What's new

Poems Takipsilim

psychocain

Addict
Joined
Sep 1, 2017
Posts
32
Reaction
13
Points
74
Tulad ng langit na unti unting kumukulimlim,
Ang hikahos na kulay sa pagsapit ng takipsilim.
Katinuan sa dilim ay unti unting nawawala.
Iniisip ang sumpa,
Pusong nagluluksa,
Sikolohiyang namimilosopiya.
Inaalala mga kaibigan
Lumuluhod sa may kapangyarihan,
Iindayog ba sa galaw ng mga nota?
Magpupumilit bang abutin ningning ng mga tala?

Pakikiusapan ba ang malupit na tadhana?
Ano nanaman kaya ang ikot ng karma?
Mukhang kailangan ng iwasan ang aming daan
Aysus! subalit bakit kelangan,
Muli kitang masilayan?
Ako’y di makagalaw,
Ako’y di makasayaw,
Lumalalang sakit na sinapit
Ang pait, nagbabalik,
Mukhang nakatatak sa isip.

Pero bakit
Ako’y walang maramdamang galit?
Ngiti at tuwa
Ganun pa din ang nadarama,
Aking pagnanais pahirin mga namumuong luha,
Kamay nais kong hawakan, pero ito’y di tama.
Oh kay sakit na parusa…
Nakatayo sa ilalim ng puno
Gumawa ng limang taong pangako,

Ginagabay ng kalahating buwan,
Iisa ang pag-asang tangan.
Nasirang katotohanan,
Asan na mga kaibigan?
Wala ng dignidad,
Ang mga ilusyong huwad.

Sinabi ang lahat lahat, sa tatlong buwang paglalahad,
Aking inialay sinserong puso, katotohanan nasa mga palad,

Kulang ang tatlong linggong wala sa sarili,
Aking buhay ay wala ng silbi.
Di man sinabi
Inililihim natin ang hapdi,
Lirikong awitin sa labi’y di na mamumutawi,
Isipan at kaluluwa’y bali.
Muling kumakapit sa pangako
Ang pagkatao’y lunod na sa pagkabigo
Namumuong dilim
………pamamaalam sa takip silim.
 
Back
Top