What's new

Closed Share ko lang

Status
Not open for further replies.

Falln

Forum Veteran
Joined
Mar 16, 2016
Posts
1,883
Reaction
280
Points
742
Balik Tanaw

naalala n'yo to?, mga panahong tayo ay nasa paaralan
'pag humingi ng papel ang isa, yung iba, tiyak, hihingi rin mga 'yan
at ang pasahan ng sagot at kung pa'no kumopya ay kanya-kanyang paraan
'pag may proyekto laging nagkikita pero 'lang nagagawa 'gang pasahan

nagbabasagan, asarang walang, patid kapag si crush ang napadaan
sa ibang klase dadayo pa 'yan. makasilay lamang, laging nagaabang
pero sa takdang aralin natin bakit laging wala nang oras na malaan?
kokopya na lang sa iba, babaguhin ng konti para 'di halatang gaya lang

at 'pag ka naman, wala pa si ma'am, pagkukumpulan naman kalakaran
magkuk'wentuhan kung s'an ang galaan. mula seryoso 'gang magkatawanan
masusungit na guro ay babansagan ng kung anong tayo lang nakakaalam
sarap balikan ng mga nagdaan, panahong tanging problema'y pagpasa lang

kung p'wede lang pumasok ulit para maibalik mga dating nararamdaman
saya na tila wala nang hanggan, kung s'an nabuo ating barkadahan
buti may okasyon na katulad nito, bigat ng pananabik ay napapagaan
tara sabi ko, kayo ay maupo, sabay nating sariwain ang nakaraan
halika
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top