What's new

Spider-Man: No Way Home, apektado ng pagtaas muli ng COVID cases sa Pilipinas

1641349834822.png


JERRY OLEA

Spider-Man: No Way Home ang pelikulang pinakamalaki ang worldwide gross noong 2021.

As we write this, umabot na sa $1.37B ang worldwide gross ng pelikulang tinatampukan nina Tom Holland, Zendaya, Benedict Cumberbatch, Jacob Batalon, Andrew Garfield, at Tobey Maguire.

Nasa cast din nito sina Jamie Foxx bilang Electro, Willem Dafoe bilang Green Goblin, at Alfred Molina bilang Doctor Octopus.

Ika-12 na ito sa talaan ng worldwide lifetime gross. Malaki ang chance na pumasok ito sa Top 10.

So far, ang Top 11 sa listahan ng worldwide lifetime gross ay Avatar ($2.85B), Avengers: Endgame ($2.78B), Titanic ($2.20B), Star Wars: Episode VII The Force Awakens ($2.07B), Avengers: Infinity War ($2.05B), Jurassic World ($1.67B), The Lion King ($1.66B), The Avengers ($1.519B), Furious 7 ($1.515B), Frozen II ($1.45B), at Avengers: Age of Ultron ($1.40B).

Noong Disyembre 17 nag-open sa North America ang Spider-Man: No Way Home.

Dahil meron tayong two-week Metro Manila Film Festival (Disyembre 25-Enero 7), mag-o-open ito sa Pilipinas sa Enero 8, Sabado.

Nag-advance ticket selling ang Spider-Man: No Way Home kaya maaaring magkaproblema sa papapasuking manonood. Nang magbenta kasi ng tiket in advance ay nasa Alert Level 2 ang bansa.

Bunsod ng pagliliwaliw ni You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at iba pang kadahilanan ay unti-unti na namang dumami ang COVID-19 cases sa bansa.

Sa Alert Level 2 ay 50% ang allowed capacity sa indoor cinemas, samantalang sa Alert Level 3 ay 30% lamang ang allowed.

Inilagay sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) mula Enero 3, Lunes, hanggang Enero 15, Sabado.

Ang mga karatig-lalawigang Bulacan, Cavite, at Rizal ay isasailalim din sa Alert Level 3 mula Enero 5, Miyerkules, hanggang Enero 15.

Walang local movie na nangahas makipagsalpukan sa Spider-Man: No Way Home.

Ngayong Enero 4, Martes, ay nakapagtala ang DOH ng 5,434 karagdagang bagong kaso ng COVID-19.

Umabot na sa 2,861,119 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus sa bansa.

NOEL FERRER

Iniisip ko lang na imbes na nagngangangakngak ang ilang fans ng Spider-Man against the MMFF ay inudyukan na lang nila ang producers nitong tanggapin ang hamon ng cinema owners na ipalabas ito ng December 18.

Nakatulong pa sana ito sa pagpo-promote ng MMFF (with the trailers being played in the cinemas profusely) at maaga pang na-build ang confidence ng mga Filipinos na safe bumalik ng sinehan.

As it is, karamihan ng transmission ngayon ng COVID ay nasa family gatherings at parties, at wala sa sinehan kung saan strictly monitored at observed ang mga protocols.

Ngayon, with the Alert Level 3 up over Metro Manila, let us see kung magmala-Spider-Man ang mga loyalist sa character na ito sa mga sinehan — despite the fast growing numbers ng COVID cases.

Aabangan natin ito!!!

GORGY RULA

Malalaman natin sa weekend kung mahahatak ng Spider-Man ang mga taong lumabas para manood.

Hindi gaanong matao ngayon sa ilang malls na napuntahan ko. Takot na rin siguro sila sa pagkalat ng Omicron virus.

Makikita natin ngayon kung mapupuno ang 30% capacity sa mga sinehan.

Ang ganitong klase ng pelikula pa rin talaga ang nagpapalakas sa mga sinehan — kahit nagkalat na sa Internet ang pirated version nito. Kaya ewan ko kung matutuloy pa rin ang showing ng Yorme: The Isko Domagoso Story sa Enero 26.

Pero nakakabahala na ang pagtaas ng COVID cases. Ang dami nang apektado.

Naaantala ang pagbabalik-taping ng ilang TV shows dahil sa dami ng mga nagpa-positive na staff.

May isang daily show na 15 staff na agad ang nag-positive. Kaya namu-move ang schedule ng taping.

Inaasahang lolobo pa ito, kaya mas mabuting nasa bahay na lang muna tayo.
 

Attachments

Back
Top