What's new

Closed Social anxiety and depression

Status
Not open for further replies.
Hi mga ka phc!, open ko lang topic about social anxiety and depression, I also need some advice mga kaphc especially to those persons who have suffered from these psychological/medical problems tapos nakaget over na. I am having a hard time po kase dealing with these two problem. I just can't stop thinking of things that let me down and made emotionally unstable. Yung ang sakit sa ****** tapos hindi mo alam kung ano gagawin para maalis yun tapos yun lang ang alam mong solusyon (ofcourse I will not do it and even if I can I will never do it, cause God and my family are at my side and also I can control myself due to reasonings). Mas grabi siya pag gabi tapos yung pag may mga pagtitipon sa labas at kasisahan tapos hindi ka kasali doon. Hindi kase ako palalabas eh, masayahin and hyper active outside, but inside I know that I am suffering. Hirap kase makipag socialize pag may social anxiety ka, yung feeling na dika pa nakikipagusap sa tao kinakabahan ka na at nagooverthink ka, iniisip mo na ijujudge ka nila, I can't control it. At yun ang nag trigger ng depresseion ko, I always doubt myself, tingin ko nagiisa ako, walang friends walang mararating sa buhay, palagi kong dinodown sarili ko. Hindi lang kase yan nag trigger ng depression ko marami pa, I will not mention it cause it's to personal for me. Salamat sa pagbasa mga kaphc.

Any advice mga ka phc kung pana makagetover or move on dito, or atleast makabawas naman sa depression and social anxiety?
 
. . .mahirap ma overcome ang depression. . .ang totoo di mo kaya yan mag-isa. .and face it na lang na di lahat nang tao ma pe please mo. niloloko mo lang sarili mo.

ganyan din ako dati trying to pleased nang lahat nang tao sa paligid ko. but when I failed na depressed ako hanggang sa maging socially awkward.
 
Maganda talaga lods kapag cooperative ang mga tao sa paligid mo. Big factor din kasi yung mga taong nakapaligid sa atin. Maganda kung naiintindihan nila tayo. Tsaka hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mong makipag-socialize o mag-open. Dahan-dahan lang. Baby steps.

Pero kung sa tingin mo ginawa mo na talaga yung best mo na subukan lahat pero parang hindi mo pa rin talaga kaya e walang masamang magpatingin, lods. Walang mali sa pag-seek ng professional help. Tsaka ang maganda pa ro'n mas maayos ang mabibigay nilang guidance at advice sa'yo.
 
pota pre yung anxiety talaga problema ko dami na sanang magandang opportunities na dumating sa buhay ko pero yung anxiety talaga problema feeling ko lahat naka tingin sakin tas overthinking pa kahit ipilit mong sabihin sa sarili mo na okay lang ang lahat di talaga kaya feeling ko araw araw akong nilalamon ng anxiety ko
 
Ang totoo nakatulong sa akin nung nag Alpha ako sa ROTC. . sa sobrang hirap makakalimutan mo may anxiety or depression ka. hahahaha. . pero mas makakatulong kung makakahanap ka nang taong susuporta at walang ineexpect sayo. kc nakakadagdag yung pressure nang society sa depression at anxiety. .huhu
 
[XX='jhon_john18, c: 123256, m: 1008504'][/XX] wala po ako masyadong friends ts, dahil may social anxiety din ako, pero atleast meron akong gf kahit malayo.
 
yup I already told that to myself that not everyone are going to like you, kung sa YøùTùbé nga kahit gano kaganda ng content mo may dislikes parin. Pero still hindi ko magawang maovercome, parang ang decision mo iba sa real action mo and reaction ng body mo. I feel socially awkward kapag nakikihalubilo sa iba especially kapag na a out-of-place ka sa mga pagtitipon and dont know what to talk and who to talk to. I tend to go solo keysa naman sa marami kang kasama out of place ka naman o walang umiintindi sayo, mas lalo lanv bumibigat pakiramdam ko. Introvert pa kase ako I dont approach first, I let them approach me first. Yan kase ang problema sakin kaya ang hirap ideal ng problema na to. By the way thanl you po sa advice😊
 
ganyan din ako dati, ngayon mas gusto ko nlng na hindi maka kita ng tao, nakakasawa na rin, mas maganda na lng mag isa, peaceful at tahimik. nakikipag halubilo ako pero limit² nalang, lalo na pag alam mo na mga ugali ng nasa paligid mo yung tamang sasabayan mo nlng makipag plastikan. wag mo nlng intindihin nasa paligid, wag na ipilit ang sarili sa mga taong ayaw sayo, mag tiwala sa sarili, tulad ng lone wolf.
 
Sana nga lahat ng tao cooperative and observant sa paligid niya, pero salungat masyado and sitwasyon dito sa Pilipinas yung wala lang sa kanila ang usaping mental health problem, hindi masyadong observant ang mga tao sa paligid nila. Ang iba sasabihin kaartehan lang pero in the real situation nagsusuffer na yong kasama mo. Hindi kase nila malalaman ang nafefeel mo unless if they empathize with you or mafefeel nila ang nangyayari sayo o kaya mangyari sa kanila ang sitwasyon mo.
Tama ka I don't force myself to socialize, naghahanap ako ng tamang oras para makipag socialize kung pwenepwersa ko lase napapansin ko na mas lalong lumalala, and I dont think na next time na makipagsosocialize ako kakayaniin ko pa. Mas lalo ako nagooverthink kaya nagaapporoach lang ako mostly sa mga close friend and act normally kaya di nila alam na may social anxiety nako tapos depression hays.
Ayaw ko kase mag open up sa kanila, first time ko nga mag open up dito sa phc, di pa ako nakakapag open up sa real world, baka d nila maintindihan
 
[XX='memberID, c: 123272, m: 565223'][/XX] buti nga dito ts nakaka pag socialize ako kahit papaano kasi walang nakakakilala saakin. Yung social media platforms ko dineactivate ko lahat.
 
'Yan ang nakakalungkot sa Pilipinas. Maraming ignorante sa usaping mental health. Kapag nag-open ka, ihahambing ang problema mo sa problema ng iba para pagmukhaing mababaw lang ang iyo.
 
same nung mga nauna na nagsabi, I'm 28 now, been a NEET for 3-4 years, I hit rock bottom nung bumalik ako sa bahay namin, though maraming beses nako nagtry na bumangon, ewan, nalulugmok lang lagi. Di na rin ako nakikipag interact masyado, kung makikipagusap man ako, siguro 1-3 sentences lang. Right now, I'm trying again, joined a webinar about being an SMM, so work from home, pero I can't seem to get out of my funk. Napaka foggy ng isip ko lagi, can' think straight, ginagawa ko nalang excuse is laziness/procrastination, pero I know, mas malala pa dun.

Stopped taking meds and therapy, di kaya ng finances. Also sa ilang pDocs na pinagdaanan ko, ewan ko ba, can't seem to trust them.

You're lucky TS, to have a family that tries to understand you and the things that you're going through.

Only advice I can give is, to keep on reaching out to people that wholeheartedly wanted to help you, never reject a helping hand (you can do it probably once, or twice but then pag nagsawa sila...). Do whatever you feel/think is helping you cope, either religion, or books, or media. Wag lang bisyo. Also kung may hospital sa lugar nyo na nagbibigay ng free psychological consults, wag ka matakot or mahiya na magpakonsulta. Itry mo pa rin.

Isa pa, always, -- always be kind to yourself.

hugs

btw, may group sa FB, ADSP (Anxiety and Depression Support Group), doon may mas marami pang makakapgabigay ng iba pang advice sayo po from more people like us.

You can do this \o/ 🖤
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top