What's new

Closed Smart data connection

Status
Not open for further replies.

woojun

Honorary Poster
Ito po ba yung blocking?
Kapapalit ko lang po ng smart sim para lang mag unli fb tapos kinabukasan hindi na po ako makapag data , walang lumalabas na Lte/3g . Unlifb lang naman po gamit ko aoc20 walang ginamit na vpn...
 
January 8, 12NN.. Napansin kong nawala data connection ng lumang Smart Prepaid Sim ko. Subscribed pa yun sa AOC20, at mageexpire pa the other day. Pagkatapos ng klase, bumili ako ng bagong sim. Pagdating sa bahay (9PM hehe), wala pa rin talaga data connection yung luma kong sim. So, nilagay ko na sa pocketwifi yung bagong SmartPrepaid sim. Ayun! Meron nang data. Free data lng kasi bago pa namn, pero habang gumagamit ng FB, biglang nawalan ng data connection. ***** sabi ko tawagan ko na ang CS. Pero gnawa ko muna, reset factory settings. Muling nagkaroon ng data connection yung bago kong sim. Habang naka-log in sa Smartbro dashboard, tinanggal ko yung bagong sim mula sa pocketwifi, at sinaksakan ko nung lumang sim. Shoookt! meron ulit data connection yung lumang sim. So, pareho nang gumagana ang data connection ng dalawang sims ko.
 
Nawalan ako ng signal kagabi ng 11:30pm.. Pero may nabasa ako na nag-aayos daw sila ng signal.. Pagggising ko ngayong umaga, meron na ulit ako LTE Signal..
 
Update: Nag pm na ako sa smart fb page then tumawag narin ako gamit yung *8888 ayun sumagot naman agad, tinanong ko kung bakit naman nawala, sabi ng agent may naviolate daw ako (nagtataka naman ako kung ano naviolate ko gamit ko lang naman official fb app and messenger at hindi gumagamit ng vpn) , tinanong ko kung ano yung naviolate ko, wala naman masagot sakin yung agent iforward ko nalang daw sa website ng smart na need na ng documents which is napaka hassle naman para lang mabalik data ko kabibili ko pa man din ng sim at aoc20 palang ang promo nagamit ko.

Eto yung hinihingi bago mabalik data ko:

"Sorry for the hassle, woojun. As requested by our technical team, please provide us the following:

-Signed letter of complaint
-Alternative contact number
-Copy of valid government ID

You may submit the documents here. We'll wait for your reply."
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top