What's new

Sino gusto magpagawa ng tula?

onyok08

Honorary Poster
Established
Joined
Jan 9, 2018
Posts
757
Reaction
129
Points
249
Guys baka may gusto sa inyo magpagawa ng tula? Syempre hindi libre HAHA, pero kayo na bahala kung magkano ba kaya nyo.

pakibasa na lang ng sample sa ibaba.

LAGI SA SIMOY NG HANGIN

Lagi kang nadarama san man dumako ang paningin
Lagi kang nadarama kahit mawala man ang paningin
Lagi kang nadarama kahit sa pagtulog na mahimbing
At lagi kang nadarama pagka't lagi kang kapiling

Lagi kang naririyan anumang alon ng panahon
Lagi kang naririyan mula noon hanggang ngayon
Lagi kang naririyan walang pagsilang pa noon
At lagi kang naririyan wala pa man ata ang panahon

Ngunit ikaw ay hindi matanaw kahit lagi kang naririyan
Ngunit ikaw ay hindi matanaw at hindi mapagmasdan
Ngunit ikaw ay hindi matanaw ni hindi man mahawakan
Ngunit ikaw ay hindi matanaw kahit lagi kang nararanasan


Pa rate na lang ng gawa ko kung maganda ba 😁
 

Similar threads

Back
Top