What's new

Help Social Anxiety..

AnimeTitz4life

Forum Guru
Elite
Paano ma overcome to mga master Kung Hindi ka maka relate Ganito ito, parang walang akong tiwala sa sarili, lagi nalang Duda sa maliit na bagay at palagi akong pessimistic na Wala akong ma accomplished at sa mga taong mag depende sakin palagi ko nalang pinag tangihan di ko kaya Yan! takot akong magki usap sa ibang tao Yung Hindi mo sila ma titigan sa mata, anti social, introvert, wala sa intensyon ko and pagiging awkward pero kapag may mag hi sakin like in public or nagkamusta mag lag/stutter ako lol. kahit mag order ng pagkain sa mga fast-food restaurant papawisan agad ako at ambilis ng tibok ng puso ko, mahiyain. Yung tipong every time na lumabas ako ng bahay randam ko agad ang bigat sa ****** ko at pressure sa ulo ko. Andami ko ng taong tinulak ko lang... Wala Rin akong sense of self importance Kung may bagay na I binigay sakin tapos gusto ng iba, sa kanya nalang Yun. Yung feeling na wag niyo ako I prioritize iba nalang wtf. Anyare sakin. Hindi Naman ako ganito dati pero bigla nalang pag pasok sa teenage years, merong time na gusto magpakaibigan si crush sakin pero puro katarantadohan gestures ko kapag kinausap ko siya.
 
Well choice mo yan ts, ang key lang para mawala ang pagkahiya/introvert eh overcome mo siya. Try mo maghubad sa kalsada then takbo-takbo ka para mawala ang hiya mo jowk! 😁. Pumili ka ng friends na ang kapal ng mukha, yung tipong hindi mo pinapapapunta sainyo pero pumunta para makikain, mga ganung friends ba 🤣. Sa totoo lang you need a friend kasi doon lang ma-boboost ang confidence mo habang kasama mo sila.
 
[XX='AnimeTitz4life, c: 626748, m: 1109109'][/XX] walang mangyayari sayo pag ganyan ka i think pag nag consult ka sa professional 'di man agad eh matutulungan ka. tsaka wala ka dapat ikahiya sigurado ako 'di yon ang unang beses na may nagtanong sa kanila ng mga itatanong mo maiintindihan ka nila at hindi ka huhugashan
 
I feel you medyo ganyan din ako. Pero ngayon hindi na masyado kasi narealize ko wala naman mangyayare sa buhay ko kung habang buhay ko nalang mamaliiting yung sarili ko at mag sstay lang sa comfort zone ko (So why not improve myself?). Naisip ko bakit ko kailangan limitihan sarili ko wala naman akong mapapala dun. Ang una kong ginawa para maovercome ko yang ganyang attitude lagi kong iniisip na dapat open ako sa pagbabago, tapos madalas ineliminate ko palagi yung negative thoughts(Kill automatic negative thoughts or kill ANTs natutunan ko to kay jim kwik 😉). Hanggang ngayon inovercome ko yung ganyan attitude. Nag babasa ako ng mga self help books ex. How to win friends and influence people by dale carnegie. Based sa nabasa ko and napanood maganda rin yung mag create ka ng daily habits or daily routine. Tapos inunfollow ko rin sa fb yung mga pages, people na palagi nalang malungkot yung post (tapos tinanggap ko narin na di ako crush ng crush ko charot haha). Ang finofollow ko yung mga nakakagoodvibes. Gaya nga ng kasabihan "The only way to overcome fear is to face it!"
 
Same here since i was grade 8 lagi ako nakayuko kapag naglalakad kase ayoko makita ng mga tao mukha ko masyado ako insecure sa mukha ko kahit maayos naman nagpapawis din ako ng sobra kapag kinakabahan at nahihiya lang lalo na kapag maraming tao until now diko pa rin alam ang way pano ma overcome pero para sa aken mas okay na to atleast marunong ako mag control sa sarili ko at nasa bahay lang lagi hahahha
 
Hi! I suggest siguro we can make a group? para sa mga may kaparehong status. It will really help you tsaka yung mga iba pa. Iba rin kasi yung may nasasabihan ka at may makakarelate sayo.
 
Hi! I suggest siguro we can make a group? para sa mga may kaparehong status. It will really help you tsaka yung mga iba pa. Iba rin kasi yung may nasasabihan ka at may makakarelate sayo.
btw add ko lang, ilang taon ka na pala? he/she? palagay ko she. hehe kung she ka nga at nasa stage ka ng puberty, normal yan dear hehe
 
may point ka.. totoo yan, kahit anong payo man matanggap mo, kung di mo pipiliin ayusin sarili mo at maniniwala ka na lang na di mo kaya at hanggang ganyan ka na lang, habang buhay ka makukulong sa ganyan.
 

Similar threads

Back
Top