What's new

[Solved]if someone asked for forgiveness regardless of what it do "forgive it"

Status
Not open for further replies.

stredaleve

Honorary Poster
Joined
Sep 3, 2020
Posts
385
Reaction
66
Points
130
kapag hindi mo pinatawad ang kapwa mo paano ka patatawarin ng Diyos kapag humingi ka ng kapatawaran

ang pagpapatawad ay siya ring pag kalimot sa nagawang kasalanan ng taong ito ibig sabihin kakalimutan mo na ginawa niya at hindi na aalalahanin pa at hahayaan mo siyang gawin ulit sayo yung ginawa niyang kasalanan sayo

ito ang mahirap gawin sinampal kana sa kaliwang pisngi ihaharap mo pa yung kanang pisngi

paano kung on purpose na nag tetake advantage sayo yung tao nag dala pa ng scammer para i scam ka at na scam na nga kami thrice patatawarin mo parin ba itong tao na ito at hahayaan siyang patuloy i scam? para sa salita ng Diyos mahirap talaga ang hirap na katayuan na ito uploader74 Ace106 Frustrated Burger MissGelyyyy kingrobert Noileksirt093

kasi sinabi mo nga napatawad mo na siya pero sa puso mo hindi pa talaga dahil naalala mo pa ginawa niya at inalaala mo pa imbis na kalimutan pero ang Diyos kapag nagpatawad hindi na niya aalalahanin pa ang iyong nagawa
 
It's really hard to forgive bad people.
But utos ni Lord e. Then move forward.

Much better iwasan na lang yang mga ganyang NEGA na tao (specially those who mocks The God of the Bible)
kasi baka madamay ka pa sa negativity nyan.
 
It's really hard to forgive bad people.
But utos ni Lord e. Then move forward.

Much better iwasan na lang yang mga ganyang NEGA na tao (specially those who mocks The God of the Bible)
kasi baka madamay ka pa sa negativity nyan.
paano mo iiwasan kung lumalapit sayo uninvited last time na lumapit siya dahil merchant nga ako sabi niya gusto niya daw bilhin ito sabi ko magbayad siya dun sa tao na yun makalipas ilang minuto bumalik siya at isinakay na yung goods tsaka pa siya nag paalam hindi naman pala siya nag bayad pero ni welcome parin namin siya nung lumapit uli siya sa amin
 
Di na pababayadin sa utang na kinalimtan?
 
May narinig akong isang peacher (si John Piper) na nagsabi na hindi naman daw literal na kinalimutan yung kasalanan mo. Nang pinatawad tayo ng Diyos, hindi na tine-take against us yung mga nagawa at magagawa natin dahil pinagbayaran na ni Kristo sa krus 2000 years ago (Praise God for His grace) . Pero hindi dapat maging excuse yun para patuloy na gumawa ng kasalanan. Kaya naman, maging prayer nawa ng bawat Christians na i-grant tayo ng Diyos ng repentant heart sa araw-araw dahil bagama't we are justified because we believe in Jesus Christ's complete work, we can't help but sin talaga. repent everydayyyy

Kailangan kase maunawaan natin na talagang makasalanan ang tao (tayong lahat) kaya naman hindi maiiwasan na may gumawa sayo ng masama. Well, we can't forgive someone unless si Lord yung magwork sa puso mo to forgive him/her.
Ipag pray mo po kay Lord na tulungan ka po talaga magpatawad kase katulad nung parable ni Lord about the unforgiving servant, sino nga ba tayo, we are just recipients of God's grace and mercy, bakit di natin kaya? kase tao tayo kaya naman we should ask God to help us forgive and have a heart of compassion to people.

Hindi naman kailangan ng wala ng sakit kapag nagpatawad ka. Masakit maloko o magawan ng masama, but you need to trust the Lord. Ask the Lord. Yung healing naman ay process. Hindi dapat naka move on kana, tsaka mo siya patatawarin. mauuna muna yung forgiveness talaga, later na yung healing.

Tsaka kung ganon naman po pala na nanloloko, hindi dahil Christian kayo eh, hahayaan niyo na po yung mga ganong tao. Pwede niyo naman po i-confront sila but act with grace pa rin po(like masinsinang usapan tungkol don) Kayo po, depende po sa situation niyo talaga sir. Ask po kayo sa Holy Spirit ng guidance at ng patience.

God bless.
Soli Deo Gloria.
 
yup expect ko po na hindi sila magdadala ng sama ng loob pati na yung mga mcgi kasi christian tayo eh
 
Hahaha babaw naman ng pag iisip na yan alam mong sinasamantala kana ginagawa mo pa din, you can refuse sa taong mag dadala ng kasalanan sayo , confrontation is good for those who make bad things , ikaw yong masama kung tinotolerate mo yong gawaing massma
 
kaya nga po naka lagay [Christians] kasi ang makakausap lang ng matino ay yung christians makakarelate sila ikaw hindi
 
Ang Kristiyano gumagawang may katalinuhan , alam mo ng talamak na manggagawa ng kasamaan yong tao, bakit ka magpapa isa ulit sa kanya?
Sabi nga sa Bible

Mateo 10:16
Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.


Uu pinatawad mo na ang taong nagkasala sayo isa hanggang dalawang beses, pero ang pinapatawad ay yong karapatdapat patawarin yong mga kasalanang hindi paulit ulit at sinasadya, pero kapag talamak na yong tao na gumagawa at sumasadya talaga ng paggawa ng kasalanan sayo at sa iba, abay mag ingat kana sa taong yon, pakisamahan mo parin siya pero yong may pag-iingat
 
hahaha ambubu mo naman ,christian ako kahipokritohan yang ginagawa mo ,hahah nakakaawa ka naman pag pa tuloy mo lang yan
 
alam ng niloloko nagpapaloko anu un ,loko loko or timang lang ? hahahaa logic lang sapat na para masagot , tapos sasabihin christian only patawa , naman parang robot kaylangan iinput lahat para nakagalaw hahahahah
 
[XX='Chuckedoll, c: 347811, m: 1656607'][/XX] naliligaw lang siguro ng landas ang isa natin kasamahan sa pananampalataya paps kaya ganyan siya mag isip hehe
 
wala nag tetest ng fate yan di yan dapat sagutin, bali hinuhulog ka lang sa bitag , forgiving someone means ? tas postpost pa ng ilang beses na daw ,Donate mo nalang yun wag mong sabihin scam , hahaha
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top