What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Poems Share ko lang isa sa pinakapaburito kong poetry

H1tsu

Journeyman
Joined
Nov 9, 2020
Messages
83
Reaction
78
KARANGALAN

Bawat tao na nalikhang nabubuhay sa daigdig
May kani-kaniyang takdang kapalarang nakakamit...
Kung mahirap, dusa't luha ang kasali sa hinagpis,
Ang kamandag ng dalita ay pangiting tinitiis;
Datapuwa't sa kabila ng dalitang sakdal-pait
Ay naroon ang ligayang inaasam bawat saglit;
Kung mapalad ang mabuhay na ginto ang binabanig;
Ang mabuhay na may dangal ay lalo nang sakdal-tamis.

Huwag lamang mawawala sa tao ang kabaitan
Kahit dukha'y para na ring isang taong sakdal-yaman;
Ang totoo, pag ang tao ay may angking karangalan,
Limutin ma'y di malimot ang maningning na pangalan:
Pag ang tao ay marunong makisama't makibagay
Ay Isa nang putong ito sa sariling katauhan;
Di masama ang maghangad, kung ang nasa'y kabutihan,
Karangalan pa ngang lalo kung ukol sa inang-bayan.

Ang dakilang karangalan, kundi dakila ang may hawak Bulaklak na masanghaya at pabangong walang kupas;
Datapuwa't isang lasong pumapatay ang katulad
Kung ang puso't pagkatao ang may iwi'y budhing hudas;
Karangala'y Hindi ulang nayayari sa pangarap,
Ni hindi rin mga talang gabi lamang kung sumikat;
Karangala'y ang kawangis, mahalagang ginto't perlas
Na ang uri'y nasa taong bumibili't nag-iingat

Kung ang nasa'y karangalang busilak maganda
Ang paggawa at layunin, kailanga'y pagbabata;
Ugaliing maging tapat sa ano mang pagpapasiya,
Nang ang ganitong karangalan ay igalang Ng lahat na;
Kung totoong bawat tao'y mamamatay na talaga,
Kamataya'y Hindi natin nararapat ipangamba;
Pagka't bawat isang buhay na maglaho't

mamahinga,
Karangalan ang sa baya'y maiiwang mahalaga.


Isa sa pinakapaborito ko tong poetry noong high school ako kaso nakalimutan ko ang sumulat nito haha.:ROFLMAO:Sana di mawala tong talento nato ng Pinoy kahit
modern age na.
Share din kau ng paborito niong poetry
 

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,923
Guests online
1,809
Total visitors
3,732

Forum statistics

Threads
1,069,566
Messages
18,093,937
Members
1,515,144
Comments
1,069,173
Attachments
1,383,264
Profile posts
97,556
Top