- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,537
- Reaction
- 7,198
- Points
- 2,914
Kamusta ang newly wed?
Narinig mo na ba iyan?
Ngayong tapos na ang ligawan moment, bf-gf moment at wedding ceremony,ano na ang kasunod?
Syempre pa magkasama na kayo sa isang bubong.Madidiscover na ninyo ang pagkatao ng isat isa. Maaring may makita ka na rin na kahinaan ni mister o kahinaan ni misis. May oras din na baka naiinis ka na sa ugali niya. Kaya paano ba
Magtatagumpay sa Unang Taon ng Pag-aasawa? At sa mga susunod na mga taon,dekada at habang panahon?
Maganda na magconsult tayo sa expert. Sino siya?
Ang Diyos na may pangalang Jehova ang pinakaexpert sa journey ng married life. Dahil siya ang Isa na lumalang sa atin at nagbigay ng pagnanais na mag-asawa. (Genesis 2:22-24)
Check natin kung paano makatutulong sa atin ang kaniyang Salita, ang Bibliya, upang mapagtagumpayan ang mga problema at magkaroon ng mga SKILLS na kailangan para tumagal ang inyong pagsasama at maging masaya.
SKILL #1
Matutong i-consider ang isat-isa
Bible principle: Genesis 18:17-33
Try this:
(1)Iexplain ang suggestion mo,hingin ang opinion ng asawa mo,maging makonsiderasyon at makatwiran
SKILL#2
Maging magalang at mataktika
Bible Principle: Filipos 2:3-4 ,2Tim 2:24
Try this: Kapag naiinis ka na sa asawa mo; isipin na ang kausap mo ay kaibigan mo or boss mo.Paano ka ba makipag usap sa kanila?
SKILL#3
Maging sanay sa bago mong role bilang asawa
Bible Principle:Efeso 5:25-29
Try this: Kapag iniisip mo ang attitude ng asawa mo na dapat niyang baguhin, ang isipin mo MUNA ay ano ang pwede mong baguhin sa iyong ugali.
SKILL #4
Humanap lagi ng pagkakataon para mapasaya ang iyong kabiyak
Bible Principle Deu 24:5
Try this: Maging masayahin at pwede ring magjoke. Tawanan ang iyong mga pagkakamali pero hindi ang mga ikinababahala ng iyong asawa.
Tandaan na hindi overnight ay expert na tayo.
Pwedeng magkamali,magkainisan at magkapikunan.
Pero lagi mong alalahanin kung bakit mo minahal ang iyong asawa at siya na ang iyong Best friend. Gawing goal sa araw-araw na ipadama ang pagmamahal at paggalang sa iyong asawa.
Kapag ginawa natin ito mapapasaya din natin ang Diyos na nagregalo sa atin ng pribilehiyo na magka-asawa.
baka may alam kapa share mo lang sa comment section
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: