What's new

Closed Sino'ng pumatay kay baby River?

Status
Not open for further replies.
EDIT: When I read some comments and see people laughing, I can't help but say that this administration, and you all who laugh and defend the indefensible are a disgrace for humanity 🤮


Sinong pumatay kay baby River?

'Yan ang malaking palaisipan, habang tinitingnan natin ang mga larawan ni Reina Mae Nasino na naka-handcuff, at hindi man lang pinayagang mayakap ang anak sa huling pagkakataon. Sa ilalim ng PPE, hindi man lang niya mapunasan ang kanyang luha. Dumampi lamang ang kamay niyang nakaguwantes sa salamin ng kabaong ni baby River.

Walang-pusong mga institusyon?​

Nasagasaan si baby River ng sistema ng hustisyang walang pagmamalasakit sa isang sanggol. Ito ang sistemang walang pasilidad na mag-alaga sa kalusugan ng isang babaeng detainee na bagong panganak. Pinatay siya ng kawalan ng insititutional health care para sa mga bilanggo -- isang karapatang pantaong dapat ay ipinatutupad ng ating mga kulungan.
Pinatay siya ng mga otoridad na walang-pusong nagwalay sa mag-ina matapos ang unang buwan ng buhay ng sanggol. Ito'y sa kabila ng mariing rekomendasyon ng doktor na panatiliing magkasama ang ina at ang baby.
Pinabayaan siya ng sistema ng korte na tila walang pagmamadaling tulungan ang inang nagsumamong makasama ang anak na naospital – kaya't hindi na inabutang buhay ang sanggol. At kahit mismong ang Korte Suprema ang nag-utos ng pagbibigay ng "relief" sa petitioner na si Reina Mae Nasino, naging huli na ang lahat.
Pero hindi lamang ang kalunos-lunos na health care system at makupad na sistema ng hustisya ang pumatay kay River.

Bengansyang pulitikal
Pinatay siya ng sistematikong pagbabansag sa mga aktibista na maka-kaliwa at komunista o red-tagging. Pinatay siya nang pinagdadampot ng estado ang mga aktibista sa Maynila at Negros sa kuwestiyonableng one-time, big-time raid matapos malusaw ang peace talks sa pagitan ng pamahalaang Duterte at Kaliwa.
Pinatay siya ng sistemang nagkulong sa kanyang ina at mga aktibistang tulad niya nang walang bail sa bisa ng umano'y trumped-up charges tulad ng "îllégâl possession of firearms and explosives."
Sa madaling salita, biktima si baby River ng pulitikal na pagtugis sa Kaliwa ng administrasyong Duterte. Pinatay si baby River ng bengansyang pulitikal na siya ring pumatay kina You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Pero hindi ito ang sistemang inasam natin. "We didn't sign up for this." Hindi ito ang demokrasyang dapat ay kapalit ng ating mga buwis. Hindi ito ang demokrasyang pinangarap natin nang bumoto tayo noong 2016.
Walang kalaban-laban ang kaawa-awang sanggol. Hindi siya binigyan ng malupit na lipunan ng pagkakataong mabuhay.
Sabi ng abugado at Rappler columnist na si John Molo, "Our system was meant to protect innocence. That baby was innocence personified."

'Overkill'​

Sa mismong libing ni baby River, kitang-kita ang di-patas na pagtrato sa mayaman at makapangyarihan kumpara sa katulad ni Reina Mae.

Bakit kinailangan ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na deployment ng 43 na jailguards sa libing ng sanggol? Ito'y sa kabila ng pagpapaikli ng furlough na ibinigay kay Reina Mei mula sa inaprubahang 3 araw na naging 6 na oras na lamang? Ito ba ang "kapos sa resources" na kanilang idinadahilan?
Bakit umiiral ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.na nagbigay ng furlough kay Bong Revilla na nakakulong noon para sa plunder upang makadalaw sa kanyang amang may sakit? Bakit kahit ang mga tulad ni Zaldy Ampatuan na nakakulong noon (at na-convict na) para sa multiple murder ay nakadalo pa sa kasal ng kanyang anak?
Bakit pahirapan ang furlough para sa isang pobreng inang may pulitikal na paninindigan na salungat sa mga nasa poder?

Tumingin sa salamin​

Hindi na natin maibabalik ang buhay ni River, na naging casualty ng bulok na demokrasya natin na kiling sa mayaman, kiling sa makapangyarihan, at salat sa respeto sa karapatang pantao.
Ito ang bulok na pamamahala kung saan ang mga katulad ni MMDA Spokesman Celine Pialago ay may kapal ng mukhang tawaging "You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now." ang paghihinagpis ni Reina Mae bilang ina.
Nasaan na ang mahabagin at makataong batas? Magmilagro man at manumbalik man 'yan, wala na si baby River.
Kapag tumingin tayo sa salamin bilang isang lipunan, makikita natin ang isang bayang malayo ang nilakbay paatras sa loob ng 4 na taon.
Makikita rin natin sa salamin ang ibang mga bangkay ng mga sanggol at menor-de-edad na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. laban sa droga at sa Kaliwa: sina Kian delos Santos, Danica Garcia, Althea Barbon, Myca Ulpina, at marami pang iba.
Sa bandang huli, ang pagkamatay ni baby River ay kabiguan ng lipunang protektahan ang inosente at pangalagaan ang mahihina.
Pinatay si River ng pinulitikang hustisya at pambabastos sa karapatang pantao ng administrasyong Duterte.
Pinatay siya ng pananahimik natin. Pinatay siya ng pagpalakpak natin sa pamumuno ng terror.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
sa sinasabi mong demokrasya, mukhang magiging malabo yan ulit sa admin na to, idol niya kasi si marcos paps.
nasa diary ni marcos na before pa ng presidency niya ay plano na nito na alisin ang demokrasya. or during, di ko maalala.
 
Hahaa ,sige magdala ka ng granada,
tapos nakulong tapos namatay ang anak tapos sisihin gobyerno?
.
.
wala liit ng utak nyo
.
.
 
kabasurahan naman yung utak ng iba diyan nuh. îllégâl at krimen yung abortion pero pag pinagnanak na wala na silang pake.
umaatras talaga yung values ng mga pinoy.
 
Last edited:
Baby River cause of death: pneumonia
Reina Mae Nasino charge: îllégâl possession of firearms and explosives.

Obvious na yung rason bakit nag PPE.
Ewan ko bat sobrang dami sundalo pero siguro dahil sa kaso niya.
 
kahit sino magdala ng granada may kasabwat ,either patumba para di kumanta ,san nya nakuha yong ganun,
iwan ko sa mga dilawan na yan sobrang liit ng utak
 
im from negros, mga commies na yan they dont deserve special treatment.... magkasing level din sila nang mga buwayang politiko na feeling VIP din.

gun for hire at puro ambush lang alam nang mga yan dito sa amin. dami nang mga municipality officially ayaw na sa kanila.

they are not fighting for the poor, yung delusion lang nang pagiging rebel hero nasa utak nang mga yan. tawag ko nga dati sa kanila mga "Moaist romantics" kasi parang nag roleplay lang sila na parang meron parin "the great red revolution"
 
FYI, suspected lang sya, wala pang trial, so innocent until proven guilty diba?
Plus, even if guilty, was her baby guilty too ?

This administration and you all who laugh and defend the indefensible are a disgrace for humanity 🤮
 
Last edited by a moderator:
[XX='awinahe, c: 412546, m: 58492'][/XX] FYI info din ,suspect nga kaya nga safety ginawa alangan naman hayaan siya eh kung may bumaril sa kanya sino ulit masisisi? foul play nanaman utak naman
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top