What's new

Help Service Incentive Leave

Seidloif

God's Broken Masterpiece
Contributor
May tanong lang po ako, sino mga nagwowork sa BPO dito? Kase ako nasa ESL Company which is walang SICK LEAVE at VACATION LEAVE.

Masama pakiramdam ko kahapon kaya nag file ako ng immediate SERVICE INCENTIVE LEAVE at kalaunay di inapprobahan dahil kailangan daw ng med cert. Totoo po bang need med cert bago maka file ng service incentive leave? Akala ko kase ay for illness, injury at ibpa.

Sa mga maalam dyan, baka pwede nyokong tulungan. Balak ko kase magreklamo sa DOLE since unfair naman talaga. Anong ramdam nila sa tao? Di nagkakasakit?

Salamat po!
 
Naka 1 year ka na ba sa company?
ang alam ko pag SIL dapat atleast 1 year ka na sa company para magamit yun
pero kung wala ka pa 1 year, pwede naman magamit pero depende sa management kung payagan.
sa BPO talaga kailangan mag provide ng med cert para justifiable din ng management yun para sa client.
 
ravage

Administrator
palaging kailangan ng med cert, ganyan talaga dyan... kaya nung nasa bpo pa ako ang term na ginagamit namin kapag tinatamad magtrabaho pupunta sa doctor at "bibili" ng med cert
at dahil yung doktor eh affiliated sa health card na binigay sa amin ng kumpanya meaning pabor na pabor sa kanya "pag-bilhan" kami ng med cert
dadaing lang na "masakit ang lalamunan", "inuubo" or "nilalagnat" kaya hindi nakapasok
 
Seidloif

God's Broken Masterpiece
Contributor
Naka 1 year ka na ba sa company?
ang alam ko pag SIL dapat atleast 1 year ka na sa company para magamit yun
pero kung wala ka pa 1 year, pwede naman magamit pero depende sa management kung payagan.
sa BPO talaga kailangan mag provide ng med cert para justifiable din ng management yun para sa client.
mag 5years nako this July, pero ngayon lang talaga dinisaprobahan yung SIL ko. May lagnat ako kahapon sobrang bigat ng katawan ko na halos may ubo at sipon. Pero kanina nagmessage ako kailangan daw med cert para katibayan.

palaging kailangan ng med cert, ganyan talaga dyan... kaya nung nasa bpo pa ako ang term na ginagamit namin kapag tinatamad magtrabaho pupunta sa doctor at "bibili" ng med cert
at dahil yung doktor eh affiliated sa health card na binigay sa amin ng kumpanya meaning pabor na pabor sa kanya "pag-bilhan" kami ng med cert
dadaing lang na "masakit ang lalamunan", "inuubo" or "nilalagnat" kaya hindi nakapasok
ganun ba boss, sayang naman talaga pag pumunta ako sa doctor. Bale gagastos pa ako ng half sa pay ko in 1 day para makakuha ng med cert
 
3 joints po.

1.] Yung requirement ng medcert ng employer, naka depende po sa company policy nyo. Kung may ire require kang magsubmit ng medcert upon declaring na may sakit.

2.] Yung SIL, meron ka nyan kapag naka-one year ka sa company. Exception na hindi ka na dapat bigyan ng SL kung may mga company leaves na binibigay ng company like SL and VL.

3.] Kung nagkasakit ka at wala ka lang leave, pwede kang apply ng sickness benefit through sss [hr magpro-process] pero dapat 4 days consecutive na leave w/o pay ka.
 
salamat po sa information. Absent talaga ako kahapon di inaprobahan service incentive leave ko
 
Top