What's new

Single after ng 7 years relationship.. pano maging ok ulit?

this is why i don't do relationship karamihan lokohan lang.
dapat may mga kontrata or straight to the point if ever landia or serious ang gusto
 
Magpakabusy. Focus sa work or any activities. Rebuild yourself. Wag mo habulin yung nawala. Wag mo rin hanapin yung kulang. Then magugulat ka nalang bigla nalang ibibigay sayo ni Lord yung para sayo talaga.
 
Only time will tell ts, hayaan mo muna na mag heal ka. Dadaan at dadaan ka talaga sa ganyang sitwasyon, yes painful pero siguro isipin mo na lang na worth it naman yan to find the right one for you. Dadating yung time na magpapasalamat ka na iniwan ka nya dahil yung mapupunta sayo ay mas pa sa kanya.
 
Same bro 7 years din samin this Dec lang din uso ata ngayon to dami ko rin kilala naghiwalay last month at ngayong taon 🤣. Masyado kasi tayong naging kampante akala natin di na mag babago akala natin hanggang dulo na pero wala tayo magagawa bro. Rather than pointing finger better blame ourselves nalang bro, para makita natin ang pagkukulang at pagkakamali natin. That way para sa susunod na relationship natin di na natin ulitin ang pagkakamali natin. Payo ko lang sayo bro, wag mo na isipin muna na magkakabalikan pa kayo kasi mahirap na yan, mahirap pa yan. Trust bro nasira na and it takes forever to build that trust again, konting mali lang magawa ng ex mo ma ttrigger at mattrigger ka nyan. Ipagpasa Diyos mo nalang muna yan bro. Pero medyo okay naman ako kasi nasapak ko naman 🤣
 
magluksa ka muna TS, ayos lang masaktan...
pero dapat panandalian lang yan...
di titigil ang buhay dahil malungkot ka...
 
Kaya mo yan lods . Ako nga 10 years nawala lng ...bigla .. ..💔💔
always pray and move forward..
 
ganyan talaga lods.
wala talaga sa tagal din yan.
kapag hindi na masaya at may ibang nagpapasaya . baliwala yung mga panahon na pinagsamahan nyo.
pag once namili ang girl yun na talaga .
kapag piling mo pagod na isip mo magpahinga ka.
kapag mabigat na yung ****** mo iyak mo na.
gagaan din yan
 
Hindi ko matandaan kung ilang beses ako umiyak ng umiyak sa past relationship ko na 8 years
Tapos wala pa kami maayos na closure but we still friends nag uusap ng parang walang nangyare at hanggang sa nawala nalang siya 😞
 
same feelings 7 years din ako, sinamahan ko siya sa mga pangarap niya, nuong nag uumpisa palang siya dito ako at nakasuporta, 3 years kami noong una siyang nag cheat sakin, pero binigyan ko pa ng second chance hanggang tumagal kami ng 7 years na akala ko nagbago na, pero once a cheater is always a cheater talaga, ngayon naabot na niya ang mga pangarap niya, ginawa lang pala akong inspiration pero di ako ang katapusan. 😄 lang hiya yun. di na ako nag closure ayaw ko na kasi ng maraming drama.
 
ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo, iiyak lahat ng lungkot once na naubos lahat yan, doon na mag uumpisa ang process ng paghihilom ng sugat sa puso, work hard abutin mo mga pangarap mo na di mo magawa gawa. Focus sa goal hanggang sa mawala ang sakit
 
Back
Top