What's new

Trivia Talaga Bang Masama ang Pagmumura?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Sanay na sanay na akong makarinig ng nagmumura kaya ’di na ako nagugulat. Parang normal na lang ’to.”—Christopher, 17.

“Noong bata pa ako, palagi akong nagmumura. Napakadali nitong makasanayan pero napakahirap namang ihinto.”—Rebecca, 19.



Kung bakit ito mahalaga

Ang puwede mong gawin

Ang sinasabi ng ibang kabataan


Ano ang epekto sa iyo kapag naririnig mong nagmumura ang iba?

Wala lang—normal na ito sa akin.

Nakakailang—pero tanggap ko na.

Nakakainis—hindi ko talaga matanggap.

Nagmumura ka ba?

Hinding-hindi

Minsan

Madalas

Sa palagay mo, seryosong bagay ba ang pagmumura?

Oo

Hindi

Kung bakit ito mahalaga
Para sa iyo, seryosong bagay ba ang pagmumura? ‘Hindi naman,’ baka sabihin mo. ‘Maraming ibang bagay sa mundo na mas dapat problemahin. At saka, lahat naman ng tao ay nagmumura!’ Pero totoo ba talaga iyan?

Sa maniwala ka o hindi, maraming tao ang umiiwas sa paggamit ng masasamang salita. May mga alam kasi sila na hindi alam ng iba. Halimbawa:

Kapag nagmumura ka, mahahalata ang totoong pagkatao mo. Ipinakikita ng iyong pananalita kung ano ang nasa loob mo. Kapag nagmumura ka, ipinahihiwatig nito na wala kang pakialam sa damdamin ng iba. Ganiyan ba talaga ang pagkatao mo?

Sabi ng Bibliya: “Ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso.”—Mateo 15:18.

Mga kabataang napaatras at nainis dahil sa pagmumura ng isang kabataan
Ang pagmumura ay parang polusyon. Bakit mo ihahantad dito ang iyong sarili at ang iba?

Kapag nagmumura ka, papangit ang tingin sa iyo ng iba. Sinasabi ng aklat na Cuss Control: “Nakadepende sa paraan ng pagsasalita natin kung sino ang magiging mga kaibigan natin, kung igagalang tayo ng mga kapamilya at katrabaho, ang kalidad ng ating ugnayan sa iba, kung paano tayo makaiimpluwensiya sa iba, kung makakakuha ba tayo ng trabaho o promotion, at kung paano tayo pakikitunguhan ng mga hindi natin kakilala.” Sinasabi rin nito: “Tanungin ang sarili kung posible kayang mas gaganda ang iyong kaugnayan sa iba kung hindi ka nagmumura.”

Sabi ng Bibliya: ‘Alisin ninyo ang mapang-abusong pananalita.’—Efeso 4:31.

Kapag nagmumura ka, hindi ka kasing-cool na gaya ng inaakala mo. Sa kaniyang aklat na How Rude!, sinabi ni Dr. Alex Packer: “Nakakasawang pakinggan ang mga taong laging nagmumura.” Idinagdag niya na kung puro pagmumura ang nasa bokabularyo ng isa, “hindi iyon kakikitaan ng unawa, talino, dunong, o empatiya. Kung ang pananalita mo ay burara, malabo, at limitado, tiyak na magiging ganoon din ang iyong pag-iisip.”

Sabi ng Bibliya: “Huwag lumabas ang bulok na pananalita mula sa inyong bibig.”—Efeso 4:29.

Ang puwede mong gawin
Magtakda ng tunguhin. Sa loob ng isang buwan o mas maikli pa, subukang huminto sa pagmumura. Puwede mong ilista sa isang chart o kalendaryo ang iyong pagsulong. Pero para patuloy mong maabot ang iyong tunguhin, baka higit pa ang kailangan mong gawin. Halimbawa:

Iwasan ang mga libangang magpapasok ng masasamang salita sa iyong pag-iisip. Sinasabi ng Bibliya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali.” (1 Corinto 15:33) Hindi lang mga tao ang kabilang sa mga “kasama” kundi pati na rin ang mga libangan—mga pelikulang pinapanood mo, mga video game na nilalaro mo, at ang musikang pinakikinggan mo. Sinabi ni Kenneth na 17 anyos: “Napakadaling sabayan ang kantang gusto mo at kalimutang may mga mura sa lyrics nito—dahil lang sa maganda ang beat nito.”

Ipakitang matured ka. Ang ilan ay nagmumura dahil iniisip nilang magmumukha silang adulto. Pero kabaligtaran ang totoo. Sinasabi ng Bibliya na nasanay na ng mga matured na tao ang “kanilang mga kakayahan sa pang-unawa na makilala kapuwa ang tama at ang mali.” (Hebreo 5:14) Hindi nila ibinababa ang kanilang mga pamantayan para lang magpa-impress sa iba.

Ang totoo, ang pagmumura ay parang polusyon na nagkakalat ng maruruming kaisipan. Laganap na iyan sa mundo! “Huwag ka nang dumagdag pa,” ang mungkahi ng Cuss Control. “Gawin mo ang iyong buong makakaya para mabawasan ang maruruming pananalita. Gaganda ang pakiramdam mo sa iyong sarili, at gaganda rin ang tingin sa iyo ng iba.”

ANG SINASABI NG IBANG KABATAAN
Jared
“Nakakasira sa iyong reputasyon ang pagmumura. Kung hindi ka makabuo ng mga pangungusap nang hindi nagmumura, ipinakikita lang nito na limitado ang bokabularyo mo.”—Jared.

Jennifer
“Puwede mong piliin kung paano ka magsasalita. Hindi ito laging madali, pero dapat ka munang mag-isip bago magsalita. Ang pagmumura ay isang masamang ugali na puwedeng ihinto.”—Jennifer.
 
Kahit no'ng di pa ako nag-aaral ng Bible, alam ko ng masama ang pagmumura eh. Wala pa akong alam no'n sa Bible ah. Yan ang turo ng magulang ko saming mgkakapatid, ang pagmumura ay masama at hndi magandang pkinggan. Kung may religion na nagtuturo na ok lng mgmura, mas masahol pa cla sa mga taong walang alam sa Bible pero marunong makakilala ng mabuti at masama kaysa maalam nga sa Bible pero itinuturo at pinangangalandakan pa sa mga miyembro o programa nila ang mga salitang ubod ng sama, gaya ng "tarantad—", "b*bo", o "gag—"

Ayokong buuin ang mga salitang iyan dahil alam kong napakapangit ng mga salita na yan. Ni hindi ko nga nabasa yan sa Bible eh.

Katunayan, ganito ang sabi mismo ng Bible,

Efeso 4:29 (Magandang Balita Biblia)
Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.

Napakalinaw na utos yan!

Kung tunay na Cristiano ang isa o ang religion ng isang tao, alam niya mismo ang tungkol sa bagay na yan, kahit na tumutol ang kausap nya o di sang-ayon sa knya, hndi sya dapat gumamit ng "masasamang salita" o "masasakit na salita" patungkulan nya man ay ibang tao o ibang religion o ibang paniniwala.

Kaya ung pgmumura na yan, mali tlga yan. D ko alam kung bkt my mga naniniwalang hndi masama yan. Cguro, gusto lng tlga nilang mgsalita ng gnyan.
 
for me dalawang klase ang pagmumura --- yung expression mo in a certain situation like "WTF!" at yung direktang pag atake sa tao like "You're a piece of sh*t mother******"

Kung sensitibo ka sa una dahil una, conditioned ang mind mo sa religious teachings, for instance, masama talaga siya. Pero sa mga walang beliefs or dahil sa enviromental/ social factor there's nothing wrong with it. It's all about perspective.

Sa pangalawa naman, kahit sino naman theist, atheist, agnostic, etc. napaka foul niya at hindi dapat ginagawa. Ang pagmumura na iyan ay degrading at di dapat tularan.
 
sa mga walang beliefs or dahil sa enviromental/ social factor there's nothing wrong with it. It's all about perspective.

d po ko cgurado dto, cguro dhl may takot dn sa Dios ung magulang ko kya ayaw nya na maririnig samin ung ganung mga words. d naman po religious ung nanay ko pero yan po ung itinuro nya samin noon, kaya, kht d kmi relihiyosong pamilya, naniniwala kming masama po yun. kya dpende p rn po.

pero tama po ung sbi nio, ung tungkol sa environmental and social factor, mnsan influence nlng dn, pg hnd tinuturing na masama ang pgmumura sa lugar na kinalakhan ng isang tao, hnd nya iisiping masama ung pgmumura nya. kya, perspective pa dn po ng tao.

tama dn po to

Ang pagmumura na iyan ay degrading at di dapat tularan.

ang hrap lng kc my ng mga religion ako napapanood sa tv o kya sa yt, mga nagmumura sila, ang lulutong pa, nakakapangilabot panoorin tapos magtuturo pa cla ng bible. grabe tlga.
kya mula non, ayoko ng panoorin ung mga ganung religion. magaling sana sa bible kaso nagmumura.

bka perspective lng dn nila
 
sa mga walang beliefs or dahil sa enviromental/ social factor there's nothing wrong with it. It's all about perspective.

d po ko cgurado dto, cguro dhl may takot dn sa Dios ung magulang ko kya ayaw nya na maririnig samin ung ganung mga words. d naman po religious ung nanay ko pero yan po ung itinuro nya samin noon, kaya, kht d kmi relihiyosong pamilya, naniniwala kming masama po yun. kya dpende p rn po.

pero tama po ung sbi nio, ung tungkol sa environmental and social factor, mnsan influence nlng dn, pg hnd tinuturing na masama ang pgmumura sa lugar na kinalakhan ng isang tao, hnd nya iisiping masama ung pgmumura nya. kya, perspective pa dn po ng tao.

tama dn po to

Ang pagmumura na iyan ay degrading at di dapat tularan.

ang hrap lng kc my ng mga religion ako napapanood sa tv o kya sa yt, mga nagmumura sila, ang lulutong pa, nakakapangilabot panoorin tapos magtuturo pa cla ng bible. grabe tlga.
kya mula non, ayoko ng panoorin ung mga ganung religion. magaling sana sa bible kaso nagmumura.

bka perspective lng dn nila
agnostic po ako , meaning wala po akong relihiyon kaya hindi bible ang basehan ko kundi logic at common sense. need lang naman natin pairalin ang EMPATHY. kung feeling natin nakakasakit sa iba, wag nating gawin (gaya ng pagmumura).
 
Talagang ginawan niyo na pala ito ng thread pero healthy discussion lang mga boss kung ayaw niyong matulad ito sa kabila....
 
Last edited:
May tanong lang po ako ang salita po bang "fool""hangal"mangmang"ay pagmumura?

May ganito po kasing talata sa biblia

Aw.94:8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?

Gayon din sa panahon ng mga unang kristyano ginamit din nila ito

Efe.4:18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;

Kaya ko po naitanong kasi kung sasabihin natin na pagmumura ang mga salitang ito ang logic pati ang biblia pinasasama natin.ang tanong yamang yan ay nasa biblia ang dapat siguro nating maintindihan paano ito ginamit ng biblia ng sa ganon hindi po ito maging kontradiksiyon sa iba pang talata katulad nito

Efeso 4:29 (Magandang Balita Biblia)
Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.

Si san Pablo po ang may sabi niyan at siya rin ang gumamit ng salitang "hangal"sa 4:18 ng efeso.paano po niya ginamit yong salita na yan?ginamit po niya yan doon sa mga taong may madilim na pagiisip at matitigas ang puso.....ang mga taong ito ay mga "hangal"o "kahangalang nasa kanila"ika ni San pablo.....nagmumura ba siya?at base sa mga bagay na ito maintindindihan sana natin ang laman ng verse na ito:

Mat.22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.

Ulitin ko lang po ang talatang ito:

Aw.94:8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
 
Last edited:
Maayos naman nakikipag usap ang mga saksi kung may gusto kang linawin patungkol sa pinag uusapan pwede ka rin naman gumawa ng sarili mong thread. Mapapansin mo naman din kung sino yung mga may gusto ng debate lng at gustong matuto.
 
May tanong lang po ako ang salita po bang "fool""hangal"mangmang"ay pagmumura?
Healthy discussion lang naman to. Okay?

So, sabi mo kay SHERL0CKH0LMES

Yung word na "taran*", "bob....", "ga...." (Ayokong buuin mga word eh) kasingbigat lang yun ng masasakit na salita sa Bible ..

IMG_20210704_070558.jpg

At ginamit mo ang dictionary para ipakita yung kahulugan no'n 🙂

Ngayon, gusto kong ipakita sayo na yung mga salitang tinatanong mo eh may kasimbigat din yan na salita sa Tagalog ..

"Fool"
IMG_20210704_065946.jpg


"Hangal"
IMG_20210704_070139.jpg


"Mangmang"
IMG_20210704_070026.jpg


Yung mga word na yan, "Fool", "Hangal", "Mangmang", ang kasingbigat pala nyan mga salita na yan ay yung word din na "U......."

Alam mo ba kung anong sabi ng Bibliya kapag nagsasalita ka ng ganyan?

Mateo 5:22
IMG_20210704_070213.jpg



Kung sasabihin mo samin na ung mga salitang "tarantad—", "b*bo", "gag—" ay katumbas lng ng mga salitang yan na "fool", "hangal", "mangmang", eh alam mo na kung ano ang kasingbigat ng mga salitang yan, lagi mo lang tandaan yan, "Mateo 5:22"

Kung sasabhn mo namang ginamit ko yung mga "word" na yan para sabihing nagmumura ako, nasa sayo yan, kitang-kita naman na hindi kita sinasabihan ng mga salitang yan kundi ginamit ko lang ang mga salitang yan para ipaliwanag kung ano ang kahulugan nyan .. Hndi gaya nung isang kasama mo na nagtanong pa kay SHERL0CKH0LMES at ginamit yung mga salitang iyan ..

Angel Casting.png
 

Attachments

Tama ka naman na ginamit nga ni Pablo yung salitang yan: "hangal"

Pero yun nga po kasi yung tinatanong ni SHERL0CKH0LMES ..

Kung iyon bang mga salita na ginamit sa Bible, yang "hangal" ang siyang ginagamit na salita sa programa ng Iglesia ng Diyos ..

Kung mga salitang nakasulat sa Bible ang gamit nila, wala pong problema du'n 🙂

Pero ang ginagamit po kasi nila sa programa nila is yung mga salitang "taranta—", "b*bo", at "ga—"

Hindi naman po kasi iyan ang ginamit ni Pablo .. Ni wla po kayong naipakitang talata sa Biblia na ginamit ang mga salitang yan sa Bible ..

Ang ginamit po ni Pablo, "hangal", hindi "taranta—", "b*bo", at "ga—" o "P.I."

Ngayon kung sasabihin mong ang mga salitang "taranta—", "b*bo", at "ga—" eh kasimbigat lng pala nya'n is yung mga salitang binanggit sa Bible na "hangal", "mangmang" at "fool", eh magiging kasimbigat din yan nung word na "ul—"

Gaya ng ipinakita ko sayo at gaya ng ipinaliwanag ko na dito.

Nage-gets mo po?
 
I have no problem with cursing... Kahit sa mga anak ko sinasabi ko na walang kaso sken ung pagmumura... Lagi ko sinasabi na no matter the words they use kung ang intention eh makasakit ng tao eh it doesnt matter kung mura un or not ..

They are just words... Nasa sa tao na kung pano mo gagamitin...

Kung like mga expressions lang or to emphasize a point eh no big deal.... Pag demeaning or degrading na especially kung out of context na eh di ppd sken un.
 
What if ginagamit pa sa pagtuturo ng Bibliya pero hindi naman nakasulat sa Bible yung mga ganung word? Is it okay to use words that never mentioned or used in the Bible?


Hahahaha survey lang 😆😅
 
Someone told me this lang na certain words na common or normal lang sa aming mga tagalog example "tang@ , b0b0" eh iba ung meaning or pagkataboo nea sa ibang lugar like tga north, ilocanos , ganun... Korek me if im wrong.
 
[XX='jayendecastro, c: 1342616, m: 744408'][/XX] Not sure .. Maghintay tayo na may magsagot na mga taga-Norte dito 😅
 
[XX='Mind Palace, c: 1342613, m: 1764836'][/XX] sa context ng pagtuturo ng bible tapos that person is cursing despite what the bible says about it being bad or wrong then that person is being a hypocrite....


Generally speaking of corz.... 😁
 
Copy paste ko na lang din po yong sagot ko sa kabila

"Tarantado"

Ang tarantado ay isang katawagan o taguri na tumutukoy sa isang taong nagpapamalas na ugaling may kalokohan, kaululan, o kahangalan. Tumutukoy din ito sa isang taong may kapangahasan o may pagkapangahas


ang tarantado po ay katawagan din sa hangal kaya kung di man yan makita ang kasingkahulugan naman yan ay ang salitang hangal

Aw.92:6 Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang.

Nasa biblia po ang hangal katumbas ng pinahahanap niyong salitang "tarantado"kapag sinabi niyo na yan ay pagmumura pinararatangan mo ang biblia

Same din sa salitang g@g@

fool
a person lacking in judgment: loko-loko/loka-loka, g@go (a), ulol, sira, haling, hangal, t@nga

Ang katumbas na salita niyan ay fool na kapag pinilit mo na mura pinaaratangan na nanaman natin ang biblia na nagmumura

Psa.The fool says in his heart, “There is no God.” They are corrupt, their deeds are vile; there is no one who does good.

Ang sabi ko nga ang kulang dito ay ang paraan ng pag-unawa at paggamit ng ganong salita.

Muli balik ko uli ang talatang ito:

Aw.94:8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
 
Last edited by a moderator:
[XX='jayendecastro, c: 1342620, m: 744408'][/XX] So yun po yung point .. Though the word "fool" or "hangal" is being used in the Bible, pero hindi naman ibig sabihin n'on ay puwede na nating sabihan ng ganyan ang mga tao .. Ang mas mahirap pa do'n ay kung gagamit pa ng mga salitang hindi man lang isinulat o binanggit sa banal na Kasulatan ..

I'm so disappointed na idinadahilan ng iba ang word na "fool" or "hangal" para bigyang katuwiran o bigyang daan ang mga salitang nakakasakit o masama pa nga pakinggan na ayon sa kanila ay katumbas lamang daw ng salitang iyan, samantalang hindi naman nakasulat sa Bibliya ang mga salitang ginagamit nila ..

😕
 
[XX='Thea18, c: 1342626, m: 474474'][/XX]

Kht sbhn mo kasing magkasingkahulugan yan ..

Lilitaw na nagsasabi ka din ng salitang "ul—" sa ibang tao kung saan sinabi mismo ni Jesus na iyon ay mapapasapanganib ng pinaniniwalaan ng marami na "impiyerno" ..

Pinakita ko naman na sayo, di'ba?
Gets?

At ang mga salita nga na yan ay hindi nakasulat sa Bible, "hangal" ang nakasulat ..

Huwag pilit na isingit o itumbas ang word na "taranta—", "gag*", "b*bo" o "P.I." sa salitang "hangal"

Tatanggapin ko yang paliwanag mo na yan kung sasang-ayon ka na ang salitang "Jehova" ay katumbas lamang din ng salitang "YHWH" sa Bible .. Walang salitang "Jehova" sa Bible, sabi niyo .. Gagamitin ko din yang katuwiran na yan,
dahil ang salitang "taranta—", "gag*", "b*bo" o "P.I." ay hindi kailanman isinulat sa Bible ..

Tutal, ikaw din mismo nagsabi na 'kasingkahulugan' lang din naman yan ng salitang 'hangal'

ang tarantado po ay katawagan din sa hangal kaya kung di man yan makita ang kasingkahulugan naman yan ay ang salitang hangal
Same din sa salitang g@g@
IMG_20210704_070558.jpg


Kung igigiit mo sakin yang katuwiran na yan, sumasang-ayon ka mismo na kahit hindi nakasulat ang isang salita sa Bible bsta KASINGKAHULUGAN ng salitang ginamit sa Bible eh lalabas na walang masama kung gamitin ang "Jehova" sa Bibliya dahil YHWH din ang kasingkahulugan nyan ..

Tanong, payag ka ba?

Napansin ko kasi sa inyo, mas gusto ninyong paniwalaan yung 'masasamang salita' na hindi naman nakasulat sa Bible at iuugnay ninyo sa salitang 'hangal' kesyo magkatumbas naman daw yon .. Samantalang ang pangalan ng Diyos na "Jehova" na dapat na pinapabanal at iginagalang, na sinasabi ninyong hindi naman nakasulat sa Bible, eh hindi nyo man lang mapaniwalaan, eh katumbas lamang din 'yon ng "YHWH".

Kaya, kung baluktot naman ang inyong pangangatuwiran, at mas gusto ninyong paniwalaan ang masasamang salita na hindi naman nakasulat sa Bible kaysa maniwala na ang pangalang "Jehova" ay katumbas din ng YHWH, huwag na lamang kayong magkomento sa ginagawa naming mga thread dahil hindi iyon nakakatulong sa mga bumabasa, gawin niyo yon bilang pagrespeto sa amin na kapuwa niyo din naniniwala sa Bibliya bilang Salita ng Diyos.

🙂

May kalayaan kayong magkomento pero kung magpaparatang kayo sa amin at manggugulo lamang sa mga thread na ipinopost namin, isipin niyo na lamang kung ganyang uri ba talaga ng Kristiyano ang totoong sumusunod kay Kristo.

🙂
 

Attachments

Last edited by a moderator:
What if ginagamit pa sa pagtuturo ng Bibliya pero hindi naman nakasulat sa Bible yung mga ganung word? Is it okay to use words that never mentioned or used in the Bible?


Hahahaha survey lang 😆😅

@jayendecastro..So yun po yung point .. Though the word "fool" or "hangal" is being used in the Bible, pero hindi naman ibig sabihin n@on ay puwede na nating sabihan ng ganyan ang mga tao.... Ang mas mahirap pa do@n ay kung gagamit pa ng mga salitang hindi man lang isinulat o binanggit sa banal na Kasulatan....

I@m so disappointed na idinadahilan ng iba ang word na.."fool" or "hangal" para bigyang katuwiran o bigyang daan ang mga salitang nakakasakit o masama pa nga pakinggan na ayon sa kanila ay katumbas lamang daw ng salitang iyan, samantalang hindi naman nakasulat sa Bibliya ang mga salitang ginagamit nila ..

😕
Di ko alam kung ano ung buong konteksto ng discussion nyo about this pero eto lang pov ko....


May mga words tayo na ginagamit na normal lang sten, ke mura mas un or not. Same yan sa ibang tao. Minsan mga salita na pareho pareho nating ginagamit pero magkakaiba tayo ng kahulugan for it ..

Now kung may nasabi tayo na sa atin eh wala lang pero mabigat para sa iba eh intindihin nyo ang isat isa.... Kung nakasakit ka or nangmamata ung pananalita mo eh di mag apologize... Di kabawasan sa pagkatao or pagkalalaki ang paghingi ng tawad kahit na sa tingin mo di ka naman mali... Yan eh kung mas may value sayo na magpatuloy ang discussion

Kaya ako kahit minsan halos mapapamura na ko sa pageexplain eh pinipigil ko kasi alam ko most theist eh mejo off sa mga mura.

Iwasan nyo din kasi ad hominem at stick lang sa usapan or topic... Ung argument ang atakahin..wag ung tao...
 

Similar threads

Back
Top