What's new

Help Software Testing - Where to start?

1nn0c3ntv5

Honorary Poster
Joined
Feb 10, 2020
Posts
143
Reaction
215
Points
133
Age
25
Magtatanong lang ako kung ano ang mga pwede kong aralin at saan ako magsisimula kung gusto ko maging tester.

Nung tinuro samin ang courses na Software Quality at ang Software Testing wala ako buong semester dahil kinoach ako ng mga professor ko buong term para sa isang programming competition kalaban ang ibang universities kaya exempted ako sa 2 na courses na yan at nakakuha ng 1.0 kahit hindi man lang naka attend sa klase ni isang beses.

Ano ba ang mga topics na pwede kong simulan? At tsaka ano ang mga testing skills na ginagawa ng mga professional testers sa trabaho at ano ang mga karaniwan na mga apps na ginagamit nila patungkol sa testing ng mga web applications at mga desktop applications.

May background ako sa .net development development, exception - error handling kaso wala talaga akong alam patungkol sa testing dahil hindi ko siya napasukan. Tingin ko magiging magandang skillset to pagkagraduate ko at pag maga-apply ng trabaho.
 
Hello!

i'm a Software Tester and Automation Tester. and i have an exp of 2yrs dito sa field na to.

I guess if u want to start sa testing side, make sure to read and absorb yung mga different kinds of Testing. But kadalasang ginagamit namin or nagamit ko is:
1. Unit Testing - Testing ng basic functionality
2. Integration Testing - Testing ng 2 modules if nagiinteract ba sila (ex. login page and dashboard page testing)
3. Sanity Testing - Testing ng simple functionality if may dineploy yung dev na fix, dito vineverify if may na apektuhan sa app.
4. Regression Test - Full Testing or partial testing ng app if merong na apektuhan due to changes (like several delployments and improvements ng code)
5. UAT (User Acceptance Testing) - dito na tinetest ng client yung app, depende sa requirements nila :)

But like i said, take your time to read yung mga gantong resources kasi marami pa kong hindi nabanggit about testing na kadalasan ginagamit, it will help u more about sa testing. But as i stated sa taas, yan yung kadalasan naming ginagamit. (Right now nag iintegration testing ako xD)

About application na ginagamit, I think that depends on your field, Like for example, if Manual Tester ka, you need to do manual testing. So mano mano mo i-tetest yung app and u need to follow a Test Script (where ung step by step instruction kung pano itest yung app, and tester din ang gumagawa ng Test Script)

Or if Automation Tester ka naman. U can use ur coding skills :). U can use Selenium WebDriver for Automation Testing with Java or C# Coding (I think u can use python also in this framework). Same lang din ng concept sa manual but yung code mo yung mag eexecute ng Testing :)


Hope this helps :)

U can PM me for more info about testing.
 
hello po required po ba na maalam ka sa programming language? or any motivational po kung pano po kayo napunta sa ganitong path. Thank you po
 
[XX='hopieliza, c: 1219876, m: 843513'][/XX] hello! u can pm me na lang dito, and i'll reply to you na lang hehe. thanks
 
hello po required po ba na maalam ka sa programming language? or any motivational po kung pano po kayo napunta sa ganitong path. Thank you po
 
Back
Top