What's new

Help Solar Power

Somnium

Honorary Poster
Joined
Jun 22, 2020
Posts
83
Solutions
1
Reaction
783
Points
176
Hello po mga master. May mga naka solar power system ba dito?

Itatanong ko lang sana kung kailangan ko ba i-calculate ang usage ng buong bahay para sa solar power system? Halimbawa, 2kwh ang consumption sa buong bahay, kailangan ba na 2kw din ang system? O pwede kahit 1kw lang?

Salamat sa mga sasagot. Baguhan lang kasi ako sa solar power. Balak ko na kasing mag invest sa solar power para makabawas ng bayarin kahit kaunti.
 
Join ka sa facebook group ng solar power philippines para may makaguide sayo time to time pag nagbuo ka na.
 
Kung maganda ang sikat ng araw da inyo recommended yan pero kung hindi naman di mo pwede asahan ang solar lang sa buong bahay ..kung pang ilaw,electricfan lang pwede pero kung buong bahay ay gagastos ka ng malaki diyan
 
Dapat mas mataas. Di naman advisable na lahat sa boung bahay mo ay solar. Malaking gastusin at matagal ang Return of Investment. Dapat mga basic lang ang solar mo like Tv, Ilaw, Isang Efan. Tapos ang Ref at Aircon sa kuryente yun.
 
tingnan nyo sir kung ilang kwh yung konsumo nyo sa isang buwan tapos divide mo sa kung ilang days billing cycle nyo para may rough estimate ka ng paplanuhin mo na setup...isipin mo kung offgrid ka ba o gridtied. sama mo na din yung budget mo para sa setup kasi di biro yan.
 
try mo yung tesda online program paps,meron sila courses dun about solar power technology, may topic on how to compute yung kelangan mong solar panel depende sa consumption demands o dami ng appliances na gusto mo suplayan ng solar power mo.
 
Tama, kailangan mong i-calculate ang usage ng buong bahay mo. Pag-aralan mo na rin ang maging gamit ng binablak mo Solar setup. Sabi mo nga, ibig mo lang din na makabawas ng kaunti sa iyong bayarin, pwede ka namang magsimula sa kaya ng budget mo habang kailangan mo rin naman itong pag-aaralan.
 
kung malaki ang budget mo,, pwede ka maglagay ng solar power system na kakayanin ang lahat ng kunsumo mo sa maghapon,,at gabi ay ilaw, electric fan, at tv na lang ang kumu kunsumo ng solar power system mo,, dahil sa battery. isipin mo rin kung off grid or on grid ang balak mo ilagay,,may system kasi na kapag brown out wala ka rin makukuha kuryente sa solar power system mo.
 
para hindi masyadong mahirap mag calculate paps tingnan mo yung bill mo sa meralco or pwede din na manual need mo lang tingnan mo yung mga power (watts) sa mga appliance mo ( hindi masyadong accurate ). and and idealy dapat meron dapat allowance ang solar panel controller hindi masyadong advisable na nasa edge ang power sa system mo.
 

Similar threads

Back
Top