso, at iba pa. Gaano kadalas mong marinig ang mga tao na nagsasabi, “Pero Lumang Tipan na iyan!”—na para bang wala itong halaga. Ito ay sa kabila ng paglalarawan ni apostol Pablo sa tinatawag nilang Lumang Tipan bilang “ang banal na mga kasulatan” na “kinasihan ng Diyos.”

“Hindi mo naman basta-basta mababale-wala ang sinasabi ng lahat ng eksperto at iskolar,” maaaring sabihin mo. Siyempre pa! Halimbawa, malaki ang utang na loob natin sa tapat na mga iskolar na tumulong na matukoy ang orihinal na akda ng Bibliya. Totoo, may maliliit na pagkakamali sa mga teksto ng Bibliya habang paulit-ulit itong kinokopya sa nakalipas na daan-daang taon. Gayunman, tandaan: May malaking pagkakaiba ang isiping nagkaroon ng maliliit na pagkakamali sa mga teksto ng Bibliya dahil sa pagkopya at ang ituring ang buong Bibliya bilang gawa lamang ng tao.

Patuloy na Magtiwala sa “Banal na mga Kasulatan”

Bago sabihin na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos, sinabi ni Pablo kay Timoteo kung bakit mahalaga ang gayong kinasihang ulat. “Sa mga huling araw,” ang sabi niya, “ang mga taong balakyot at mga impostor ay magpapatuloy mula sa masama tungo sa lalong masama, nanlíligaw at naililigaw.” (2 Timoteo 3:1, 13) Pero kahit noong panahon ni Pablo, may ‘mga taong waring marurunong at matatalino’ na gumamit ng “mapanghikayat na mga argumento” para dayain ang mga tao at pahinain ang kanilang pananampalataya kay Jesu-Kristo. (1 Corinto 1:18, 19; Colosas 2:4, 8) Para maingatan sila mula rito, hinimok ni apostol Pablo si Timoteo na ‘magpatuloy sa mga bagay na natutuhan niya mula sa pagkasanggol sa pamamagitan ng banal na mga kasulatan’ na inilaan ng Diyos.—2 Timoteo 3:14, 15.

Mahalaga rin na gawin mo iyan sa “mga huling araw” na ito. Huwag mong maliitin ang panganib na madaya ng kadalasan nang “mapanghikayat na mga argumento” ng mga taong sobrang talino. Sa halip, gaya ng mga Kristiyano noong unang siglo, ingatan ang iyong sarili sa pamamagitan ng lubusang pagtitiwala sa natutuhan mo sa Bibliya—ang talagang kinasihang Salita ng Diyos.

Masisiyahan ang mga Saksi ni Jehova na tulungan kang patibayin ang iyong pagtitiwala sa Bibliya. Halimbawa, maaari nilang ipakita sa iyo na talagang maaasahan sa lahat ng panahon ang mga simulain sa Bibliya; na magkatugma ang Bibliya at ang siyensiya; na ang nilalaman nito ay lubusang magkakasuwato mula simula hanggang katapusan; na ang mga hula nito ay walang-mintis na natupad—at marami pang iba. Kung gusto mo, maaari kang sumulat sa tagapaglathala ng magasing ito para sa impormasyon na nakatulong sa milyun-milyong tapat-pusong tao na maniwalang ang Bibliya ay talagang Salita ng Diyos.
 
bakit pa kayo magda doubt sa kabutihan anong klaseng mindset yan kung kasamaan ang mga sinasabi ng isang libro dun kayo matakot
 
Mas tunay ang orihinal na bibliya na hindi binawasan, Inedit at pinagsalin salin ang kopya sa kung ano ang pagkaunawa ng mga may akda. Dahil isang letter lang magkamali dyan nwawala na sa tunay na nais ipakahulugan yan.
 
Peru hindi niyo alam ang lahat ng kabuuan ng paglalang ng sanlibotan at kung anong mga sagradong salita at buhay na salita na ginamit sa paglalang.at kung anong proseso ba ng paglikha sa lahat lahat ng yan hindi inihayag sa bibliya
Bakit kasi napakasagrado at mahiwag kung sususmain at makikita sa bibiliya itoy pinaiksi na lamang na pahayag . Maraming pangalan ang deus itoy hindi alam ng maraming mga tao sa lupa ang mga sekretong pangalan na yun ay nakatago at sekreto dahil itoy banal at sagradong buhay na lihim na pangalan
Oo galing sa dios ang mga salita para mabuo ang bibliya sa panahon ngayon naglilitawan ang mga bulaang pastor at bulaang relihiyon makikita mo sa bibiliya nila na itoy napakadaming kulang.
 
Nabago Ba o Sinadyang Baguhin ang Bibliya?

Hindi. Ipinakikita ng paghahambing sa sinaunang mga manuskrito na halos hindi nagbago ang Bibliya sa kabila ng paulit-ulit na pagkopya rito sa nasisirang mga materyal sa loob ng libo-libong taon.
Nangangahulugan ba ito na hindi kailanman nagkamali ang mga tagakopya?
Libo-libo na ang sinaunang manuskrito ng Bibliya na natuklasan. Ang ilan dito ay may mga pagkakaiba, na nagpapahiwatig na may mga pagkakamali sa pagkopya. Ang karamihan sa mga pagkakaiba ay maliliit lang at hindi nakaaapekto sa kahulugan ng teksto. Pero may ilang malalaking pagkakaiba na natuklasan, at waring ang ilan ay sinadya para baguhin ang mensahe ng Bibliya. Isaalang-alang ang dalawang halimbawa:
  1. Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., ang ilang mas matatandang salin ng Bibliya ay may ganitong mga salita: “sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo; at ang tatlong ito ay iisa.” Pero pinatutunayan ng mapananaligang mga manuskrito na wala sa orihinal na teksto ang mga salitang ito. Idinagdag na lang ito nang dakong huli. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Kaya naman You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa mapananaligang modernong mga salin ng Bibliya.
  2. Ang personal na pangalan ng Diyos ay libo-libong beses na lumilitaw sa sinaunang mga manuskrito ng Bibliya. Pero sa maraming salin ng Bibliya, You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. gaya ng “Panginoon” o “Diyos.”
Paano tayo nakatitiyak na wala nang gaanong pagkakamali na matutuklasan?
Sa ngayon, napakarami nang manuskrito ang natuklasan kaya mas madali nang makita ang mga pagkakamali. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Ano ang ipinakikita ng paghahambing sa mga dokumentong ito tungkol sa pagiging tumpak ng Bibliya sa ngayon?
  • Tungkol sa teksto ng Hebreong Kasulatan (karaniwang tinatawag na “Lumang Tipan”), ang iskolar na si William H. Green ay nagsabi: “Hindi kalabisang sabihin na walang ibang sinaunang akda ang naitawid sa atin nang may gayong katumpakan.”
  • May kaugnayan sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, o “Bagong Tipan,” sumulat ang iskolar ng Bibliya na si F. F. Bruce: “Mas maraming ebidensiya na nagpapatunay sa Bagong Tipan kaysa sa maraming akda ng sinaunang mga awtor, pero walang nangahas na kumuwestiyon sa pagiging totoo ng mga sinaunang akdang ito.”
  • Si Sir Frederic Kenyon, isang kilaláng awtoridad sa mga manuskrito ng Bibliya, ay nagsabi na “maaaring hawakan [ng isa] ang buong Bibliya at sabihing walang takot o pag-aatubili na tangan niya ang tunay na Salita ng Diyos, ipinasa sa sali’t salinlahi nang walang malaking pagbabago sa lahat ng mga dantaon.”
Ano ang iba pang dahilan para magtiwalang ang Bibliya ay nakarating sa atin nang may katumpakan?
  • Kinopya kapuwa ng mga tagakopyang Judio at Kristiyano ang mga ulat tungkol sa malulubhang pagkakamali ng bayan ng Diyos. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kinopya rin nila ang mga pananalitang tumutuligsa sa bansang Judio dahil sa pagsuway nito at naglalantad sa gawang-taong mga doktrina. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa pagkopya sa mga ulat na ito nang may katumpakan, ipinakita ng mga tagakopyang ito na sila’y mapagkakatiwalaan at may paggalang sa sagradong Salita ng Diyos.
  • Yamang ginabayan ng Diyos ang pagsulat sa Bibliya, hindi ba makatuwiran lang na iingatan din niya ang pagiging tumpak nito? You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tutal, hindi lang ang mga tao noon ang gusto niyang makinabang dito kundi pati na rin tayo sa ngayon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katunayan, “ang lahat ng bagay na isinulat noong una ay isinulat sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng ating pagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Kapag sumisipi si Jesus at ang kaniyang mga tagasunod mula sa mga kopya ng Hebreong Kasulatan, hindi sila nag-aalala na baka hindi tumpak ang sinaunang mga tekstong iyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top