What's new

Sensitive question

ruijie

Eternal Poster
Established
Joined
Aug 31, 2015
Posts
725
Solutions
1
Reaction
303
Points
317
guys, gusto ko lang sana ng maayos na sagot para ma i apply ko sa sarili ko yung mga ma isa suggest nyo, ganito kasi yung scenrio na pinag dadaanan ko ngayon. Bali last year meron akong isang girl na nakilala sa work ko, then nagkaroon kami ng maayos na pagtitinginan pero at that time wala pang label pero para na kaming mag bf/gf pero may limitations. and then one time inaya ko sya na ipunta na ko sa kanila para kako e makapag paalam ng maayos sa magulang nya gusto ko manligaw ng old school, pero nung time na yon ilang beses nya ni reject yung offer ko na yon. so as tao nasaktan ako at nagka doubt sa kanya.

then lumipas ang mga araw at weeks siguro di ko napansin naging cold na ko and nakagawa ako ng kasalanan sa kanya which is nagkaroon ako ng ibang babae, and ayon nagkaroon kami ng relasyon nitong isa pero di din nagtagal kasi di naman pala tunay na love yun kumbaga e parang nabulag lang ako? basta something na di ko maipaliwanag pero ang ending e di ko pala talaga love yung babae kasi palagi nya sinasabi sakin na iba yung turing ko sa kanya compare dito sa girl na inaaya ko ipakilala ako.


so lumipas ang ilang buwan, nagkaroon ng sariling buhay bawat isa and sya nagkaroon din ng bagong jowa. and ang masakit wala pang months nagtatagal e naipakilala nya na yun sa kanila, sure ako na di yun dati or ex basta bago din sya sa buhay nitong girl.

lumipas pa mga buwan nalaman ko na nag hiwalay din sila and nag try ako mag reach out ulit kay girl, baka kako mag work na. and this year first month ng 2022 naging kami na official and naipakilala na ko sa fam, so akala ko okay na.

side story to
syempre dahil nga nagkaroon sya ng jowa expected ko na yun na alam nyo na may nangyare na sa kanila, so ayon medyo masakit pero tanggap naman so for me/us e wala na yun kaso. kumbaga all goods.

continuation

so ayon nga akala ko okay na, pero nalaman ko sa kanya na meron pang ibang tao na naka ano sa kanya sa timeline na wala ako sa buhay nya. kumbaga bago pa yung jowa nya na unang naipakilala is meron pang iba pero walang sila.

and eto na nga yun problema ko now, wala ako karapatan na magalit kasi walang kami nung mga panahon na yon pero di ko maiwasan magalit, mandiri, masaktan, etc. normal ba to? and also ano ba dapat kong gawin? mahal ko sya pero feeling ko lahat ng sasabihin nya di totoo. guys sana po yung medyo maayos na sagot wala sanang tumawa or mandagdag pa ng sama ng loob ko or makapag pa trigger sakin na gumawa ng masama, sobra lang ako nasaktan kasi ang feeling ko ngayon niloko ako, pinaglaruan, tapos feeling ko din na yung tingin sakin ng ibang tao e natatawa sila (mga taong may alam ng nangyare) basta di ko maipaliwanag lahat.


maraming salamat sa sasagot, magbabasa ako ng tahimik.
 
"and eto na nga yun problema ko now, wala ako karapatan na magalit kasi walang kami nung mga panahon na yon pero di ko maiwasan magalit, mandiri, masaktan, etc. normal ba to? and also ano ba dapat kong gawin? mahal ko sya pero feeling ko lahat ng sasabihin nya di totoo."

Yes, wala kang karapatan magalit pero makaramdam nang inis o insecurities, OO. and it's normal kasi di nangyare sa inyo yun nung time na nagkakamabutihan kayo.

Kung ako sayo, alamin mo sa sarili mo kung enough ba yung love mo para magpatuloy o hindi, kasi di lang sya destructive sayo, destructive din yan sa kanya. Choose positivity, maraming nang problema ngayon sa paligid natin. Piliin mo palage yung makakamove forward ka, yung mag bibigay sayo o sa inyo ng better situation. Mas ok pa din yung simple at walang sama ng loob.
 
"and eto na nga yun problema ko now, wala ako karapatan na magalit kasi walang kami nung mga panahon na yon pero di ko maiwasan magalit, mandiri, masaktan, etc. normal ba to? and also ano ba dapat kong gawin? mahal ko sya pero feeling ko lahat ng sasabihin nya di totoo."

Yes, wala kang karapatan magalit pero makaramdam nang inis o insecurities, OO. and it's normal kasi di nangyare sa inyo yun nung time na nagkakamabutihan kayo.

Kung ako sayo, alamin mo sa sarili mo kung enough ba yung love mo para magpatuloy o hindi, kasi di lang sya destructive sayo, destructive din yan sa kanya. Choose positivity, maraming nang problema ngayon sa paligid natin. Piliin mo palage yung makakamove forward ka, yung mag bibigay sayo o sa inyo ng better situation. Mas ok pa din yung simple at walang sama ng loob.

salamat dito na realize ko na if pagpapatuloy pa magiging toxic lang ang takbo ng relasyon namin. patuloy lang kami magkakasakitan emotionally and besides after ko makapagbitaw ng masasakit na salita (pero walang murahan) parang di na worth it pang magpatuloy talaga kasi parehas lang kami magdadamdaman ng mga bagay bagay.. siguro kaya ako nakapag bitaw ng ganong mga words kasi dahil nagka doubt na yung pagmamahal ko and isa na yung sign ng pagiging toxic. kaya maraming salamat po sa response na to appriciated po.
 
salamat dito na realize ko na if pagpapatuloy pa magiging toxic lang ang takbo ng relasyon namin. patuloy lang kami magkakasakitan emotionally and besides after ko makapagbitaw ng masasakit na salita (pero walang murahan) parang di na worth it pang magpatuloy talaga kasi parehas lang kami magdadamdaman ng mga bagay bagay.. siguro kaya ako nakapag bitaw ng ganong mga words kasi dahil nagka doubt na yung pagmamahal ko and isa na yung sign ng pagiging toxic. kaya maraming salamat po sa response na to appriciated po.
If may ganyan kang realization at action, you will become a better human being. Kung alam mong makakasakit ka better na dumistansya ka muna para di ka magcause mas matinding damage. Gasgas man pero, Time heals everything, nasa low point ka now ng emotion mo, mag self assessment ka, alamin mo mga bagay na meron ka at wala. Para alam mo san ka ulet magsisimula. Be a better person para sa magiging next partner mo, and hopefully yung better half mo.
 
If may ganyan kang realization at action, you will become a better human being. Kung alam mong makakasakit ka better na dumistansya ka muna para di ka magcause mas matinding damage. Gasgas man pero, Time heals everything, nasa low point ka now ng emotion mo, mag self assessment ka, alamin mo mga bagay na meron ka at wala. Para alam mo san ka ulet magsisimula. Be a better person para sa magiging next partner mo, and hopefully yung better half mo.

opo ganon na nga, wala naman na magagawa e nangyare na., mabilis lang makagawa ng conclusion mahirap parin talaga kapag gagawin na, di madali lalo pat live in kami at kilala na both side,. ang pangamba ko lang kasi ayoko masira pa yung image nya sa iba pang mga tao kaya sabi ko ang palabasin nalang is nag cheat ako nambabae ganon kasi pag nalaman ng iba yung tunay na dahilan parang kahit di na kami dala dala ko parin yung kahihiyan at yung mga iisipin ng ibang tao, kung ako nga nasasaktan how much more pa sya na mismong taong tinutukoy kaya walang ibang solution talaga kundi magpatuloy nalang sa kanya kanyang buhay. pero ayaw ko na talaga sa feeling ko lahat ng sasabihin nya di totoo or what. ni hindi ko kayang mag kwento sa kaibigan ko kasi ayoko na kumalat pa sobra akong nasasaktan sa nangyare at nahihiya sa mga taong nakakaalam na parang pinagkaisahan ako na ewan. yun bang feeling ko pag talikod ko e na ngisi ngisi sila mga ganon.

yun lang po maraming salamat sa maayos na response sobrang bigat lang sa loob kaya medyo nagpapansin lang ako. kudos po sa mga taong katulad mo sir na handang magbigay ng maayos na salita sa mga katulad ko yung nararamdaman. (y)
 
For me lang paps, kung ano sa tingin mo makakapagpasaya sayo in the long run, yun yung piliin mo, yung hindi ka magkakaroon ng doubts or second thought sa babaeng gusto mo makasama habang buhay
 
Eto lang masabi ko pre, di ka dapat magalit, mandiri, o masaktan kasi walang kayo at hindi kayo nung time na yun. It's her choice and diba nagkaron ka din naman? Pano mo ba nalaman? Saka ka magalit, mandiri, at masaktan kung gawin nya at kayo pa. Tingin ko lang naman.
 
Eto lang masabi ko pre, di ka dapat magalit, mandiri, o masaktan kasi walang kayo at hindi kayo nung time na yun. It's her choice and diba nagkaron ka din naman? Pano mo ba nalaman? Saka ka magalit, mandiri, at masaktan kung gawin nya at kayo pa. Tingin ko lang naman.

yun nga sir e ang medyo kinaiinis ko po kasi kung pinakilala na nya ko agad edi sana walang ganyang naganap po. and wala na iba pang pumasok sa buhay namin. nalaman ko po kasi umamin po sya. opo nung time na nangyare yun is wala na nga po ako kasi nga diba mas pinili ko yung isa kasi nagka doubt ako sa kanya pero nung nagtagal e di ko naman pala gusto talaga tong sinamahan ko. and ayon kumbaga sir naiinis ako sa situation po hindi dun mismo sa tao sorry medyo malabo yung pagkaka type ko.

For me lang paps, kung ano sa tingin mo makakapagpasaya sayo in the long run, yun yung piliin mo, yung hindi ka magkakaroon ng doubts or second thought sa babaeng gusto mo makasama habang buhay

yun sir ayon nalang din yung iniisip ko ngayon kasi di man ako 100% sure na kapag pinilit pa namin is makakaya pa. gaya nga po ng reply ko sa ibang comment e mas okay na siguro talaga na wag nalang ipagpatuloy kesa magpatuloy pero puro toxic yung relasyon.
 
yun nga sir e ang medyo kinaiinis ko po kasi kung pinakilala na nya ko agad edi sana walang ganyang naganap po. and wala na iba pang pumasok sa buhay namin. nalaman ko po kasi umamin po sya. opo nung time na nangyare yun is wala na nga po ako kasi nga diba mas pinili ko yung isa kasi nagka doubt ako sa kanya pero nung nagtagal e di ko naman pala gusto talaga tong sinamahan ko. and ayon kumbaga sir naiinis ako sa situation po hindi dun mismo sa tao sorry medyo malabo yung pagkaka type ko.
Well nangyari na e, tingin ka mag move on ka and kalimutan pero kung di mo kaya mag move on tungkol dun sa isyu e baka di din maganda maging ending nyan.
 
based sa kwento mo lods, para sakin lang is nalamon ka ng negativity sa relationship. Madaming keso ganto keso ganon sa utak mo pati mga ginagawa mo parang kinokontrol mo nalang na nakadepende sa ibat-ibang tao. Akuhin mo yung mali mo lods kung meron man, magexplain ka sa babae, mag face 2 face kayong dalawa na kayo lang para mapagusapan nyo ng masinsinan at kung ano ang kahihinatnan ng relasyon nyo. As of now magbagong buhay ka, walain mo sa isip mo yang negativity issues. Nagmahal ka nga ng iba pero ang tanong masaya kaba? kahit magmahal kapa ng sandamakmak na babae dyan di ka parin magiging masaya dahil ang taong hanap mo ay yung pinipintig ng puso mo.
 
maraming salamat po sa lahat, sa unawa at pag intindi ng saloobin ko.. Appreciated po lahat ng mga sinabi nyo, mapag uusapan namin yan siguro sa mga susunod na pagkakataon siguro pag wala na tension both side. thank you po ulit have a nice day to all ❤️
 
Alam niyo po, may experience din ako, simple lang po ang sasabihin ko pero mahirap gawin.
Una, communication is the key. Hindi lang po positive emotions ang shine-share sa partner, ishare mo din po mga doubts mo sakanya, walang masama doon. I-express mo din po sakanya mga negative emotions mo, kung galit ka sabihin mo pero sa maayos na paraan po, usap kayo masinsinan. Wag ka pong matatakot kung magalit siya, kapag nagalit siya red flag po yun dahil your feelings are valid.
Pangalawa, kung pagkatapos nyo pong nag usap ay andiyan padin ang doubt mo, hindi mo talaga mapagkatiwalaan ng buo, at parang red flag nadin talaga siya, move forward kana po. Importante ang feelings mo, importante ang mental health mo, hindi po porke mahal mo, laging "go" lang yung move. Love makes you grow po, hindi ganyan na feeling. Move forward po, hindi ka magsisisi, mahirap nga lang gawin. Isipin mo po lagi sarili mo, hindi porke mahal mo siya nalang lagi. Trust me po! 😊
 
Base on your kwento Sir.

Mejo mali karin po kasi dapat tinanggap munasya as a whole.

Ikaw nanga po nanalo kasi nagliveon kayo.

Mali nyo lang po hinuhuli nyo sya at nagbacktrack ka ng history nya.

Kung hindi ka magtatanong hindi nyo naman po malalaman.

Nilamon ka ng insecurities mo Sir. Kawawa yung girl. Linivein mo tapos ikaw bibitaw?

Sapalagay ko pavictim ka Sir. Hindi mo sa nilivein yan kung hindi mo kaya panindigan.


Tumitingin kalang sa magandang nangyari.


Hindi mo lubusan mahal Sir kasi hindi mo natanggap yung nakaraan nya.

Kaya dapat kausapin mo sya. Binigyan kana ng second chance. Nanahimik napo sya tapos nung may nalaman ka. Aatras ka.

Hindi po laruan babae po yan. Im not againts nyo Sir pero hindi po ganun.

Accept her flaws.


Pinagkatiwala nyadin katawan nya sayo tapos ikaw nanga nanalo. Magkalivein na kayo.

Sapalagay ko ikaw nahihiya sa ibang tao kasi yung kinakasama mo ngayon naano ng iba. Ikaw may mali Sir
 
lods kung hindi mo kayang tangapin ang past nya hindi mo talaga sya mahal. ikaw mismo umamin na nanlamig at nambabae ka eh pero pinagdudahan ka ba nya? binigyan nyo ng chance ang isat isa. ngayon kung hindi mo tangap iwanan mo na lang. mahanap ka ng ****** na ikaw makakauna at huli.
 
tama nga po. pavictim lang si Sir. ikaw po talaga may problema.

Andami gusto makasama minamahal nila.

Ano paba yung kinakatakot mo na katalikod mo may gagawin masama yung babae?

So sabi monga know both side na magkakilala na pamilya nyo bawat isa.

Sapalagay mo gagawa paba yan ng kahihiyan?

Naiinis ako sayo Sir. bata kapa sigurodo for sure nilamon ka ng sasabihin ng tao sayo.

Sapalagay ko ikaw na po talaga may problema .problema mo lang naman nakaraan nya.

Sapalagay ko sayo naghahanap kalang ng ikakasaket ng ulo.

lagi mo iniisip may gagawin masama yung kinasama mo ngayon.

kawawa yung babae Sir tapos kang binigyan ng second chance. ang bango mo Sir ikaw din itong naunang nanlamig.

Sapalagay mo bakit hindi sila nagkatuluyan nung pinalit nya sayo nung nanlamig ka?

kasi nga ginamit nya lang yung guy para kalimutan ka. then yung walang sila pero may nangyari. nasaktan lang yan sa sobra ginawa mo kaya.

tayong lalake diba kapag nasaktan magbabar yan?


masyado lang mababaw love mo sakanya yun Sir

Payo ko sayo magmahal kanalang taong perfect yung ikaw makakauna para dika makadoubt.

Accept thier flaws. mas mahirap sa babae magmoveon lalo kapag binahay mo yung kahihiyan nyan grabi.


Mapapayo ko sayo Sir, darating araw dahil bata kapa sa tingin ko. kapag ikaw na ang sinaktan at iniwan sa ere. doon mo lang marerealise ang mangiwan sa ere.

hindi ka kasi marunong maghintay ipakilala ka noon so yun. nanlamig ka nalang. ghoster ka Sir konting mali lang aatras kana.hindi ka talaga makakahanap ng true love. tignan mo muna sarili mo kung wala kadin ginawang mali.

one sided love kalang Sir. yung lang mga mabuti yung gusto mo pero yung negative side dimo kaya ihandle
 
sa side ko, Pride and trust Issue Problem

Payo ko nalang Iwan at mag move on ka lang.. Now palang ganyan na panu pag naubos na yung love isa yan sa maissumbat mo at ggawing dahilan para lalo ka magalit..

Old ways Dont Open New Door.
 
Tinatamad ako magpaliwanag pero malakas ang kutob ko na lumaki ka ata sa family setting na meron religious background noh? O di naman conservative type of person ka. Ganyan ang behavior na papansin ko kapag lumaki sa religious background ang family or anything na meron kilalaman sa traditional family.

Sa babae ay ganyan din pero guilt driven naman ang kanila. Tipong kapag meron lalake na nakauna sa kanila pagkatapos hindi sila nagkatuluyan , andiyan na uusbong ang sinasabing fear , anxiety , insecurity at marami pang negative thoughts na papasok sa kanilang isipan. Minsan pa nga ay meron ilan babae na takot na rin sa lalake dahil pumapasok na sa isipan nila na keyso baka seks lang ang habol sa kanila ng mga lalake lalo kung kailangan nito ang validation sa mga tao na kapaligid nila na kapag babae ay kinakailangan pure at walang kinakailangan makauna sa kanya. Fear in a sense na walang magmamahal sa kanila kapag meron nang nakauna na lalake sa kanila. So meron ibang babae , although hindi lahat ng mga babae , hindi na nagiging seryoso sa lalake na lumalapit sa kanila because they think na dahil meron nang nakauna sa kanila , hindi na sila mamahalin ng lalake.

Sa lalake ay ganyan din. Nagkakaroon sila ng fear, anxiety, insecurity and maraming negative thoughts na pumapasok sa kanilang isipan kapag meron naman nakauna sa babae na gusto nila and because of fear , iniisip nila malamang na ang babae na meron nang nakauna doon ay hindi sila mamahalin , pwede sila lokohin or any negative random thoughts ang pumapasok sa kanilang isip kung kaya , as a result , hindi din sila nagiging serious sa babae din kapag alam nila na meron na nakauna sa babae mismo.

It is not good dahil magkakaroon siya ng negative chain reaction. Hindi ko alam kung tamang word iyon para doon pero para siyang chain na kumakalat sa iba-ibang tao dahil sa ginawa nila.

Kase , tingnan niyo naman , what if meron lalake na naging serious sa babae pero ang babae ay hindi na serious sa lalake sa inaakala niya na hindi siya mamahalin ng lalake dahil meron ng nakauna sa kanya , magkakaroon siya ng negative chain reaction dahil kapag na hurt ang lalake , there is a posibility na maiisip niya na lahat ng babae na meron ng nakauna sa kanila ay hindi marunong maging serious and so , hindi rin magiging serious ang lalake na next time na meron siyang makatapat na babae na meron ng nakauna sa kanya. What if serious naman ang babae sa lalake na nakatapat nito pagkatapos hindi naging serious ang lalake sa kanya dahil sa pananaw niya na meron nang nakauna sa babae. E di magkakaroon din iyan ng negative chain reaction. Next time , kapag na hurt ay based sa experience ng babae , hindi na rin siya magiging serious sa lalake dahil ang iisipin nito na hindi siya mamahalin dahil meron ng nakauna sa kanya.

Umuulit lang ang cycle na walang katapusan negative chain reaction na kumakalat sa bawat tao.

So ang masasabi ko , ang nakikita ko na walang true love sa mundo dahil pansin ko , majority ng mga tao ay laging meron conditional ang kanilang love. Always meron kapalit.

Mahirap makahanap ng true love sa mundo. Meron ibang tao na naniniwala sa true love except ako na hindi ako naniniwala sa true love na nag-eexist as in. True love ba matatawag sa tao na laging nag-eexpect na meron kapalit? Mas mabuti pa nga ang mga pets katulad ng cats or dogs e or any pet dahil they give love unconditionally.

Bakit ang mga pets ba ay magtatanong pa ba iyan kung meron ka sexual experience or wala? Hindi na sila malamang magtatanong dahil ang alam lang nila ay puros love lang sila ng love sa owner nila na nagpahalaga sa kanila. Ganun lang sila. Wala na iba pa.

Oh geez... sus meyo... haha 😅 Tinatamad ako mag explain then bigla ako napa-explain. Oh my gosh. I am so sorry 😅

So meron pa bang hope? Magkaka-hope pa naman , siguro. Well , baguhin natin ang mentality natin para makaiwas na tayo sa negative chain reaction na iyan. Ituro sa mga anak , sa mga family , sa mga friends........... iyon lang naman kung meron hope nga.







 
Last edited:
pero di ko maiwasan magalit, mandiri, masaktan, etc.
bruh wala ka nang pake dun kasi hindi naman kayo nun lol. magfocus ka na lang sa anong meron sa inyo ngayon. lahat naman tayo may kanya-kanyang sekreto at hindi nabawasan yung pagkababae nya dahil sa past nya.
 

Similar threads

Back
Top