What's new

Trivia SKIN CARE PARA SA LAHAT

NINJA64

Addict
Joined
Sep 2, 2020
Posts
114
Reaction
60
Points
95
Gusto ko magbabahagi ng kaalaman ukol sa skin care lalong-lalo na sa baguhan upang maiwasan ang maling paglagay sa mukha.
Lalaki ako at nararanasan ko talaga ang breakout ng pimple sa aking mukha noon at nakakawala ito nang self-esteem at nakakalungkot isipin na lumiliit ang iyong confidence sa public.

1. Know your skin type- may skin type tayo bawa't isa ito ay ang a. Dry skin b. Oily skin c. Combination(oily/dry)

A. Malalaman mo ito na dry skin ka kapag "flaky" or parang tigang(pasensya kung di ko alam ang tamang salita dahil bisaya ako) tignan ang mukha mo
B. Sa oily naman ay malalaman mo ito na parang minamantika naman ang mukha kahit bago palang nag hilamos sa banyo
C. Combination ay yung may parte sa mukha na dry at oily

Importante natin malaman ang skin type upang mapili natin yung tamang produkto na ilalagay sa ating mukha

2. Ingredients- kung tayo ay bibili ng produkto ay iwasan natin kung pwede ito lalo na sa may sensitibong balat
A. Fragrance
B. Alchoholhol
Bago kayo bibili, basahin muna ang ingredients list sa produktong ninanais mo. Kung may fragrance o alchoholhol:iwasan nyo kung pwede dahil ang fragrance ay nakakairita sa balat at nagiging sanhi sa pimple. Samantala ang alchoholhilhol ay may "drying" element na makapataas ng tsyansa na magkakaroon nang tigyawat(lalo na sa may dry skin).

3. Cleanse, moisturize, sunscreen- ito ang basic routine sa skin care. Hindi muna natin dagdagan ang routine dahil nakakalito sa simula kaya't pasimplehan lang tayo dito at para din makatipid.
A. Importante ang cleanser dahil nakapaglinis siya sa mukha at ito rin ay may mababang ph level kompara sa sabon na mataas ang ph level.

Bakit kailangan malamangang ph level?
Pag mataas ang ph level sa isang produkto ay magiging sanhi sa pag "overstrip" o parang nasobrahan sa kakalinis sa mukha at nakaka sira ito sa moisture barrier na makakasanhi sa tigyawat.

Sa pag bili ng cleanser, iwasan natin bumili nang scrubs dahil ito ang nakakairita sa balat.

B and C. Kahit oily ang skin natin, kailangan parin maglagay ng moisturizer upang ma moisturize at hydrate ang ating balat. At kailangan mag lagay ng sunscreen pagkatapos sa moisturizer para may proteksyon sa balat at nagpapadali ito sa pag galing galing pimple breakout. Spf 15 ang minimum spf na ikina rekomenda ng mga dermatologists.

Marami pa akong gusto ipabahagi at sa ibang post ko na ilalagay tulad ng serum, rejuvenating sets at iba pa😁
Mas mabuti talaga magpakonsulta kayo sa derma dahil pinag aralan talaga nila yan

Kung nakarating pa kayo dito sa pagbabasa, Salamat at Godbless!!
 
Oo paps pwede basta may tamang ingredient lang. Abangan mo lang yung ingredient na may SALICYLIC ACID gaya sa CELETEQUE ACNE CLEANSING GEL na mabibili sa watsons.
"Niacinamide" na ingredient din paps para sa dark spots na makikita mo sa moisturizer ,serum o sunscreen(mag post ako tungkol dito pag tapos ko na ang exam).
 
Ahhh nice nice...thank you po♥️


Currently ung mga cheap products muna gamit ko hahahahahaha.

Kojic soap lng muna tska skin white / skinol cleanser gamit ko


Pero okay nman parang mas naging soft skin ko compared nung nakaraan na medyo rough
 
For hair sir may tips ka?


Un pa kasi problema ko parang sabog kasi tingnan hahahahaha

Pero binago ko na ..nakasanayan na kasi simula nung bata na palaging shampoo
Bawal daw pla un..

Ngayon conditioner nlng ginagamit ko palagi .then oo parang mas naging soft and bagsak sya unti compared nung para nakong si einstein hahahahaha.


Any tips sir?
 
Ano dapat gawin pag oily face, i mean di naman gaano ka oily gusto ko lang mag mukhang fresh yung natural lang na di nagpupulbo.
 
no joke lalo na sa mga lalaki.
tamud lng katapat nyan lagay nyo sa mukha bago matulog lalo na sa mga mahihilig,😅 1 week makikita nyo difference. babata pa mukha nyo at kikinis na parang natural lng, wag lang kalimotan mag hilamos pagka gising. maganda lng to gawin pag ikaw lng mag isa sa kwarto mo o kayo lng dalawa ng jowa para hindi nakakahiya.
kayo na bahala kung matatawa kayo nasa inyo narin kung susubukan nyo o hindi.
 
Kung tips ang pagsasabihan natin ay may kanya-kanyang hiyang tayo sa produkto, tulad ko na hindi hiyang sa conditioner at dapat talaga head &shoulders na shampoo lang ginagamit sa kasalukuyan.
Kung nakuha mo na yung gusto mo paps, pwede kana wag magpalit produkto😁
 
Suggest ko ts salicylic acid o niacinamide. May mabibili na niacinamide sa shopee yung sa apotheke science at tatagal naman yun hanggang 3 buwan basta 3x per week lang gagamitin sa gabi pagkatapos maligo/maghilamos.kung sensitive balat ts, pwede yung 5% niacinamide pero kung kaya naman 10%, okay na yun
Mayroon di naman ang sunscreen sa belo yung spf50 whitening ts. Pwede tayo gumamit ng sunscreen bilang moisturizer lalo na sa pinas na napaka init(bale 2 in 1 na siya).
 
Parehas tayo problema paps kasi oily skin din ako hahaha
Pwede ka mag moisturizer paps dahil ito talaga nakakatulong sa akin
Ginagamit ko pala ay celeteque hydration moisturizing gel.
Pag bibili ng moisturizer sa oily skin paps, gel type ang hahanapin kasi magaan lang siya at parang walang nilalagay sa mukha
 

Similar threads

Back
Top