Hello po 16yo po ako tanong lang po if pwede parin ba akong maging successful kahit na mahina ako academically. Di naman po ako **** sadyang mahiyain lang ako at takot humarap sa maraming tao dahilan rin yon kaya marami akong absences. Pumapasa naman ako madalas line of 8 paren pero pakiramdam ko eh kahit na makapagtapos ako eh wala parin akong mararating sa buhay dahil wala akong masyadong achievements ata hindi ako magaling humarap sa mga tao. Tinitignan po ba ang academic achievements sa pag ha hire sa trabaho o based on skill po. Programing po kase ngayon ang track ko gusto kong maging successful at a young age pero di ko alam kung san ako mag sisimula.