What's new

Closed Sleep paralysis

Status
Not open for further replies.

tiffany02

Addict
Joined
Jul 15, 2017
Posts
119
Reaction
51
Points
104
Sleep Paralysis or Waking nightmare: Paano ba ito maiiwasan at ano ang gagawin upang magising agad?

Naranasan mo na ba na kakatulog mo palang pero bigla ka magigising na parang may humahatak sa'yo o nakadagan sa iyong ******? Alam mo ang nangyayari sa paligid mo pero di ka makakilos o makapagsalita. May nakakatakot kang makikita sa paligid o tabi mo, parang multo, demonyo o masamang espiritu. Gusto mong sumigaw upang humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses? Gusto mong gumalaw pero parang nakatali ang buo mong katawan. Ang tawag dito ay sleep paralysis.

Ang sleep paralysis ay isang common na condition. Kahit na ito ay nakakaalarma, hindi ito mapanganib o masasabing medical emergency.

Ang pinaka-commmon na nangyayari sa episode ng sleep paralysis ay ang walang kakayahang kumilos o magsalita.

Gaano ito katagal?

Ito ay maaaring tumagal ng ilang segundo hanggang 2 minuto. Kadalasan, tumitigil ito ng kusa o kaya naman kapag may tatapik o gigising sayo.

Paano ito maiiwasan:
1.bawasan ang stress
2.regular na mag-ehersisyo, pero huwag bago matulog
3.matulog ng sapat. Magkaroon ng sleep schedule
4.kung may sakit,siguraduhing nakatrack ang oras ng iyong pag-inom ng gamot
5.alamin ang side effects ng mga gamot na iniin upang maiwasan ang ilan sa mga side effects nito, tulad ng sleep paralysis.

Anong gagagwin kapag naranasan ito:

1. Huwag labanan.Kapag pinilit mong labanan, lalong lalala ang pakiramdam na may mabigat sa ******. Kalmahin ang sarili kahit natatakot.

2. Igalaw ang mga daliri sa paa. Kadalasan ay sa ******, tiyan at lalamunan ang apektado ng sleep paralysis. Ifocus abg buong atensiyon sa paggalaw ng mga daliri sa paa. Mabisa ito pampagising

3. Ibuka at isara ang kamao. Parang technique sa #2

4. Controlled breathing. Kadalasan kapag nasa sleep paralysis ay nakakalimutan nating huminga ng maayos dahil sa sobrang takot. Ikontrol ang paghinga. Inhale exhale upang makalma ang paghinga. Mababawasan nito ang chest pains.

5. Magdasal. Pinakamabisa!

6. Umubo. Dahil hindi ka makakasigaw, subukan mong umubo hanggang ikaw ay magising

7. Sumimangot o lukutin ang mukha na parang nakakaamoy ka ng mabaho. Gawin ito 3 beses hanggang magising.

Pagkagising, huwag matulog ulit upang hindi magtuloy ang sleep paralysis. Buksan ang ilaw, maghilamos at uminom ng tubig.
 
i had this terrible experience pagmulat ko nakaharap sakin muka ng lola kong namatay half rotten ang face nakadilat mata and take note kakalibing nya lng nung time na yun...it was so scary
 
Yung feeling na pagmulat mo hndi ka makagalaw ,makapagsalita at parang may nakadagan sayo ,pagtingin mo demonyo pala..para siyang totoo kc alam na alam mong gising ka.
 
Thank you sa replies nyo, sana makatulong itong ibinahagi ko. :) Keep safe!
 
Last edited by a moderator:
Importante rin siguro na iwasang matulog nang sobrang busog. Kaya sa gabi, meron tayong tinatawag na 3-hour rule: kumain 3 oras o mahigit bago matulog. Ito ay para masiguradong nadigest ng mabuti ang pagkain. Ito rin ay makatutulong upang hindi mag-overwork ang katawan natin habang natutulog (e.g. tunawin ang pagkain).
 
naranasan ko rin eto ng galing ako sa byahe pagdating ko sa bahay kumain agad ako pakatapus
kumain nahiga agad ako sa kama para magpahinga at matulog, tapus pumikit na ako ilang second
lng tinitiik na ako ng bruha sa liig parang tutoo na nanyayari pero ilang minuto lng nalabanan ko yun bruha nakamulat ako, ayon natalo ko yun bruha tapus na ngako sya sakin na di niya na gagawin yun uli tapus mula non mabait na yun bruha naging staff na nga sya dito sa phcorner , minsan nga nasita niya ako pero ok lng kasi may mali namn talaga ako









:):):)









di sa biro totoo po yan na nangyari sa buhay ko
 
Last edited by a moderator:
maraming beses na ako nito. .
tama, dapat kalma ka lang. huminga ng malalim.

usually nangyayari sakin ang ganyan pag mali position ng tulog, sample, ung kamay ginawang unan, or nadaganan mo hanggang mamanhid, don nagsisimula ung aware ka sa panaginip.
 
naka experience na din ako ng sleep paralysis, ang worse na ngyari sa akin nakarinig ako ng tumatawang parang demonyo na may kasamang tawa ng bata, tapos nung nagising ako, yung pusang itim namin nasa higaan ko katabi ko. siguro ugaliin natin na matulog ng naka tagilid. ganun ginagawa ko at napapansin ko ngyayari lang siya pag hindi ako nakatagilid matulog. ingat mga ka PHcorner. apir!
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top