What's new

Share ko lang sama ng loob ko

Kolosus

Addict
Joined
Sep 26, 2017
Posts
37
Reaction
11
Points
77
ala namang nakakakilala sakin dito kaya dito ko nalang illabas sama ng loob hahhaha.

isipin nyo nasa college ako(M23) at yung kapatid kong babae (F21) at may sideline para masuportahan yung maliliit na bagay na gusto naming bilhin or paglaanan ng pera, maliit na tulong lang yun sa mama kong nag tnt sa korea para mapag aral kaming 3 magkakapatid , tapos eto namang tatay kong walang ibang inatupag kundi asikasuhin yung mga kalapate nya. di naman sa ayaw ko ng kalapati pero, shet pera ng mama ko na pinaghirapan nya sa korea ng ilang taon pinang gagastos lang sa walang katuturang bagay? buti kung may trabaho sya eh, kaso wala. lagi nyang kinakatwiran matanda na sya at wala nang kukuha sa kanya para mag trabaho kaya pabigat nalang sya samin. tapos siya pa may kapal ng muka para sabihin sa bunso namin(M 11) na walang pake mama namin samin eh samantalang lahat ng nagastos nya sa luho nya galing sa mama ko.

pinaka malaking insulto samin ng kapatid kong babae, dumayo pa papa namin mula probinsya hanggang dito sa boarding house namin sa cebu city para sabihan kami na wala na syang mahingian ng pera at pinagbabayad sya ng homecredit nung december 25. nung narinig ko yun di para akong sasabog. pero di ako naglabas ng galit sa kanya sinabi ko lang na di ako ang makaka tulong sa kanya yung mama ko lang, which is ayaw nyang sabihin ko sa mama ko dahil matutuwa pa daw yun pag nalamang makukulong sya sa utang, nag assume pa sya mama ko lang matutuwa HAHHAHA anyway dumating yung december 25 nagpadala yung mama ko ng pang bayad at allowance, kulang2 nasa 70k din yun, 20k samin ng kapatid kong babae para sa Boarding at utilities, at 50k sa papa ko para sa utang daw at gastusin nila sa bahay sa probinsya. eto yung araw na nawalan na talaga ako ng pag asa sa tatay ko dahil parang sinunog lang yung allowance nila tapos samin na college student lang na may sideline hihingi ng "sobra" dahil daw may trabaho kami kaya samin nya iaasa yung utang nya pati yung pagkakalapati nya. di man lang nya naisip na sa lahat ng ginawa namin para manlang mapagaan yung gastos ng mama ko samin kahit sa personal naming gusto eh kami na gumagawa ng paraan tapos etong tatay ko parang wala lang kung makahingi samin ng pera kala mo may pinatabi.

Ang malala pa nung nanghihingi sya ng tulong sa mga tito ko dito sa cebu para pahiramin sya, nakwento nya sa kanila kung pano daw kami pinabayaan ng mama ko at panong "nilumpo" daw sya ng mama ko kaya di sya makahanap ng trabaho, gagi tinanong sya ng tito ko nun eh kung anong ambag nya saming magkakapatid kasi sagot nga naman ng mama ko yung financial needs namin as magulang, sumagot tatay ko presenysa nya lang daw ambag nya saming magkakapatid HAHHAHAHHAH gagi eh trauma nakuha ko dahil sa mga pag mamanipula nya at pang gagaslight ngayon binebrain wash nya bunso namin para may kakampi sya at makita sya ng kapatid ko na mabuting ama sya.

di ko lang alam kung hanggang kaylan ako tatagal sa sitwasyon namin, kasi sanay akong sinasandalan ng mga kakilala ko eh, kapatid at kaibigan ko sakin nagsasabi ng mga bigat na nararamdaman nila pero ako walang masabihan kaya andito ako, for some reason hilig ko mag share ng problema sa di ko kakilala HAHAHHA. ayun SKL
 
hmmm tatay mo parin yan hehe prangkahin mo na kasi lalong lumalala paps yang tatay mo baka sa sunod milyon na babayaran mo
mahirap prangkahin boss, kamao nagsasalita sa kanya eh. kaya hanggang tiis lang ako hanggang kaya ko nang isampal sa kanya yung tagumpay na makakamit ko, sa ngayon buntong hininga nalang muna. hawak nya rin kasi bunso namin kaya ayaw ko magsalita na gagamitin nyang dahilan para mawala tiwala ng bunso namin sakin
 
Magsikap ka TS, abutin mo ang pangarap mo kung kaya mong mag business gawin mo, pag naging successful na business mo kunin mo Mama mo sa korea, kung di talaga kaya share mo sa Mama mo na gusto nyong dalawa sumama din sa kanya sa Korea after graduation nyo at doon na makipag sapalaran..
 
Mas malala tatay ko jan,4 na naluging proyekto sa local govt ang binayaran ng nanay ko tapos nabenta nya 4 na sasakyan namin at ultimo hardware na nakapangalan sakin pinalugi nya tapos sinuporta sa mga kapatid nya na may mga knya kanya namang pamilya. Ginawa ko bumili ako baseball bat hinampas ko sya sa muka, sang beses lang tapos naglayas ako buti may vpn prem at may mga browser kaya Buhay na Buhay ako hayun bumalik din dati kaayusan buti nabigyan ko leksyon tatay ko
 
Salamat sa sulat, ipapadala ko ito sa Magpakailanman, drama ito maganda 'to
di pa kaya magpakaylanman ongoing pa eh yung nafefeature dun naka ahon na or nabiyayaan na hahahaha

Mas malala tatay ko jan,4 na naluging proyekto sa local govt ang binayaran ng nanay ko tapos nabenta nya 4 na sasakyan namin at ultimo hardware na nakapangalan sakin pinalugi nya tapos sinuporta sa mga kapatid nya na may mga knya kanya namang pamilya. Ginawa ko bumili ako baseball bat hinampas ko sya sa muka, sang beses lang tapos naglayas ako buti may vpn prem at may mga browser kaya Buhay na Buhay ako hayun bumalik din dati kaayusan buti nabigyan ko leksyon tatay ko
wish ko din gantong lakas ng loob eh, kaso di kasi ako pala galit kaya di ko nalang alam ano kaya kong gawin sakaling masagad ako ayaw ko humantong sa ganun kaya kami nalang ng kapatid kong babae lumayo. parang front lang yung pag aaral namin para makapag bh reason talaga is dumistansya
 
Lucky naman ng tatay mo paps, buti nga eh di nag kabit yung mama mo sa labas sa pinaggagawa nya, laban lang po TS
 
Lucky naman ng tatay mo paps, buti nga eh di nag kabit yung mama mo sa labas sa pinaggagawa nya, laban lang po TS
sa totoo lang, kung meron man magugustuhan mama ko payag kami eh kung dun talaga sya sasaya support naman kami sa mama ko, partially papa ko rin dahilan bakit siya umalis eh, di nya daw matiis ugali ng papa kong mala santo dahil wala syang mali
 
Hindi mo ba sinusumbong sa mama mo? Lumipat kayo ng boarding house at wag sabihin kung san ang address. Cut mo ang contact sa papa mo at mama mo lang kausapin mo.
 
just ignore your dad boss, do not entertain person like that, kasi baka sa galit mo may masabi ka pa kaya wag na lang pansinin hayaan mo siya, be independent boss sikapin mong maging independent try to not bother your mother as well, improve your work na maging self sufficient ka, yun dapat palagi goal mo self-sufficiency and ignore all other people
 
aware
kapal naman ng tatay mo. HIndi ba alam ng nanay mo pinaggagawa ng tatay mo?
mama ko actually kaya lang naman siya di makagawa ng paraan kasi napaikot ng papa ko yung bunso namin kaya sa mata ng bunso namin masama mama ko. pati nga ata samin eh, kasi na threaten yung tatay ko sa pag bukod namin kasi di nya kami ma obserbahan or mautusan kung kaninong tito or tita nanaman ako hihingi para sa kanya.

Hindi mo ba sinusumbong sa mama mo? Lumipat kayo ng boarding house at wag sabihin kung san ang address. Cut mo ang contact sa papa mo at mama mo lang kausapin mo.
aware mama ko lods kaso wala pa syang magawa, kasi samin siya humuhugot ng lakas ng loob, pero sa BH malabo kasi kakasimula lang ng second sem namin at nakuha na lahat ng bakante karamihan malapit sa univ namin, pag nakuha namin bunso namin plano ko talaga cut off sa papa ko eh as in black out lahat ng connections
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top