What's new

Sobrang lungkot ko ngayon paadvice

Cutieful

Eternal Poster
Established
Joined
Jan 19, 2018
Posts
806
Reaction
417
Points
289
Di naman to usapang lovelife, ilalabas ko lang pagsubok namin ngayon ng gf ko.

So eto na nga, nag aapply kasi siya sa trabaho, pre-hired na need nalang ng requirements, kaso eto na nga, kulang na kulang ang budget nila. Maitutulong ko lang ay ang iutang siya, so far nakautang na ako ng 800 pesos, then siya 500 pesos. 1300 then babalakin nalang namin lakarin yung mga walking distance na requirements.

Kaso guys, hindi siya suportado ng pamilya niya, tumigil siya sa pag aaral para lamang makatipid sila, tapos ngayon pati pag aapply ng trabaho niya hinahadlangan pa nila, kami ng parents ko supportado namin siya. Kapos lang talaga kami. Etong gf ko naman pasuko na, ano kayang mai aadvice nyo sakin para maconvince ko siyang ituloy niya pag tatrabaho niya? Or tama ba itong desisyon kong isupport siya sa abot ng makakaya ko or irespect ko pagsuko nya?
 
Tulungan mo sya pre. Pakita mo na suportado mo sya sa lahat ng bagay. Pakita mo na kaya nya lagpasan yun.
 
Yun nga po eh, sa pag aapply niya palang ng trabaho, inantay ko siya 6 hours nakaupo lang ako sa labas para may kasama siya sir. At iuutang ko siya sa lahat ng kakilala ko
 
Kayung dalwa lng nmn mag tutulungan sa huli, kung kayo talaga ang pra sa isat- isa kya suporthaan mo lng sa mabuti wag lng sa masama😂
 
Keep Fighting lang TS, okay lang mangutang ng mangutang basta pag nag ka start na kayo sa work unahin nyo agad bayaran. Keep positive lang sa lahat ng bagay, pakita mo sa GF mo na lagi kang positive. Pagsubok lang sa inyo yan as partners.

Para saakin kung hadlang man family nya nasa kanya padin ang desisyon, kung ayaw edi ayaw nila basta pakita lang nya na kahit walang supporta ng family nya kayang kaya nyo. Keep always positive 🙃
 
nope you keep on pushing her to be the better version of her self. dahil sayo at sa pamilya mo lang sya nakakakuha ng suporta and she will thank you for that in the future.
 
Lahat ng nagastos niyo, babalik yan. I wish you all the best. But do not forget to be grateful pa din sa family ni girl no matter what happened in the past.
 
Sa panahon ngayon. Blessings ang magka trabaho.
Pero ano kayang dahilan bakit ayaw syang isuport?
1. kulang din sila sa pinansyal?
2. ayaw nila sayo?/ ayaw nila mgtrabaho anak nila
3. ayaw nilang mapalayo sknila?

Anw, kung ano man dahilan, isuport mo hanggang kaya mo.
Mairaraos mo din yan. at sa panahong makakapag abot n ang gf mo sa
pamilya nya for sure. magkakaron p lalu yan ng tiwala sainyo.

sa unang sahod mababawi nyo plng ang inutang nyo
sa pangalwang sahod duon plng maibabalik ang inutang nyong allowance
sa pangatlo duon pala yung magiging inyo.

as support, pag prepare mo nlng sya ng makakaen,
pag hatid at pagsundo. for sure lagi yan pagod sa trabaho.

Godbless sainyo, wag ka panghinaan ng luob.
Makakaraos din kayo.
 
ikaw lang masasandalan nya sa lahat ng bagay partner mo yan. wag mong hayaang sumoko siya. motivate mo lng palagi.
 
Back
Top