What's new

Closed Seaman na Naaksidente sa barko

Status
Not open for further replies.

Kingsman666

Eternal Poster
Established
Joined
Mar 8, 2016
Posts
687
Reaction
148
Points
270
Baka may kakilala kayong seaman na naaksidente sa barko na pinauwi dahil sa sakit. Pm moko.

Some tips for those under medication seafarers

Kung kayo po ay napa baba dahil sa aksidente or sakit na nakuha on board, dapat po ay ipagamot kayo ng libre ng inyong kumpanya at makaka tanggap po ng sickness allowance sa loob ng 4 na bwang gamutan at free transportation.
Or para nmn po dun sa mga seafarers na finish contract subalit may iniindang sakit, marapat lamang po na kayo ay mag report kagad with in 72hrs(3days) sa inyong kumpanya para po kayo ay maipagamot padin ng libre.
Ang inyo pong gamutan ay tumatagal ng 120days(4months) at may karapatan po ang inyong kumpanya or company doctors na i extend kayo ng another 120days(4months). Pwede po kayo i extend ng 1 buwan or 2 buwan o 3 buwan, maximum extention ay 4 na buwan.

Sa mga marinong Dinisabled na ng kanilang company doctors .Magkakaroon po ng pag uusap ang isang seaman at ang insurance pag tapos na ang gamutan . Pag uusapan po kung magkano ang nararapat na matanggap ng isang seaman na disabled na. Kadalasan po ay sobrang baba ang offer ng insurance kaya di po sila nagkakasundo kaya napipiiltan pong mareset ang usapan at mag set na naman po ng date kung kailan po mag uusap ulit.
Kapag di po sila nagkasundo sa presyo ay mapipilitan pong magfile na ng disability ang seaman.

Para nmn po sa mga natapos na ang gamutan at na fit to work na, subalit hanggang ngayon ay hndi padin po na papasampa ulit wag po kayo mahiyang mag msg para makakuha din po kayo ng mga advices

(A seaman has more benefits if he is a union member or may cba ang kanyang barkong sinasakyan (like tcc / jsu / nis / itf / amosup , etc…)

Kung kayo po ay may iba pang katanungan maari nyo po akong imessage

Wag po kayong mahiyang magtanong wala po itong bayad at hindi po ito scam o networking nais ko lang po kayong tulungang malaman ang mga benepisyo nyo bilang isang seafearer.

Thank you po and God bless us all.
 
Last edited:
Mahirap talaga kapag di ka marunong lumaban bilang seaman sa mga rights mo, yung iba kasi na blacklist dahil nag reklamo sa mga basics rights nila. Yung kapamilya ko kasi dati na blacklist dahil nag welga kung saan nasa lugar naman sya.
 
Madaming takot na seaman na magsampa ng kaso nila. Kase lagi iniisip ay gastos lang at aksaya sa panahon. Natatakot din sila kase baka sila pa daw ang sampahan ng kaso. Ang hindi nila alam kapag na aaksidente ka sa barko at hindi ka nag file ng disability benefits mo. Ang manning agency nila ang makikinabang sa perang dapat sa seaman mapupunta. Kaya walang mahirap na manning agencies lalo na pag sa mga seafearers.
 
Takot sila ma blacklist.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top