What's new

Seagate hard disk problem

me22b

Addict
Joined
Dec 5, 2015
Posts
157
Reaction
26
Points
100
mga idol nagkaproblem kasi ako sa hard drive ko na seagate 1tb, bigla na lang di madetect. inakala ko nagloose lang yung power at data cable kaya pinalitan ko pero di pa rin sya nadetect pero naandar naman yung motor. wala ring clicking sound. ininspect ko sya eto napansin ko.

ano kaya dahilan kung bakit nagkaganito yung pcb ng hard drive ko? corrosion ba ito? dahil ba sa moisture? (naglagay naman ako ng mga silica gel sa loob ng case ko). nung tinanggal ko yung pcb meron discoloration yung mga contacts so nilinis ko gamit ang eraser. nung ibinalik ko at tinest, nadetect ulit sya isang araw ko rin nagamit ito. nagrun ako ng diagnostics - sa seatools no errors sa short, long at s.m.a.r.t. test. sa hd sentinel eh perfect condition naman daw. chkdsk no errors din. medyo nagtaka lang ako dito kasi no errors eh.

pero kinabukasan habang kinokopya ko yung ibang files ko bigla na lang tumigil at di na ulit madetect yung hard disk. sinubukan ko ulit linisin yung contact kasi meron parin konting discoloration pero di na ulit sya madetect pero umaandar naman yung motor. . .

may solution/pag-asa pa ba maayos ito mga idol? sayang kasi yung ibang files ko, di ko nakopya lahat. june 2019 ko lang ito nabili.
 

Attachments

nasubukan mo bang i-mount sa ibang pc?
wala akong ibang pc idol. sa ngayon napagana ko sya ulit, nilinis ko ulit yung mga contacts hanggang matanggal yung pangingitim. kinopya ko na rin lahat ng mga importanteng files baka topakin ulit...
 
1TB yang hdd mo, baka nag-low power na sa power supply side mo kaya ganyan na ang nangyayari, on/off ang detection
 
siguro, 4+ years na rin yung fsp 80+ psu ko. pero meron din ako seagate 2TB since 2014 ko pa ginagamit hanggang ngayon ok pa naman sya

may idea ka ba dun sa parang silver na kumakalat" sa pcb ng hdd? solder ba yun o corrosion? yung ibang hard drive ko kasi wala namang ganun. . . :unsure:
 

Similar threads

Back
Top