What's new

Help sino only child dito?

ssouzeii

Eternal Poster
sino po only child dito? Nafeel nyo na bang masuffocate sa parents or parent nyo? ako kasi oo sa mama ko kasi feeling ko tingin niya saakin elementary na hindi kaya alagaan sarili, pinapauwi niya ko ng maaga, text siya ng text, call ng call gaya kanina kasi brownout dito nakicharge ako sa ibang bahay tas pinayagan naman niya ko kasi kailangan niya din ng charge.

Sabi niya sige 8 uwi kana umalis ako nun around 4:30 to 5 pm na nun tas indi ko napansin na nagparatex siya ultimo iba kong friends na hindi ko naman kasama dun sa lugar kinontact niya tas siguro kasalanan ko naman kasi hindi ko napansin yung tex niya kasi chinacharge ko cp ko at malayo sakin kausap ko yung mga kaibigan ko tas kumain na rin ng dinner tas pigpara pauwi niya na ko eh uuwi naman talaga ko hindi naman ako lalampas sa usapan. Minsan naiisip ko wala sakin tiwala si mama kasi nagusap naman na kami nasetup na utak ko kaya di na ko nagcheck ng phone tas pigpara pauwi niya nako bandang 6:30 palang. Hindi naman ako mapapano kaya ko naman sarili ko atsaka may kasama naman ako umuwi bat anhirap sakanya ipaintindi na kaya ko sarili ko.

Single mom na mama ko sakin kasi hindi naman ako tinutustusan ni papa ng maayos. May advice po ba kayo para magkaroon ako ng good relationship sa mama ko na overprotective at grabe mag alala na parang mapaparanoid na minsan di ko na maintindihan hays.. aminado ako na natataasan ko siya ng boses pero di ko na alam lagi nalang kami nag-aaway ni mama.
Tatanggapin ko po kahit criticism kasi alam ko may mali din ako ganun lang talaga yung nararamdaman ko lagi parang yung freedom ko masyadong nahohold back.

hindi ko na alam feeling ko ang dependent ko na tuloy masyado parang di na ko nago grow salamat sa sasagot po..
 
Only child den ako ts
Overprotective den parents ko lalo na si mama pero si papa hindi masyado binibigyan nya pa nga ko minsan ng pera pag naalis ako pang kaen daw bili daw ako ket ano
yung kay mama naman
Ganun lang talaga sya, be nga tawag nya saken kahit nasa public kame haha ps:lalake ako una nakakahiya haha kase 18 nako pero na realize ko lang den na wala namang masama don at ang cool nga walang ibang natawag ng ganon dto haha onetime nga umalis ako kase may gagawin kame project ng kaklase ko nag paalam naman ako sa kanya tapos after 15 mins lang ata pina pa uwi nya na ko haha anyways gabi kase non at d daw maganda pakiramdam nya sakitin mama ko ts kaya mahal na mahal ko sya kaya hanggang buhay ako gagampanan ko ang pagigin one and only baby boy nila
sa kaso mo lods cguro intindihin mo nalang parents mo yung ibang tao nabuhay sila sa mundo ng wlaang ina walang nagabay sa kanila sa parents pa nga lang naten maswerte na tayo eh d bale na hirap sa buhay
 
Piece of advice. Mothers know what is best for her children. Sundin mo lang Mama mo before everything is too late. Kung kaya mo ng mabuhay wala magulang mo dun mo na sabihin na may right ka ng mainis sa kanya..
 
wala din naman pinagkaiba yan sa mga may kapatid. katulad ko, panganay ako. sumunod sa akin ay babae at bunso namin lalaki. nung nasa highschool (90s) na ko, they let me lived like a free man. basta ang usapan namin, walang uuwi ng nakainom at nakipag-away. from 1st year to 4th year, ganon ang siste ng buhay ko. naging dancer sa school namin, kaya minsan late na kami nakakauwi kasi nagpapractice kami ng sayaw. minsan 8pm na ko umuuwi ng bahay pero tatanungin lang nila ko, sinasabi ko galing kami sa practice. takot akong gumawa ng kalokohan kasi tumatak na sa isip ko na di ako dapat uminom, magyosi or makipagaway kasi maluwag na nga skin ang nanay at tatay ko kaya di ko sasayangin. until now im 40 years old, di ko talaga natutunang mag-bisyo kahit kailan. umiinom ako pero kpag misis ko lang kasama ko. pakonti konting san mig light, minsan hati pa kami ng misis ko sa isang bote. Naalala ko yung pinsan ko, kapitbahay namin, pagdating ng 5pm, sumisitsit na yon, kaya dapat umuwi na sila. they ended up na nag-asawa ng maaga at di mga nakatapos ng pag-aaral.kaya na-realized ko dati na di pala talaga dapat sobrang higpit sa mga bata, kasi kapag nasakal, sigurado mawawalan ng direksyon ang buhay. pero depende na sayo yan. naging broken family din kami nung nagcollege na ko, pero di pa din nawala yung prinsipyo ko na di ako gagawa ng kalokohan at di ako magrerebelde para lang mapansin ako ng magulang ko.
 
Ako ts, kahit na rapper ang mama ko, kung ano ano ang sinasabi tungkol sa akin, natutuwa pa ako eh, dahil alam kong mahal nya ako, pinaiintindi nya lang sa akin ang Lahat ng bagay, nilalambing ko pa nga eh, yang sayo, natural na yan sa isang magulang iniisip nya lang ang kinabukasan mo, Hindi ka lang nya Kayang ipariwara kung baga Hindi ka matulad sa Ibang anak, Iniisip nya lang na maganda ang buhay mo in the future,

Kahit na maingay ang mama mo, huwag mong pagsalitaan o ano Pa man, Igalang mo dahil sya ang lyong ina😁
 

Similar threads

Back
Top