What's new

Talaga bang galing sa diyos ang mga pagdurusa?

When you say "both sides can both appeal to the bible", ang tinutukoy mo ba ay tipong pwede rin sabihin ng mga nasa authority (government) na tipong "eh diba nasa bible naman na dapat magpasakop sa nakatataas na awtoridad yung mga tao dahil ni-allow ito ng Diyos?". Ganyan ba?

Anyway, ang pagpapasakop po na sinasabi ng bible sa gobyerno ng tao ay hindi absolute dahil para sa DIyos lang iyon kumakapit. Don't get me wrong sa sinabi ko na yan. Ganito yan...

Maingat na sinusunod ng mga tunay na Kristiyano ang mga simulaing binabanggit sa Roma 13:1-7. Kapag binasa mo ang tekstong iyan, mapapansin mo na ang “nakatataas na mga awtoridad” na tinutukoy jan ay ang sekular na mga pamahalaan (government). Habang pinahihintulutan ni Jehova na manatili ang mga pamahalaan ng tao, nagagampanan nito ang mahahalagang papel. Nailalaan nito ang kinakailangang mga serbisyo at sa paanuman ay napananatili ang kapayapaan.

Ngayon, paano namin pinapakita na nagpapasakop kami sa gobyerno at ginagalang ang authority nito?

  • Pagsunod namin sa batas (example: traffic, tax, properties, etc).
  • Binabayaran namin ang anumang buwis na kailangan naming bayaran.
  • Wasto naming pinupunan ang anumang form o papeles na hinihiling sa amin ng gobyerno
  • Sinusunod namin ang anumang batas na kapit sa aming pamilya, negosyo, mga pag-aari, o bilang indibiduwal.
  • Hindi kami lumalaban sa gobyerno sa pamamagitan ng mga RALLY o WELGA na kitang kita mo naman siguro ginagawa yan ng mga taong opposed sa government, hindi lang dito sa pilipinas. Walang Saksi ni Jehova na sumasali sa mga RALLY o WELGA. Kamusta yung ibang religion na alam mo?
  • Pagpapakita ng paggalang sa mga opisyales ng gobyerno, o pulis, at iba pang nasa authority.
  • At iba pa.

Gayunman, HINDI kami nagpapasakop sa sekular na mga awtoridad KUNG inuutusan kami nitong sumuway sa Diyos. Halimbawa:

  • Pag salita sa militar (mandatory service)
  • Pagbabawal sa amin na mangaral o pagiging miyembro ng Saksi ni Jehova (gaya sa Russia)

Sa halip, naninindigan kami gaya ng sinabi ng mga apostol: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.”—Gawa 5:28, 29. Ganyan din yung sinabi ni Jesus na "Ibigay kay Cecar ang kay Cecar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos".


Yan ang dahilan kung bakit HANDA KAMI na makulong (o ibigay ang aming buhay kung kinakailangan) kung ang isang gobyerno ay hahatulan kami dahil lamang sa pagsunod namin sa bibliya. Kahit pa nakakaranas ang mga kapatid namin ng pang-gigipit, pang-aalipusta, diskriminasiyon, pamimintang na extremist daw kami, at kinukulong o pinapatay pa nga, gaya sa Russia o iba pang bansa na ipinagbabawal ang aming gawain, ni minsan hindi nag RALLY ang mga Saksi.

PERO hindi ibig sabihin nito na hindi na namin ipaglalaban ang mga karapatan namin. Kaya may mga pagkakataon na kung ang gobyerno ng Russia ay maglabas ng mga hatol na hindi makatarungan, ginagawa ng aming Organisasyon na iakyat ang kaso sa mas mataas na hukuman para muling asikasuhin ang kaso.

Maraming JWs ang nakukulong o ginagawan ng hindi patas na pagdinig sa kaso DAHIL LAMANG SA PAGIGING ISANG SAKSI NI JEHOVA gaya sa Russia at iba pang bansa. Hindi yan dinaranas ng ibang religion sa ngayon. ;)

Mahirap mong maintindihan kung bakit ganon namin gusto sundin ang aming Diyos kahit pa makulong kami o pahirapan hehe
 
Hahaha.. magulo nga...si Ace106 kasi eh...hahahaha... Basta un...

I think about sa topic na hiram kay god n buhay sinasabi ko na galing kay god ang buhay...pero ang pagdurusa whether dahil sa choice or natural disasters or sakit eh dahil sa original sin at pamumuno ni satanas...hahaha

Un sinasabi ko na credit kay god ang buhay.... And di ko magets eh pano may kinalaman ang kalayaan sa pagdudusa na natural disasters at sakit.... Wala kang choice sa matter na un...walang bearing ang kalayaan..unless ibabalik mo sa kalayaan sa original sin scenario...
 
When you say "both sides can both appeal to the bible", ang tinutukoy mo ba ay tipong pwede rin sabihin ng mga nasa authority (government) na tipong "eh diba nasa bible naman na dapat magpasakop sa nakatataas na awtoridad yung mga tao dahil ni-allow ito ng Diyos?". Ganyan ba?

Anyway, ang pagpapasakop po na sinasabi ng bible sa gobyerno ng tao ay hindi absolute dahil para sa DIyos lang iyon kumakapit. Don't get me wrong sa sinabi ko na yan. Ganito yan...

Maingat na sinusunod ng mga tunay na Kristiyano ang mga simulaing binabanggit sa Roma 13:1-7. Kapag binasa mo ang tekstong iyan, mapapansin mo na ang “nakatataas na mga awtoridad” na tinutukoy jan ay ang sekular na mga pamahalaan (government). Habang pinahihintulutan ni Jehova na manatili ang mga pamahalaan ng tao, nagagampanan nito ang mahahalagang papel. Nailalaan nito ang kinakailangang mga serbisyo at sa paanuman ay napananatili ang kapayapaan.

Ngayon, paano namin pinapakita na nagpapasakop kami sa gobyerno at ginagalang ang authority nito?

  • Pagsunod namin sa batas (example: traffic, tax, properties, etc).
  • Binabayaran namin ang anumang buwis na kailangan naming bayaran.
  • Wasto naming pinupunan ang anumang form o papeles na hinihiling sa amin ng gobyerno
  • Sinusunod namin ang anumang batas na kapit sa aming pamilya, negosyo, mga pag-aari, o bilang indibiduwal.
  • Hindi kami lumalaban sa gobyerno sa pamamagitan ng mga RALLY o WELGA na kitang kita mo naman siguro ginagawa yan ng mga taong opposed sa government, hindi lang dito sa pilipinas. Walang Saksi ni Jehova na sumasali sa mga RALLY o WELGA. Kamusta yung ibang religion na alam mo?
  • Pagpapakita ng paggalang sa mga opisyales ng gobyerno, o pulis, at iba pang nasa authority.
  • At iba pa.

Gayunman, HINDI kami nagpapasakop sa sekular na mga awtoridad KUNG inuutusan kami nitong sumuway sa Diyos. Halimbawa:

  • Pag salita sa militar (mandatory service)
  • Pagbabawal sa amin na mangaral o pagiging miyembro ng Saksi ni Jehova (gaya sa Russia)

Sa halip, naninindigan kami gaya ng sinabi ng mga apostol: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.”—Gawa 5:28, 29. Ganyan din yung sinabi ni Jesus na "Ibigay kay Cecar ang kay Cecar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos".


Yan ang dahilan kung bakit HANDA KAMI na makulong (o ibigay ang aming buhay kung kinakailangan) kung ang isang gobyerno ay hahatulan kami dahil lamang sa pagsunod namin sa bibliya. Kahit pa nakakaranas ang mga kapatid namin ng pang-gigipit, pang-aalipusta, diskriminasiyon, pamimintang na extremist daw kami, at kinukulong o pinapatay pa nga, gaya sa Russia o iba pang bansa na ipinagbabawal ang aming gawain, ni minsan hindi nag RALLY ang mga Saksi.

PERO hindi ibig sabihin nito na hindi na namin ipaglalaban ang mga karapatan namin. Kaya may mga pagkakataon na kung ang gobyerno ng Russia ay maglabas ng mga hatol na hindi makatarungan, ginagawa ng aming Organisasyon na iakyat ang kaso sa mas mataas na hukuman para muling asikasuhin ang kaso.

Maraming JWs ang nakukulong o ginagawan ng hindi patas na pagdinig sa kaso DAHIL LAMANG SA PAGIGING ISANG SAKSI NI JEHOVA gaya sa Russia at iba pang bansa. Hindi yan dinaranas ng ibang religion sa ngayon. ;)

Mahirap mong maintindihan kung bakit ganon namin gusto sundin ang aming Diyos kahit pa makulong kami o pahirapan hehe
Yah..gets ko yan...ang yan nga ang point ko.... U will only choose to follow the authorities as long as its aligned sa teaching ng bible.

May build up kasi na dapat pasakop at matakot sa authority stating ung mga dapat gawin sa pagsunod kasi:

"dahil walang awtoridad na hindi nagmula sa Diyos; ang Diyos ang naglagay sa mga ito sa kani-kanilang* posisyon."

"Kaya ang sinumang kumakalaban sa awtoridad ay kumakalaban sa kaayusan ng Diyos; ang mga kumakalaban dito ay magdadala ng hatol sa sarili nila."

"...dahil lingkod ito ng Diyos para sa kapakanan mo."

Tapos biglang....NOPE...dapat na pala kalabanin ang authority kasi may ibang iniimpose"...

Its like one of those... ETO DAPAT NYO GAWIN....except blah blah....






PS: di kayo nagrarally?? Whaaaat??!!


Char...hahahahahaha
 
Napakagandang tanong.. at másáráp ding magtanong at magbigay ng isang halimbawa..

Bakit tuwing dumarating ang suliranin sa tao ay sinasabi ng karamihan ay bigay ng Diyos bilang isang pagsubok..?

Hal: 50/50 na ang buhay ng tao masasabi pa rin ba nating pagsubok iyon na galing sa Diyos..? Hindi kaya isa yan sa ating mga pagkakasala na maling paniniwala..?

O'God.. O baka naman meron tayong pagkakalinlang o nalinlang tayo ng mga sinaunang Tao sa mundo.. wahahaha...
 
Sa tingin mo bakit mas maraming time na ibinibigay ang isang ina o magulang sakanyang maliit na sanggol kumpara sakanyang malalaki ng mga anak? Pwede mo mapag isipan yan lalo na kung magulang kana 😁
 
Last edited by a moderator:
“Is God willing to prevent evil, but not able? Then he is not omnipotent. Is he able, but not willing? Then he is malevolent. Is he both able and willing? Then whence cometh evil? Is he neither able nor willing? Then why call him God?”
 
Hahaha natawa ko sa "char". Kala ko sasabihin mo "chos" lol. 😅

Yep, di po sumasali sa rally o welga yung mga JWs.


Tapos biglang....NOPE...dapat na pala kalabanin ang authority kasi may ibang iniimpose"...

Its like one of those... ETO DAPAT NYO GAWIN....except blah blah....

Hindi naman "lumalaban" o hindi naman "kinakalaban" ng mga JWs ang government ha? Pag sinabi kasing "lumalaban o kinakalaban", either sumasali na sa mga rally o welga kapag ginipit kami or hindi kami agree, o kaya naman nag rebelde na at humawak ng sandata para kalabanin yung government gaya ng mga pogi, o kaya naman nag o oppose talaga kapag hindi kami agree. Pero hindi naman namin ginagawa yung ganyan, kaya pano sasabihing lumalaban o kinakalaban namin ang government? :)

"Pagsunod" kasi ang pinag-uusapan. Malinaw naman yan sa sinabi ni Jesus sa Mateo 22:21 na "Ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos".

Wala namang conflict dun sa Rome na verse sa totoo lang. Malinaw naman kasi yung "stand" ng bible sa bagay na yan at yung mga halimbawang ipinakita ng mga lingkod ng Diyos noon pa.

Sa tingin ko malinaw naman yung paliwanag ko/namin sa bagay na yan. Di naman kailangang maging komplikado :)
 
Last edited by a moderator:
Hahaha natawa ko sa "char". Kala ko sasabihin mo "chos" lol. 😅

Yep, di po sumasali sa rally o welga yung mga JWs.




Hindi naman "lumalaban" o hindi naman "kinakalaban" ng mga JWs ang government ha? Pag sinabi kasing "lumalaban o kinakalaban", either sumasali na sa mga rally o welga kapag ginipit kami or hindi kami agree, o kaya naman nag rebelde na at humawak ng sandata para kalabanin yung government gaya ng mga pogi, o kaya naman nag o oppose talaga kapag hindi kami agree. Pero hindi naman namin ginagawa yung ganyan, kaya pano sasabihing lumalaban o kinakalaban namin ang government? :)

"Pagsunod" kasi ang pinag-uusapan. Malinaw naman yan sa sinabi ni Jesus sa Mateo 22:21 na "Ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos".

Wala namang conflict dun sa Rome na verse sa totoo lang. Malinaw naman kasi yung "stand" ng bible sa bagay na yan at yung mga halimbawang ipinakita ng mga lingkod ng Diyos noon pa.

Sa tingin ko malinaw naman yung paliwanag ko/namin sa bagay na yan. Di naman kailangang maging komplikado :)
I didnt mean na kalabanin as rally or taking up arms against the government... What i meant is ipaglalaban nyo ung karapatan nyo about military service against the state kagaya ng sinabi mo na inilalaban nyo sa supreme court... Either way eh its opposing the state and its laws relating to that issue...

Gets mo nman sguro...

Do you still view such governments as something na inallow ni god when they impose rules that contradict the bible?? Or is it just another paghahari ni satanas effect??
 
Sa tingin mo bakit mas maraming time na ibinibigay ang isang ina o magulang sakanyang maliit na sanggol kumpara sakanyang malalaki ng mga anak? Pwede mo mapag isipan yan lalo na kung magulang kana 😁
So are u saying na tayo ang "sanggol" sa ganyang scenario?? So sino ung matatandang anak???

🤔
 
Paki-explain ng mas malinaw
I tot i made it clear..pero sge...

God says follow your leaders kasi inallow ko yan.. u shud fear them, they will take care of you... Ryt?

Then ung apostle also said we will not follow the authorities and only follow god's government (dahil nagoppose ang authorities sa pagkakapatay kay jesus, or kung ano mang against)

Sa first part u can say na papasakop kayo sa authorities pero the moment na u deemed it as violating gods laws eh di na kayo papasakop.

Parang void na ung stipulations ni god about authorities pag may rules na ung authrities na di tugma sa bible...

Kaya mapapatanong if thru god naallow ang mga authorities as it is written sa bible then technically god allowed ung leadership na opposed sa kanyang laws.
 
then technically god allowed ung leadership na opposed sa kanyang laws.

So, ano pong pinupunto ninyo dito kuya? 🙂 Na ang Diyos ay nagpapahintulot ng mga pamamahala na laban din naman sa kaniyang mga batas? Na sinasalungat po ng Diyos ang sarili niyang mga batas, na para bang ang Diyos mismo, kumakalaban sa sarili niyang batas?
 
Haaaay... :)

Gets ko yung point mo. At sa nakikita ko...

Ang gusto mo kasi mangyari sa part na to ay... "dapat sundin ng lahat ng tao ang government sa LAHAT ng ipapatupad nitong batas tutal Diyos mismo ang nagsabi na dapat sumunod o magpasakop sa authority e".

Diba ganyan? At kapag may hindi ka naiintindihan at nakita mong may "part" na hindi namin sinusunod yung "government" sa particular na batas nito ay sasabihin mo naman na "oh akala ko ba INUTOS NG DIYOS na SUNDIN yung authority? Bakit hindi niyo sinusunod?"

Sa tingin ko NAPAKALINAW naman ng explanation ko sa topic na "Pagsunod at pagpapasakop sa government" na nakalagay sa bible. Anyway, explain ko nalang uli.


I didnt mean na kalabanin as rally or taking up arms against the government... What i meant is ipaglalaban nyo ung karapatan nyo about military service against the state kagaya ng sinabi mo na inilalaban nyo sa supreme court... Either way eh its opposing the state and its laws relating to that issue...

Ayan po. "Karapatan". Bawat individual naman kahit dito sa pinas ay maaaring ipaglaban ang "karapatan" base sa EXISTING laws na meron sa isang partikular na bansa.

Ang pag apila (appeal) namin sa mas mataas na hukuman ay pag gamit lamang ng aming "karapatan" na kahit sinong tao pwede gawin. Masasabi bang "paglaban" ito sa gobyerno? Hinde. Isa pa, bakit kaya maraming kaso narin ang naipanalo ng iba naming kapatid na JW sa European Court of Human Rights (ECHR) o mismong sa "Grand Chamber" of ECHR? Hindi naman mga JWs yung members non siyempre. Mga matataas na judges yun galing sa ibat ibang bansa, pero nakikita parin nila yung katwiran kung bakit hindi sumali sa militar yung isang kapatid namin na JW?

Ang hindi namin pakikibahagi sa digmaan o militar ay dahil sa...
  • Pagsunod sa Diyos
  • Pagsunod kay Jesus
  • Pagsunod sa mga halimbawa ng unang mga Kristiyano
  • at Pagpapakita ng pag-ibig sa aming kapatid at sa iba.
Imagine, muslim VS muslim, catholic VS catholic, other christians religion VS other christians religion, etc, from DIFFERENT countries or parties pero iisa sila ng religion, pero magpapatayan sila dahil sa magkalaban ang bansa nila o partido?

Ang Roma 13 ay nagpapakita ng mga NAGAGAWA ng gobyerno kaya tinagubilinan ang mga kristiyano na magpasakop sa nakatataas na authority, dahil gobyerno ang naglalaan ng mga daan, naglalaan ng proteksiyon, pangkalusugan, etc. Sinisikap ng bawat isa sa amin na magpasakop sa LAHAT ng pinapatupad ng gobyerno EXCEPT sa pagsali namin sa politika at digmaan dahil NEUTRAL kami jan.

Magkaibang LEVEL ng "pagsunod" ang pinapakita ng bible sa pagsunod sa government at sa Diyos, at hindi naman "HARMFUL" ang pagsunod sa Diyos sa bagay na yan na hindi namin pagsali sa militar. Masamang tao na ba kami dahil lang hindi kami humahawak ng baril o armas para hindi saktan ang kapwa namin at hindi sumasali sa digmaan sa kabila ng pagsunod namin sa LAHAT ng batas ng gobyerno EXCEPT jan? Ganon ba yon?

Malinaw ang sinabi ni Jesus sa Mateo 22:21 na "Ibayad ninyo kay Cesar ang kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos". Pag hinihingi ni Caesar ang mga bagay na sa Diyos, kailangang kilalanin namin na ang pagsunod sa Diyos ang dapat unahin. Anuman ang resulta sa kabila nito ay tatanggapin namin. PERO kung pwede naming gamitin ang karapatan namin, gagamitin namin ito. Simple as that. ;)


Do you still view such governments as something na inallow ni god when they impose rules that contradict the bible?? Or is it just another paghahari ni satanas effect??

Sa simpleng paliwanag, OO. Lahat ng gobyerno ng tao ay ni-allow ng Diyos. Magkaiba kasi yung "pinahintulutan" at yung "siya mismo ang kumokontrol o sanhi".

Ikaw ba nage-gets mo yung POINT ko dito? Nage-gets mo ba yung paliwanag? Mahirap kasi maunwaan LAHAT ng iyan kung hindi mo rin naiintindihan yung ibang part ng bible. Pinapaliwanag ko lang ito sayo ng ganyan dahil MADAMI pang related na topic dito kung talagang aaralin mo para lang maunawaan mo kami.
 
Last edited by a moderator:
Different level nga kasi ng "pagpapasakop" yung tinutukoy na pagsunod sa government at sa Diyos na naka-record sa bible. Haaaaay :)🤦‍♂️
 
Yung mga naglalakihang bagay sa kalangitan.. ilustrasyon lang yan na nagpapakita kung gaano ka interesado sa atin ang Maylalang kahit na parang alikabok lang tayo kung tutuusin sa paningin nya..
 

Similar threads

Back
Top