What's new

Si jesus ay gawa-gawa ng demonyo?(conspiracy theory)

ketano

Addict
Joined
Mar 29, 2021
Posts
168
Reaction
84
Points
121
hi guys tanong lang may conspiracy ako AHHAHAHAHAHAHA so tinetest tayo ni god diba what if ginawa lang ng demonyo si jesus para matest yung pananampalataya natin kay god at maling diyos na yung sinasamba natin test lang sya kung sasamba ba tayo sa iba kapag nagmilagro na sila at sinabi nilang sila yung daan para makarating sa langit, what if if it's all a lie afterall remember that demons lie kasi if mahal tayo ng diyos wala na dapat na daan kumbaga dapat deretso na tayo sa kanya mag pray and a lot of children forgets that jesus is not the God. Thank you pasagot po naguguluhan ako HAHAHAHAHAHAHAH
 
nope, kaya nga may kasabihan 'god is good all the time, and all the time god is good" wala naman ginagawang mabuti ang demonyo
 
Hindi ako naniniwala na tinetest tayo ng Diyos hanggang sa ngayon, gaya ng sabi ng Bible,

“Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso: Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man.” (Santiago 1:13)

Kumusta naman yung pagsubok na ginawa ng Diyos kay Abraham?

Sinubok ng Diyos si Abraham may kinalaman sa pananampalataya nito, bagaman, pinigilan niya ang masamang bagay na puwedeng mangyari—ang pagpatay sa anak nito. Ipinagawa ito ng Diyos kay Abraham upang maipakita kung gaano kahirap para sa isang ama ang pagsakripisyo ng sarili nitong anak, oo, ang Diyos na siyang Ama ng lahat ay nagsakripisyo din sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaniyang minamahal na Anak na si Jesus dito sa lupa upang magsilbing pantubos para sa mga tao.

Pero baka maitanong mo:
• Bakit ba namatay si Jesus?
• Paano siya naging pantubos para sa marami?

May mga link dito sa baba. I-edit mo lang itong link, alisin mo lang yung space.

https:// www. jw. org/tl/turo-ng-bibliya/mga-tanong/bakit-namatay-si-jesus/

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. jw. org/tl/turo-ng-bibliya/mga-tanong/jesus-hain-pantubos/
 
pano naman po si job? diba kaya pinayagan ng diyos si satanas para tuksuhin at bigyan ng mga sakit tas sinakripisyo nya rin po lahat iniwan sya ng asawa nya para ma test yung faith nya kung isusumpa nya si God
 
[XX='ketano, c: 1278452, m: 1842435'][/XX] Totoo yan. Pero hindi pinayagan ng Diyos si Satanas na galawin si Job.

Totoo na dahil sa pagpapahintulot ng Diyos na subukin ni Satanas si Job ay nagresulta ito sa kamatayan ng mga anak niya, pero, hindi ibig sabihin nito na hindi na ibabalik ng Diyos ang buhay ng kaniyang mga anak.

Ang totoo, umaasa si Job na bubuhaying-muli siya sa hinaharap, siyempre, kung umaasa siyang bubuhayin siyang muli, malamang na umaasa din siyang makasamang muli ang mga minamahal niya.

Pansinin mo ang naitanong ni Job at ang pag-asa na inaasam niya:

Job 14:14, 15
Kung mamatay ang isang tao, mabubuhay pa ba siyang muli? Sa lahat ng araw ng aking sapilitang pagtatrabaho, maghihintay ako Hanggang sa dumating ang kaginhawahan ko. Tatawag ka, at sasagot ako. Mananabik ka sa gawa ng iyong mga kamay.

Kaya, tiwala si Job sa kaniyang Diyos. Alam na alam niya na ang Diyos ay Makapangyarihan-sa-lahat, kaya, nasabi ni Job, mamatay man siya, tatawagin siya ng Diyos mula sa kamatayan, at pag binuhay na siyang muli, oo, sasagot si Job.

Kaya, totoo, namatay man ang mga anak ni Job dahil sa pagpapahintulot ng Diyos na subukin siya ni Satanas, pero, ang Diyos, na Diyos ng mga buháy, ay hindi pahihintulutan na habang panahong mananatili ang mga patay sa libingan dahil sa kamatayan. Sa hinaharap, kapag ang Kaharian na ng Diyos ang namamahala dito sa lupa, magkakaroon ng pagkabuhay muli ng mga patay dito sa lupa.

Kung nagkaroon ng walang-katarungang kamatayan ang mga tao na resulta ng pagkakasala nina Adan at Eva sa lumang sistemang ito na kinabubuhayan natin, sa darating na bagong sistema, sa panahon ng pamamahala ni Jesus dito sa lupa, magkakaroon ng katarungan anupat yaong mga namatay nating mahal sa buhay ay bubuhaying-muli at bibigyan ng pagkakataon na makilala ang Diyos at maglingkod sa kaniya taglay ang mabuting kalusugan, at buhay na walang sakit at kamatayan.

Gaya ng sabi ng Bibliya,

Gawa 17:31
Dahil nagtakda siya ng isang araw kung kailan hahatulan niya ang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking inatasan niya [si Jesus], at bilang garantiya sa lahat ng tao, binuhay niya siyang muli.
 
Gamitan ko na lng ng logic. Kung may gusto kang iparating na mensahe sa Presidente makakausap mo ba sya ng deretsahan o ora-mismo? Hindi dba? Ipagbibigay alam o makakausap mo muna sa Secretary.

Kapag nananalangin tayo kailangan sa pamamagitan lamang sa pangalan ni Jesu-Kristo. Kung gusto mo naman maligaw o sa ibang diyos iparating ang panalingin mo manalangin ka sa pamamagitan ng imahen, pwde din santo, anghel o sa mga ninuno.

Magulo nga ts. Nagka halo-halo na. Pero yang mga sinabi ko nagbase lang ako sa pagkakaintindi ko sa mga sinabi mo. Na sa tingin ko related naman sa mga sinabi mo. 😅
 
Dagdag ko lang base sa thread title.. mas naunang nilalang ng Diyos si Jesus sunod naman yung mga espiritung nilalang o mga anghel kasama na diyan si Satanas. Kaya imposible mangyari yang conspiracy theory mo. 😅
 
I agree with the logic that you need to approach a secretary in order to send your message to the president and we also know that both the president and the secretary exist unlike jesus and the imaginary sky daddy that people are praying to, same to every entities of worship of every organized religion that exist. Therefore you're logic about the president and secretary cannot be applied to something that do not exist until it was proven.
 
[XX='crimepoet, c: 1279782, m: 1799670'][/XX] may tanong ako sayo bakit hindi ka naniniwala na may Diyos?
 
[XX='Patient Zero, c: 1279814, m: 1241817'][/XX] why should I believe on something that is not proven? Bakit hindi ka naniniwala kay Zues o kay Odin?
 
May pruweba ako na umiiral ang Diyos, Iisa lang ang pinaniniwalaan kong Tunay na Diyos wala ng iba pa.
 
may pruweba rin ako na totoo si harry potter. alam mo yun yung libro kasi kung libro lang ang basihan as proof lahat ng fictional character totoo pala.
 
Isa yan pero meron pa.. ang pag-iral natin, ang kalawakan, hindi mabilang na mga bituin malamang may Isang matalinong persona o nag desenyo nyan hindi naman siguro basta-basta na lang tayo umiral mula sa wala. tama?
 
dahil lang di mo mabilang bituin sa kalawakan, diyos na kagad sagot? ganyan din ang sinasabi ng mga sumulat ng baybol noong hindi nila maipaliwanag kung paano nagkakaroon ng rainbow, saan napupunta ang araw tuwing gabi, bakit nagkakaroon ng tagtuyot at epidemya kaya nagsulat sila ng libro para hindi na sila mag-isip.

sino naman ang matalinong dumisenyo sa sa matalinong persona na dumisenyo sayo? kung hindi pala maaaring magkaroon ng kahit na ano ng walang gumagawa, natural lang na dapat meron ding gumawa sa dumisenyo sayo at kung sino man ang dumisenyo sa dumisenyo sayo ay meron ding dumisenyo sa kanya at yung dumisenyo sa kanya ay meron paring mas nakakataas na dumisenyo dahil sinabi mo na hindi maaring magkaroon mula sa wala.
 
[XX='crimepoet, c: 1279868, m: 1799670'][/XX] walang iba kundi ang Diyos at may Pangalan Sya. Siya ang nagdisenyo ng kalawakan, araw, milky way, bituin, mundo at tayong mga tao. Ngayon naniniwala ka na ba na may Diyos?

May tanong ulit ako naniniwala ka ba na ang Bibliya ay galing sa Diyos?
 
walang iba kundi ang Diyos at may Pangalan Sya. Siya ang nagdisenyo ng kalawakan, araw, milky way, bituin, mundo at tayong mga tao. Ngayon naniniwala ka na ba na may Diyos?
hindi. bat ako maniniwala sa "no offense but" pure nonsense na to? Kung binasa mo yung tinaype ko at inintindi mo, hindi ito isasagot mo sakin.

May tanong ulit ako naniniwala ka ba na ang Bibliya ay galing sa Diyos?
Hindi? bat ako maniniwala na yung baybol nyo ay galing sa juice kung hindi ako naniniwala sa lahat ng juice ng lahat ng religion sa buong mundo? Included na rin to sa tinaype kong nauna. intindihin mo kasi.
 
dahil lang di mo mabilang bituin sa kalawakan, diyos na kagad sagot? ganyan din ang sinasabi ng mga sumulat ng baybol noong hindi nila maipaliwanag kung paano nagkakaroon ng rainbow, saan napupunta ang araw tuwing gabi, bakit nagkakaroon ng tagtuyot at epidemya kaya nagsulat sila ng libro para hindi na sila mag-isip.
hindi. bat ako maniniwala sa "no offense but" pure nonsense na to? Kung binasa mo yung tinaype ko at inintindi mo, hindi ito isasagot mo sakin.
Yung halos lahat ng sinabi mo wala tlaga ako maisagot dahil di ko pa nasusumpungan yan sa Bibliya.

Hindi? bat ako maniniwala na yung baybol nyo ay galing sa juice kung hindi ako naniniwala sa lahat ng juice ng lahat ng religion sa buong mundo? Included na rin to sa tinaype kong nauna. intindihin mo kasi.
Pasensya na naging padalus-dalus ako sa pagtatanong.

why should I believe on something that is not proven? Bakit hindi ka naniniwala kay Zues o kay Odin?
Gusto ko lang tong balikan ngayong nagbigay nako ng iilang patunay na umiiral tlaga ang Diyos na Syang lumalang sa atin at sa kalawakan at sa marami pang bagay.. ang kaso di ka parin kumbinsido na Diyos ang may gawa nun. Magbibigay pako ng iilan pang patunay. Patunay dyan ang hangin, gravity at tunog. Hindi natin nakikita mga yan pero naniniwala tayo na umiiral sila. Katulad din yan sa Diyos.

Kung hindi ka parin kumbinsido at yan na talaga ang paniniwalaan mo nirerespeto ko ang naging pasya mo. Wala ng pwde pang pag usapan inilatag ko na ang mga ilang patunay na may Diyos kaso di ka parin naniniwala. The end na. 🙂
 

Similar threads

Back
Top