What's new

Crypto SCAM!!! FX PREMIER. COM Investment Scheme

jeflee16

Leecher
Joined
Sep 1, 2022
Posts
15
Reaction
5
Points
5
Masakit sa loob na makuhanan ka ng perang pinaghirapan mo. Pero mas masakit yung pati pangarap mo gumuho. Nangarap ako ng financial freedom para sa sarili ko at sa pamilya ko. Sabi ko sa sarili ko, gusto kong mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal ko sa buhay--mapagamot ang nanay ko, mapagawa ang bahay namin, at matulungan ko ang mga kapatid ko.

Nakakita ako ng pag-asa sa Forex. Dahil baguhan, umaasa ako sa mga signals na nakukuha ko sa mga free groups na sinalihan ko sa Telegram. My isang group don na bukod sa mga free signals ay nagooffer ng investment. Ang dami nilang subscribers, tapos may mga screenshot pa sila ng testimonies nagpapasalamat sa kanila dahil nabago ang buhay nila. Meron din silang sinesend na mga link ng blockchain to show na they really send profits. Makikita don hunderd thousands of dollars na sinesend nila sa investors as profit. Mismong yung group din nagsasabi na marami na daw silang natulungan na magkaron ng debt-free na buhay.

Ang pinakamababang package nila ay $300. After 48 hours, magiging $3500. Nangalap ako ng pera ginamit ko ang Shopee Loan at yung credit card ko para makabuo ng $300. It was 5AM, Wednesday when I sent them my investment gamit ang Binance. Tapos kinuha din nila yung Info ko at yung USDT wallet address ko kung saan daw nila isend yung profit.

Now, came Friday 5AM, 48 hours passed, sabi nila bukas daw makukuha ko ang profit. Kinabukasan, sabi nila, sa Monday daw kasi weekend. Monday came, nagtanong na ako what's going on, sabi nila icheck ko daw email ko. Ayun nagsend sila sa akin ng email. Congratulations daw kasi may profit ako na $3700 ready for wí†hdráwal. Pero kelangan ko daw magbayad ng $550 for account insurance/commission. Binago na daw kasi ng company nila ang policy na kelangan magbayad muna daw bago makuha ang profit. Sabi ko ibawas nalang nila sa profit yung $550 pero ayaw nila. At that moment alam ko na nascam na ako.

I tried contacting one of those people na nagbigay sa kanila ng testimony to investigate. I was able to reach one of them, Richard Alex (@Richard_Alex), sabi niya sa akin hindi daw siya member/subscriber ng group at mga scammer nga daw yung nasa likod ng FX PREMIER. COM. Sabi niya grinab lang daw yung mga testimonies na yon from a legit trader group kung saan siya kasali. Ganyan din daw ang nangyari sa kanya nung mascam siya hangang sa makakilala siya ng kaibigan sa telegram at inintroduce siya sa isang legit na trader at nabawi niya yung nascam sa kanya in just 11 hours.

Sinend niya sa akin yung info nung sinasabi niyang legit na trader. Paula Gallo (@Paula_Gallo) ang pangalan nung sinasabi niyang legit trader. Kinausap ko at sabi ay tutulungan ako. Sabi ko wala na ako pera pang-invest ang nantitira nalang sa accoount ko ay $13. Sabi niya pwede na daw yon. In 11 hours kikita ako ng $100. Sinend ko sa kanya yung $13 after some minutes sabi niya sa akin, hindi na daw available yung $10 package nila so kelangan ko daw magdagdag pa ng $90 to get the $100 pagckage. I used my credit card to get $90 more. And sent it to them. $1300 daw ang magiging profit ko.

After 11 hours, nagusap ulit kami nung Paula. Sinend niya sa akin yung contact info ng CEO daw ng company nila. Nelson Gregg (@Nelson_Gregg) ang pangalan ng CEO. Proud na proud siya sabihin na siya ang CEO ng company. Lagi niyang sinasabi sa akin na siya ang CEO. Pinagdownload niya ako ng app: Klever App - Crypto Wallet. Tapos may sinend siya sa akin an wallet address, pinapaste niya sa akin don sa App. Tapos may lumitaw na $3,800 something. Sabi niya yun daw ang profit ko. At kelangan ko daw magsend sa kanya ng bitcoin para ibigay niya sa akin yung code at mawí†hdráw ko yung profit.

Naiscam nanaman ako. 2 beses magkasunod. Naawa ako sa nanay ko. Ang ***** ***** ko. Gusto ko lang naman ng magandang buhay para sa pamilya ko. Total na nakuha sa akin nasa mahigit PhP25000. Umiiyak ako for 2 days, 2 nights. Pero hindi ko nalang pinapakita sa nanay ko.

I shared this story for awareness. Ayaw ko mangyari din ito sa inyo. May mga ganito palang modus. Kung alam ko lang sana hindi ako nabiktima. I hope makatulong itong istorya ko sa inyo at hindi kayo mabiktima ng mga masasamang loob. Nireport ko na sa Telegram yung mga accounts at groups. Pero mukhang wala naman silang ginagawa. Huhulug hulugan ko nalang yung nascam sa akin. Nakakapanghinayang lang kasi sana pampagawa ko na ng bahay yon.

Scam 1.jpg Scam 2.jpg Scam 3.jpg Scam 4.jpg Scam 5.jpg Scam 6.jpg
 

Attachments

parang sugal din po kasi yan. its either you win or you lose. sa ngayon kahit wala pa kong investment sa heromining, mukhang tatagal pa naman yun.
 
Abay muntikan narin aku jan sa blue exchange.. yung mag exchange kayu ng 0.01 bitcoin to eth. Tas exchane ulit yung nakuha mong eth - bitcoin na ang kitaan is 36$ per exchang3 buti nlng google is real hihihi scam pla
 
basta sa tele lods wag na wag kang maniniwala , yes very interesting talaga yong mga profit na ganyan pero gingawa lang nila yan para pang bait, kasi alam mo naman pilipino ,kung pera pinag uusapan ang mabilis ma ing ganyo..
 
Lods gnito lng kasimple yan. 300 mgging 3500 ? Kahit saan forex or trading wlang gnyan. Then search k din sa forum king legit bgo k pumasok. Lalo n kung malaki laki and min cash in. Sabi nga nila walng manloloko kung walng magpapaloko. Wlang easy money kahit saan. Naway mging leksyon yan sau. Masakit man pero gnun rlga
 
amp. hilig nyo sa trade signal, telegram pa.
mag invest kayo sa knowledge para makapagtrade on your own and wag nyo ipagkatiwala pera nyo sa iba for instant money. Kaya nga may kasabihan na "Walang manloloko kung walang nagpapaloko".
 

Similar threads

Back
Top