What's new

Closed SONA 2020: Telecommunication Company

Status
Not open for further replies.
Pwede naman pala brasuhin ang mga telco with the help of Congress, bakit hindi ginawa noon pa? Sana naman noon pa tinapos ang Duopoly na meron sa Pilipinas. Sana naman yung warning ng government ay mag take effect at maalarma sana ang mga dupang na telcos na meron tayo
 
sana nga maayos na tong mga telco.. nag live stream ako sa SONA, kasi wala kaming tv.. kaso ang hina ni globe sa oras na to.. kahit 144P na sa quality paputol putol pa rin.. speed test. 200-300kbps lang.. langya talaga.
 
Sana nga mag bago na yung mga ISP natin, kahit pa bumayad ng monthly kung ok ang serbisyo. Yung tipong Unli na kahit hindi sobrang bilis.
 
Hoping na sa pagpuna ni Presidente Duterte sa mga telcos, umayos na sila dahil kung hindi, matulad sila sa ABS. Kay bagal-bagal ng net, dapat lang aksyunan.
 
makaka limutin talaga mga pinoy, nauna pa binanatan yung mga telco kaya nga meron paparating na Dito/Misatel/Chinamobile dahil request nyu yan noon pa.
Ang hirap naman sigurong bigyan ng kritisismo ang isang isp na hindi pa naman nasusubukan, natural kalampagin yung mga MATATAGAL na nandyan na mga telcos na matagal ng nagpakasasa sa Duopoly at siguro naman ay isa ka sa mga subscribers na hindi nasusulit ang ibinabayad sa serbisyong nararapat! Gusto nyo laging violent reaction at pag aaklas sa China ayaw nyo naman maging reservist. Hindi kaduwagan ang hindi pag sang ayon sa pakikidigma sa kanila, iniiwas lang yung buhay ng mga katulad mo. Alam naman ng lahat na sa lahat ng aspeto ay dehado tayo! Mas nakakabuti pa din na piliin ang buhay ng mga katulad mo
 
A little bit of info lang. Main reason kung bakit mabagal ang internet sa pinas ay dahil sa kulang ang tower na naitayo. Bakit kulang ang tower? Red tape. 8 to 12 months ang binibilang bago maitayo ang isang tower. Dahil sa mga permit, paghihingi ng lagay para maaprub, etc. So kung may dapat na ayusin, ayusin dapat ng gobyerno na mapabilis ang proseso para maitayo ang mga tower. Hindi ito isang simpleng Globe= bad , Smart = bad.
 
Pwede naman nilang i-complain yun dati pa! Bakit hindi nila ginawa? Bakit nagkukumahug sila ngayon na i-improve service nila?
 
Matagal ng kalakaran yan. Nangunguna tayo dati sa internet service ng umpisa( mga 90s). Pero syempre dahil sa kurakot, need ng palagay, kamangmangan na nakakabaog daw mga cellsites, etc eh di umuusad
 
Kalimitan nanghihingi ng iphone bago i approve na pwede mapatayuan ng tower. Per tao ah. So dapat meron si kapitan, mayor , home owner president etc. Need kasi nng pirma nila for approval.
 
[XX='yasumiwatahashi, c: 127720, m: 467404'][/XX] Ang dami nilang panahon, till now ganyan pa din gagamitin nilang excuse? And 1994 nagkarun ng unang internet sa pinas, wala pa yang Globe, PHNet pa lang noon
 
Yun na nga, matagal ng rampant yan to the point na nagiging norm. Approval based kasi yan ng local government kaya uso lagay lagay. Matagal ng nagcocomplain, marami ng letter ang nahatid ng telco sa ntc and other dept ng gov pero kadalasan di binibigyang pansin kasi nakikinabang rin sila.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top