What's new

Sino nakasubok na maglaro ng Ouija Board?

Nakakacurious lang din kasi, ayun malay natin may mag share ng experience maliliwanagan na tayo. 😁
 
[XX='markienza, c: 502937, m: 568686'][/XX] Kamusta na kaya yun ngayon? Buti nalang talaga noh di tayo nagbukas. Panigurado pag nalaman ng mga multo nakikita mo sila baka di kana nila tigilan. Yun yung kinakatakot ko ehy whaha pero may mga nababasa ako noon mga nasasanay nalang sila tapos dinededma nalang daw nila.
 
Yan talaga sabi nung classmate ko sanay na daw sya makakita ng kung ano ano haha parang baliw lang kung iisipin pero kakatakot
 
Meron akong kinalaro ng ganyan noon di ko siya kilala niyaya niya ako mag laro ng ganyan hanggang gumalaw yung ano ko basta, kinalabit nya kase kaya basta nakapaglaro na ako ng ganyan dati.
 
Mama ko, pero ingat kasi may diablo na palagi nasa tabi natin, gateway kasi yan sa ibang mundo. bago ka maglaro nyan hanap ka nang islam at kristyano na marunong nang sumpa niyan. kailangan kasi kristiyano atislam na marunong sumumpa niyan kung sakaling diablo ang makakausap ninyo. Bakit kasi nakasaad din sa bibliya at quran na iisa lang ang pinanggalingan nang relihiyon na yan. Kung isasaliksik mo konektado sa summerian yan. Ang Ouija ay totoo at ito ay isang dark magic. Isang Our father in heaven at 3 Holy mary and Hail mary NOTE no Amen kasi dark magic ito o dark ritual. Ito ay ginagamit din sa mga alay para tawagin ang diyablo na inaalayan mo sa alay. Kaya mabisa itong pantawag nang mga kaluluwang ligaw hanggat nasa mundo pa sila. Pero Tandaan mo may mga Diyablo sa paligid na maaring magpanggap na kaluluwa na hinahanap mo kasi nababasa nila ang isip mo at kapag may isang mahina sa inyo ay siyang papasukan nang espiritu gaya nang mama ko na hanggang ngayun ay may kaluluwang nagbabantay sa kanya mula nang napasukan siya nang kaluluwa nang naglaro sila nang Ouija way back 1989 pa bago pa ako isinilang sa 1990.
 
Last edited:
[XX='PhJoemar, c: 505987, m: 240752'][/XX] Bukas na ang third eye ko paps
Minsan nakikita ko tao nakatalikod pero pag gumalaw na naging usok gaya sa sigarilyo. tapos nakakita na ako white lady nakatalikod nga lang. at saka santelmo paibaiba kulay malamig na kulay ang apoy.
 
Last edited by a moderator:
[XX='19h4wks3y390, c: 506050, m: 1752784'][/XX] gastigg anong ginagawa mo pag nakaka encounter ka, may times ba na kakausapin ka nila? Buti wala namang sumusunod sayo yung tipong di ka nilulubayan.
 
kapag wala kang mata, o tenga, o ilong, o kamay, hindi mo maiintindihan ang pwedeng mangyari kapag gumamit ka ng ouija board
 
[XX='PhJoemar, c: 506158, m: 240752'][/XX] medyo natatakot pero pasalamat nalang ako at di sila lumilingon. pinakaastig yung naging usok ang tao na nakita ko paps
 
[XX='markienza, c: 506389, m: 568686'][/XX]
Yung mama ko nakagawa nang apoy from nowhere nang dibsinasadya bata pa ako noon, mga 1997 yata yun galing mama ko nagtitinda nang ukayukay pagdating niya sa bahay daming kapitbahay nakitambay kasi kami pa kasi may tv noon. May kurtina ang lalagyan nang tv, wala namang sinindihan noon. Pagkadating ni mama galit na galit siya bakit ang daming tao.
Ako naman nasa likod nang estante na may kurtina naglalaro nang mercury nabasag kasi yung thermometer para sa may lalagnatin. Nang biglang nagliyab ang kurtina nataranta sila lahat pati mama ko nagulat sa nagawa niya.
 
Ang masasabi kolang wag nyong paglaruan ang larong ouija kasi buhay ang kapalit niyan it's either magiging manggagamot ka o mamamatay ka.

Sa kaso ni mama naging manggagamot siya pero hindi siya nanghihingi nang pera pero basi sa mga nagamot niya nalulunasan lang sila pag may binigay sila kay mama kahit ano parang barter kumbaga, pero hindi nman naniniwala si mama basta gagaling lang sila masaya na sya. May mangagamot kasi na nkakita kay mama dati ang sabi makakapag gamot kalang bawal humingi nang bayad pero pag may binigay tanggapin daw at pag wala ok lang din.
 
[XX='19h4wks3y390, c: 506404, m: 1752784'][/XX] Kaya pala may ibang mang gagamot talaga yung iba yun pala dahilan, medyo nagkakaideya na ako ano mga ganap sa likod ng lahat ng yan. Kaya pala rin yung iba na naglalaro ng Ouija walang nangyayari kasi yung kasama nila hindi naman mga kristyan at islam. Kung makakita man ako ng mga ganun na bigla nalang maglalaho na parang usok haha panigurado di ko rin makakalimutan yun. Salamat sa paalala kahit nung bata palang ako diko nilaro yan ayoko ipahamak sarili ko sa ganyang bagay. Ikaw rin ingat sa mga nakakasalamuha mo baka kasi di mo alam ikaw lang pala nakakakita sakaniya.
 
[XX='PhJoemar, c: 502785, m: 240752'][/XX] Wala naman, nagtakbuhan kame pero nagsisihan kung sinno gumalaw non hahaha, walang umamin pero alam ko tlaaga isa sa mga kaibigan ko🤣.., actually nakakamiss nga noon kasi every time na kwentuhan/ takutan kami,di mawawala ang kalokohan at kasiyahan noong kabataan days haha..
 
Back
Top