What's new

Si Jesus ba ay Mas Mababang Nilalang ng Diyos o mas mababa sa Diyos?

Mind Palace

Eternal Poster
Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
329
Si Jesus Daw ay Mas Mababang Nilalang ng Diyos?

Hindi.

Sa lahat ng nilalang ng Diyos, si Jesus ay masasabing espesyal. Dahil siya ay tuwirang nilalang ng Diyos.

Sinasabi sa atin ng Colosas 1:15,

Ang Dating Biblia (1905) Colosas 1:15 Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

Ipinakikita ng salitang "panganay” na si Jesus ang pinakauna sa lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos. Oo, siya ay tuwirang nilalang ng Diyos.

Pagkatapos niyang mamatay bilang tao at buhaying-muli bilang espiritu ng kaniyang Ama, si Jehova, binigyan siya ng pangalang nakahihigit sa lahat.

Mga Taga-Filipos 2:9
At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Gayundin, binigyan din siya ng Diyos ng nakahihigit na kapangyarihan at awtoridad sa lahat.

Mga Taga-Efeso 1:21-22
Kaya't nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya.

Kaya, hindi itinuturo ng Bibliya na si Jesus ay "mas mababang nilalang ng Diyos.”

Gayunman, bagaman si Jesus ay nakahihigit sa lahat. Hindi ito nangangahulugan na mas makapangyarihan na siya sa Diyos na lumalang sa kaniya.

Ganito ang sabi ng 1 Corinto 15:27

[27]Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.

Kaya, si Jesus ay mas mababa sa Diyos, hindi sa mga nilalang ng Diyos. Magkaiba po ang bagay na iyan.

Katunayan, ipinapakita din ng hula sa 1 Corinto 15:28, na kapag natapos na ang atas ni Jesus bilang Hari sa Kaharian ng Diyos, ibabalik na niyang muli ang awtoridad at kapangyarihan na iyon sa kaniyang Ama.

1 Mga Taga-Corinto 15:28
At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.

Ngayon ang tanong, dahil ba binigyan ng Diyos si Jesus ng nakahihigit na kapangyarihan at awtoridad, ibig bang sabihin nito, siya na ang dapat nating sambahin?

Ganito ang itinuro ni Jesus sa Mateo 4:10 (The Divine Name King James Bible)

Then saith Jesus unto him, Get thee hence, Satan: for it is written, Thou shalt worship the LORD,( Jehovah Deu 10:20 ) thy God, and him only shalt thou serve.

Kaya, sino ang sinabi ni Jesus na dapat nating sambahin?

Gaya ng sabi sa teksto, walang iba kundi ang PANGINOON, (si Jehovah)

Kung ito ang nakasulat sa Bibliya at ito ang sinabi ni Jesus, dapat mo ba itong pag-alinlanganan? Hindi ka ba maniniwala sa sinabing ito ni Jesus? Kanino ka mas maniniwala, sa mga taong nagsasabi na si Jesus ang dapat sambahin o kay Jesus mismo?

Kayo na pong bahala na magpasiya.
 

Attachments

Similar threads

Back
Top