What's new

Help Social Anxiety

SUNRAI

Eternal Poster
Hindi self confidence yung problema hindi rin naman talaga ako mahiyain hindi ko lang talaga magawang makipag interact sa ibang tao kase inaatake ako ng anxiety ko, Ganto na talaga ako simula nung bata pa ako hirap na hirap akong makipag usap sa hindi ko kakilala kaya madalas tinataboy ko nalang yung mga lumalapit saken, Kahit simpleng pag sabi ng score pag may quiz saka pag sabi ng present sobrang hirap, Tanda ko date nung grade 6 ako triny ko labanan nag rerecite ako kahit yung boses ko parang umiiyak na saka yung tuhod talagang nanginginig na naging top 1 ako nun kaso 1st grading lang nung 2nd 3rd 4th tinamad nakong mag aral meron rin kaseng mga nambubully pero di naman siguro excuse yung sa pagiging tamad ko, gr7 literal na dinako nag sasalita tungo nalang dun rin ako naka ranas nang literal na pinapahiya ng teacher sa buong klase kaya sobrang tinamad nanaman akong pumasok linunud ko nalang yung sarili ko sa video games saka internet nung gr 8 ako meron na akong mga naging kaibigan kaso halatang pangongopya lang ang gusto saken saka tanda ko date nung may discussion tinanong nung teacher kung meron ba samin ang walang kaibigan may kaklase naman na tumuro saken tas tinginan mga kaklase ko saken sobrang na trauma ako yung mga katabi ko sinigaw pa talaga na kaibigan lanv nila ako para may makopyahan pagkatapos nun sobrang dalang ko nang pumasok may mga naging kaibigan parin naman ako nag tatawanan kame saka nabawasan na yung pagiging distant ko sa mga kaklase ko lumayo narin ako sa mga dati kong kaibigan, Nung grade 8 rin lalong lumala yung pag papahiya ng mga teachers saken madalas sa harap ng mga kaklase kopa, Ang nakakatawa dun yung mga teachers rin nayon panay post ng religious content saka sobrang bait tignan sa fb, Nung grade 9 ako ganun uli yung sistema isa lang naman yung kaibigan ko nayon pero literal nakong sinakatan physically at panay rin ang kopya saken wala rin naman akong magawa kaya lumayo narin ako tapos may mga bagong kaibigan narin akong nakilala mabait naman sila saka parang totoo Nagkakaintindihan rin kame kaya sa kanila nalang ako sumama, Grade 10 ako literal na wala akong kaibigan pumapasok lang tas kunyare matutulog tas uuwi na may mga nakakausap naman kahit papano pero hanggang dun lang, Ngayong gr11 mga mga internet friends nalang ako 1year narin ata saka distansya nako sa mga tao sa totoong buhay yung anxiety ko ganun paren, Madali lang sabihin na kaartehan lang to pero diko rin naman talaga choice na maging ganto if pwede namang magbago magbabago talaga ako, Hanggang dun nalang salamat sa nag basa haba na pala neto hahaha
 
Nasubukan mo na bang lumipat? Kung hindi pa, yun ang pinaka-oks gawin kung ayaw o hindi mo pa kaya mag-seek ng tulong. Base kasi sa nabasa ko, yung environment na ginagalawan mo yung problema mo. Yun yung nagpapa-anxious sa'yo. Minsan, hindi naman kaduwagan ang pag-alis. Dahil nga magiging bago ang lahat sa'yo, magkakaro'n ka ng chance na magsimula ulit. Pwede ka rin magbago kung gugustuhin mo kasi hindi ka pa nila kilala at hindi mo rin sila kilala.
 
Mahiyan at takot din ako sa madaming tao ts, pero eventually may mga naging kaibigan akong makakapal ang mukha ang hanggang naging malakas na din pala ang loob ko. Pero advice ko lang ts, you need to adopt minsan. Mas malala pa matatanggap mo sa college life promise kaya dapat kung may masakit na salita dapat maging manhid at labas sa kabilang tenga mga sinasabi ng ibang tao about sayo. Much better kung magkaroon ka ng peers na magpapalakas ng loob mo
 

Similar threads

Back
Top