What's new

Help Savings bank account

Captain_Steve

Eternal Poster
Mga ma'am/sir, pwede po ba makahingi ng konting idea ng process kung pano makapag open ng bank account kahit student palang at wala pang primary or valid ID. and kung saan pong bank ang pwede. maraming salamat po ng marami. pasensya na po, dito lang po talaga ko nakakakuha ng mga reliable info.
 
Medyo mahirap yan kapag mismong savings account yung bubuksan mo. Pero kung remittance account lang, pinapayagan minsan nila basta may kasamang reg form. Pero I suggest na, kumuha ka na muna ngayon ng Postal ID, pinakamadali makuhang valid ID yan tapos Police Clearance.
 
[XX='Captain_Steve, c: 1345064, m: 1228854'][/XX] Need mo po ng PSA Birth Certificate tapos Barangay Clearance na may purpose na pang Postal ID. Tapos ipa-photocopy mo lang din kahit tig isa or dalawa. Tapos kapag meron ka na ng mga yan, punta ka na sa pinaka malapit na post office dyan sa lugar nyo. Nasa 500+ yung babayaran mo dun sa kanila tapos sila na magde-deliver sa address mo kapag okay na.
 
I recommend na mag gsave ka na muna using gcash. Police clearance lang for verification and youre good to go na.

Maganda rin annual interest kung mag lalagay ka monthly nasa 4%. Pwede pang gawing loading business although mas maganda sa coins pwede narin yung 5% cashback
 
A month ko nakuha yung postal ID ko, ang problema akala ko ibibigay mo lang 2x2 ID picture, yun pala derecho picturan kana sa post office taz hindi nag ahit or nag ayos, mukhang bombay ako sa sa postal ID ko:ROFLMAO::ROFLMAO::ROFLMAO:
 
Ano po yung cooperative? Pasensya na po mejo mangmang pa ko sa mga ganyan. Actually Kelangan ko po kasi ng bank account na pwede international para sa part time job ko
 
[XX='Captain_Steve, c: 1346636, m: 1228854'][/XX]

For local/municipal/region use lang kapag cooperative. If for internatiol, try mo muna sa Landbank mag apply kahit ATM savings account muna same lang yun mag open ng bank account, pwedeng pwede school ID and postal for sure na maghanap sila ng secondary
 

Similar threads

Back
Top