What's new

Talaga bang nababahala ang Diyos sa nangyayari sa tao?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
Oo, tiyak iyon! Isaalang-alang ang katibayan: Sinasabi sa atin ng Bibliya na binigyan ng Diyos ang tao ng isang sakdal na pasimula. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayumpaman, ang patuluyang pagtatamasa ng tao ng pagsang-ayon ng Diyos ay nasasalig sa pagsunod sa kaniyang Maylikha. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung masunurin ang tao, patuloy niyang tatamasahin ang sakdal na buhay-tao—walang sakit, walang hirap, walang kamatayan. Siya ay paglalaanan ng Maylikha ng kinakailangang patnubay at gagamitin ang Kaniyang kapangyarihan upang ipagsanggalang ang sangkatauhan laban sa anomang kapahamakan. Subali’t tinanggihan ng tao ang patnubay ng Diyos; pinili niya ang landasin ng pagsasarili. Sa pagsisikap na gawin ang isang bagay na hindi sadyang dinisenyo para sa kaniya, dinulutan niya ng kapahamakan ang sarili. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayumpaman, sa nakalipas na mga dantaon, buong pagtitiis na hinanap ng Diyos yaong mga handang sumunod sa kaniya dahil sa pag-ibig sa kaniya at sa kaniyang mga daan. Inilalagay niya sa harapan nila ang pagkakataon na tamasahin ang lahat ng mga pagpapala na ipinagkait sa kanila dahil sa di-kasakdalan at pagsasarili. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang paglalaan ng Diyos na tubusin ang mga tao sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kaniyang Anak ay isang kagilagilalas na katibayan ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nagtakda din naman ang Diyos ng panahon sa paglipol sa mga nagpapahamak sa lupa at upang tamasahin ng mga umiibig sa katuwiran ang buhay na kasuwato ng kaniyang sariling orihinal na layunin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.;
 

Similar threads

Back
Top