What's new

Trivia SUSI SA MALIGAYANG PAG-AASAWA

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
1 Corinto 13:7
Ang pag-ibig ay:
"Pinagpapasensiyahan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, at tinitiis ang lahat ng bagay."

💖Kung ang pag-uusap ang pinakadugo ng pag-aasawa, ang pag-ibig at paggalang naman ang pinakapuso at pinakabagà ng pagsasama ng mag-asawa. (Efeso 5:33) Pagdating sa paglutas ng mga problema, pag-ibig ang mag-uudyok sa mag-asawa
na kalimutan ang nakaraang mga pagku-
kulang—at ang sakit sa kaloobang idinulot nito—at pagtuunan ng pansin ang kasalu-
kuyang problema. (1 Corinto13:4, 5; 1 Ped
4:8) Ang mga mag-asawang may pagga-
lang sa isa’t isa ay malayang nakapagsa-
salita at nagsisikap na unawain ang sina-
sabi ng kanilang kabiyak sa halip na basta pakinggan lamang ito.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Santiago 3: 5, 6
5 "Ganoon din ang dila. Maliit na bahagi lang ito ng katawan, pero nakapagyaya-
bang ito nang labis. Maliit na apoy lang ang kailangan para pagliyabin ang isang napa-
kalaking kagubatan! 6 Ang dila ay apoy rin. Sa mga bahagi ng ating katawan, ang dila ang punô ng kasamaan, dahil pinaru-
rumi nito ang buong katawan at pinaglili-
yab ang buong landasin ng buhay, at sini-
silaban ito ng Gehenna."

💖Sa lahat ng bagay ay may takdang panahon, . . . panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita.” (Eclesiastes 3:1, 7) Gaya ng ipinakikita sa sagutan ng mag-asawa, may mga problema na maaa-
ring makapagpainit ng ulo. Kapag nagka-
ganito, kontrolin mo ang iyong sarili at tumigil muna. Tumahimik...bago sumiklab ang galit. Hindi lulubha ang problema
kung susundin mo ang payo ng Bibliya: “Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig; kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na.”—Kawikaan 17:14.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

1 Pedro 3:8
"Isa pa, lahat kayo ay magkaisa sa pag-
iisip, magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid, maging mahabagin at magiliw, at maging mapagpakumbaba."

💖Ang isang magandang relasyon sa pagitan ng asawang lalaki at asawang babae ang siyang saligan para sa isang maligayang pamilya. Ano ang kailangan para sa gayong relasyon? “Ibigin din ng bawat isa sa inyo ang kani-kaniyang asawang babae gaya ng ginagawa niya sa kaniyang sarili; sa kabilang dako naman,
ang asawang babae ay dapat na magkaro-
on ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki.” Ang pag-ibig at pagga-
lang ay nagsisilbing pampadulas sa meka-
nismo ng pamilya. Upang magkabisa ang
payong ito, mahalaga ang komunikasyon sapagkat “nabibigo ang mga plano kung saan walang matalik na usapan.” Upang magkaroon ng puso-sa-pusong komuni-
kasyon, dapat nating sikaping unawain ang damdamin ng ating asawa, na inaalam kung ano talaga ang nadarama niya. Katalinu-
hang tandaan na “ang isip ay maaaring maging malalim gaya ng tubig sa isang ba-
lon, ngunit ang lalaki [o, babae] na mata-
lino ang siyang sasalok nito mula sa kaniya.”
FB_IMG_1632868754676.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top