What's new

Help Sinalo ko po ung motor ng Uncle ko.

Shaia08

Addict
Joined
Aug 26, 2019
Posts
278
Reaction
65
Points
119
Hello guys help naman po paano gagawin ko. Sinalo ko kasi Yung motor ng Uncle ko mag 2 weeks pa lang sakin, na gamit na niya Yung motor almost 2 months. Ito ung problema ang due date ng pag babayad every 29 nakuha ko sa kanya ung motor nung 18 tapos ngayon ginigipit niya ako. Alam ko naman responsibility ko sa pag babayad sinabihan ko naman within today bago mag due bukas mag babayad ako after ng work ko kaso sobrang kulit niya sa pag reremind sa pag babayad. May sinabi pa siya na Yung dalawang ginarantoran niya Di pa nag babayad haha takin na daw kasama Yung motor ko kung di ako makakapag Bayad till bukas.

Ano po ba gagawin ko nabibwisit na ako sa tito ko na balak ko na lang pahatak Yung motor. Tanong ko na din po ma babalik pa po ba sakin Yung binayad ko sa uncle ko na dp ng motor kahit 2 weeks ko pa lang nagagamit?
 
binayaran mo na ba? kung bayad mo na pabalik mo sakanya bayad, kalokohan yan na bebenta nya sayo tapos sa 29 na pala agad ang due date inuuto ka ng tiyuhin mo pabalik mo
 
ipahatak mo na lang at bumili ka ng iba na sariling diskarte mo lang, hindi yung ganyan na daming-dami pampagulo
 
Opo binayaran ko yung Dinown payment niya sa motor so bali ako na po yung sasalo. Alam ko naman responsibility ko na bayaran before due. Kaso ma kulit siya lagi sa pag reremind ng payment Di ko naman si sirain pangalan nya sa casa
 
Nakita ko po kasi sa story niya pinapasalo Yung motor so ako naman tinanong ko kung avail pa. Tapos nag usap kami na ako na lang sasalo. Binayaran ko ung dinown nya sa motor. Problema sinabi na niya lang sakin na due date na sa 29 nung kinuha ko ung motor sa kanya 😭😭
 
[XX='Shaia08, c: 1400146, m: 1555809'][/XX] ewan ko sa usapan nyo ng tiyuhin nyo pero wag ka na pakaasa unless gusto mo rin sumakit pa ulo mo
 
Sayang din po kasi 2 weeks pa lang nagagamit ung motor. OK naman ako sa bayaran kaso ung gigipitan ako dun ako napipikon na kala mo Di ako mag babayad Di ko na problema kung tinakasan siya nung ginarantoran niya
 
Wala na po ba pag asa makuha ko ung binayad ko sa uncle ko? 2 weeks ko pa lang nagagamit ung motor e 😭😭
 
ipakuha mo nlng. hirap ng situation lalo na pag may ibang tao kasama. bka sa huli ikaw mag sisi.. dami nyo din guarantor isa kba dun? kung hindi okay lng mag let go..
kung ikaw lng nag babayad pede mo naman ipangalan sayo. punta ka lng dun sa pinagkuhaan nya kung papayag..
 
bawiin mo bayad, dapat di ganun kasi alanganin yung due date, unless kung mabayaran mo agad, kaso hirap yan kasi pati yung ginarantoran niya ikaw gigipitin dahil kung di ka makabayad sila kukulitin, mag kano ba dp nya? kung mababa lang pahatak mo na
 
[XX='a s a r k a n a b a, c: 1400229, m: 549772'][/XX] 4k po yung nabayad ko sa uncle ko. Tapos Yung mga ginarantoran niya Di pa naghuhulog sa casa kaya sabi ng branch manager hahatakin Yung mga motor nila kasama sakin kung di ko babayaran till tomorrow. Kung pa pahatak ko po ba mababalik pa ba Yung dp na binayad ko sa uncle ko?
 
Motor niya po na sinalo ko tapos nag garantor siya ng dalawang tao ung dalawa na yun Di pa nag babayad ng monthly due nila so kinukulit Yung uncle ko kasi siya naka pangalan dun. Ang prob ko bakit pati ung motor na sinalo ko sa kanya hahatakin agad kung di ko mabayaran bukas ung due. Ginigipit ako ng Uncle ko kasi Ginigipit din siya ng casa sa dalawang tao na ginarantoran niya
 
[XX='Shaia08, c: 1400266, m: 1555809'][/XX] Nakadepende yan sa uncle mo kung ibabalik nya, pero parang s ugali ng uncle mo malabo na mabalik yun
 
nasasayo na dpt lahat ng desisyon jan paps, wala na sya paki elam, kasi binayaran mo na sya eh, kung mahatak wala na sya don.
stupid uncle!
 
Pina hatak ko na lang. Sakit sa ulo pag pinag bigyan ko pa. Sa susunod ganun ulit gagawin nyan. Gulo kausap
 

Similar threads

Back
Top