What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Save the planet |Kill yourself

BH4DZ

Honorary Poster
Joined
Apr 1, 2019
Messages
906
Reaction
1,129
Age
27
Kill yourself

Save the Forests.
Save the Animals.
Save the Planet Earth.
KILL YOURSELF!

Sa food court tumambay si Albert matapos mapagod sa kalilibot sa Mall.

Biglang may lumapit sa kanya na isang babaeng naka-formal attire. May dala itong dalawang bote ng juice drink.

Ngumiti ito sa kanya at bumati. “Magandang hapon po, Sir! I’m Stephany Valdez. Puwede ko po ba kayong makausap?”

Hindi sanay makipag-usap sa mga estranghero si Albert pero dahil maganda at maputi ang babae ay pinagbigyan niya ito. “Okay lang. Ano pala ang pag-uusapan natin?”

Inalok sa kanya ng babae ang isang bote ng juice. Tumanggi pa siya noong una dahil medyo busog pa siya. Subalit makulit ang babae kaya napilitan na rin siyang tanggapin ito.

“Isa po akong member ng Planet Saver Church. Ang goal po namin ay ayusin ang lahat ng mga gusot at problema sa ating mundo para maibalik ang dating masigla at mapayapang planeta.”

“That’s good!” sambit ni Albert, sabay tungga sa bote ng juice. Sa totoo ay wala siyang interes sa ganoong mga bagay. Marami pa siyang problema sa buhay na dapat unahin kaysa sa problema ng planeta.

Depressed siya hanggang ngayon dahil sa paghihiwalay nila ng kasintahan noong nakaraang linggo. Dagdag pa ang pagsasara ng kanilang kumpanya na lalong nagpabigat sa dinadala niya.

“Naglilibot po kami sa iba’t ibang lugar para mag-imbita ng mga taong handang magbigay ng contribution para sa ikapapayapa ng kalikasan.”

Napatango si Albert. Mukhang alam na niya kung ano ang kailangan ng babaeng ito. “Okay! Magkano ba ang kailangan mo?”

Umiling ang babae at sinabing hindi pera ang kailangan nito. “That’s not what I mean, Sir. I’m sorry pero didiretsuhin ko na po kayo. Nangangailangan po kami ng mga taong puwede mag-alay ng kanilang buhay para sa ikapapayapa ng ating mundo.”

Doon nagulat si Albert. Nagtawa pa siya at inulit ang sinabi ng babae. Tumango naman ito at kung anu-ano na ang sumunod na sinabi sa kanya.

Ayon dito, ang tanging solusyon daw para maibalik ang dating hitsura ng kalikasan ay kamatayan ng tao. Ito raw ang tanging paraan para manumbalik ang mga nawasak na bahagi ng mundo na kagagawan mismo ng tao.

“Alam n’yo po kasi, tayong mga tao lang din ang sumisira sa mundong ito. Ginawa ito ng Panginoong Diyos para sa ating lahat. Pero ano ang ginawa natin? Tayo lang din ang nagpuputol sa mga puno. Tayo lang din ang pumapatay sa mga hayop. Tayo lang din ang nakakasira ng mga bagay na gawa ng Diyos. Sa totoo lang, mas malaki pa sa mundong ito ang kasalanan natin sa Diyos. Kaya ang paraan para mapagbayaran natin ito ay ialay ang sarili nating buhay upang makamit muli ng mundo ang kapayapaan at kalinisan.”

Tinakpan ni Albert ang bibig upang pigilan ang pagtawa. Hindi niya alam kung pasyenteng nakatakas lang ba sa mental ang kausap niya. Sayang at maganda pa naman pero may tama yata sa ulo. Lalo na nang sabihin nitong “world peace” daw ang goal nila kaya naghahanap ng mga taong handang magpakamatay para sa ikatatahimik ng mundo.

Kung ganoon, literal na katahimikan ang nais nitong mangyari.

“O, talaga? Kung totoo ‘yan bakit buhay ka pa rin ngayon?”

“Dahil isa po ako sa mga namumuno sa simbahan namin. Hangga’t nasa posisyon kami ay hindi pa kami puwedeng mag-alay ng buhay.”

Hindi napigilan ni Albert ang malakas na pagtawa. Hindi naman lasing ang babae pero bakit ang lakas ng tama nito. Gusto pa sana niyang tanungin kung naka-drugs ba ito pero pinipigilan lang niya dahil baka maka-offend pa siya.

“Alam ko po mahirap paniwalaan. Pero kung gusto n’yo po ng katibayan, narito po ang mga events na ginaganap sa aming simbahan.”

Ipinakita ng babae sa cellphone ang mga picture tungkol sa sinasabi nitong samahan ng mga tagapaghatid ng kapayapaan sa mundo.

Sa mga litrato ay nakita niya ang iba pang kasamahan nito na pawang naka-formal attire din at may hawak na malaking karatula na nagsasabing, “Save the Planet Earth. Kill Yourself”.

Isang video documentary din ang ipinakita sa kanya na naglalaman ng iba’t ibang footage ng mga taong nagboluntaryo sa nasabing simbahan.

Isang misa ang isinasagawa kung saan ipinaliliwanag ang mga advantages ng pagpapatiwakal at kung ano ang maitutulong nito sa kalikasan.

Kapag nakumpleto ang 30-day mass, ikukulong na sila sa isang madilim na silid kung saan gagawin ang pagpapatiwakal. Bawat silid ay may CCTV kaya namo-monitor ang bawat kaganapan sa loob.

Doon ay makikita ang iba’t ibang kagamitan na puwedeng gamitin para magpakamatay. Mayroong kutsilyo, baril, lason, at kung anu-ano pa.

Kitang-kita sa video kung paano kitilin ng mga miyembro ang sarili nilang buhay habang nakakulong sa kuwarto.

Mayroong uminom ng pagkarami-raming gamot at lason.
Mayroong gumamit ng baril para pasabugin ang ulo.
Mayroon ding sinaksak ang sarili hanggang sa patiran ng hininga.

Doon nagbago ang timpla ng mukha ni Albert. “Totoo ba talaga ‘to o gawa-gawa n’yo lang?”

“Lahat po ng nakikita n’yo d’yan ay totoo, Sir. Ganyan po ang ginagawa ng members namin sa mga gustong mag-alay ng buhay para sa muling pagkalat ng katahimikan at kapayapaan sa Planet Earth.”

Halos walang masabi si Albert. Para kasing napakalabo na maging totoo ang nasa video. Sino ba namang **** ang magpapakamatay sa harap ng camera?

Nakinig na lang siya sa bawat paliwanag ng babae.

Ayon pa rito, kada taon ay libu-libo raw ang naiimbita nilang dumalo at sumali sa simbahang ito. Lahat ng mga nagiging miyembro ay pinapaliwanagan kung gaano kasarap mamatay kapalit ng magiging kapayapaan, kalinisan at katahimikan ng planeta.

Pinapayuhan pa nila itong sa halip na pumatay ng tao dulot ng matitinding problema, mas mabuti raw kung sarili na lang nila ang patayin. Bukod sa hindi sila magkakasala sa ibang tao ay makakatulong pa sila para unti-unting ibalik ang dating mundo kung saan puro malalayang hayop lang ang naninirahan at walang mga tao na sumisira dito.

Paano naman ang kasalanan sa Diyos kapag pinatay ang sarili? Sagot dito ng babae, matatanggap daw ng Diyos ang pagpapatiwakal ng isang tao kung ito ay para din sa kagustuhang makapagbahagi ng kapayapaan sa buong kalikasan.

“Para po kasi sa amin, dignified dying is a human right,” pagmamalaki pa ng babae.

Hangga’t may taong nabubuhay, patuloy na masisira at madudumihan ang mundo. Sa dinami-dami ng mga nilalang na nabuhay rito, mga tao lang daw talaga ang labis na nakasira sa Inang Kalikasan. Pati mga hayop na walang kamuwang-muwang ay pinapatay para sa pansariling kaligayahan. Dagdag pa ang mga imbensyon at teknolohiyang likha ng tao na lalong nagpapaiksi sa buhay ng mundo.

“Kaya kung gusto n’yo pong makatulong sa pagpapakalat muli ng katahimikan sa ating planeta, tawagan n’yo na lang po ako kung handa na kayong ialay ang buhay n’yo. Narito po ang number ko.” Inilapag ng babae sa tabi niya ang calling card.

Puro tango na lang ang itinugon ni Albert. Nawalan na siya ng ganang makipag-usap sa babaeng ito na may saltik yata sa utak. Mas matindi yata ang pinagdadaanan nito kaya wala nang maisip na gawin sa buhay.

Isang oras ang inabot bago natapos ang pag-uusap nila. Nang makaalis na ang babae ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Iniwan na rin sa kanya ang isa pang bote ng juice bilang kabayaran sa kaunting oras na ibinigay niya rito.

Medyo nakaramdam pa siya ng pagkahiya at nilingon ang mga tao sa food court para makasiguradong walang nakatingin sa kanya matapos makipag-usap sa babaeng iyon. Inubos lang niya uli ang juice at tumayo na sa kinauupuan.

Paglabas ni Albert sa Mall ay dumiretso naman siya sa bahay ng kaibigang si Ernesto. Wala pa rin siyang ganang umuwi dahil sa pangambang lulukuban lang ng pagkainip doon.

Ikinuwento niya kay Ernesto ang mga sinabi ng babae. Inaasahan niyang tatawa rin ito subalit iba ang naging reaksyon ng lalaki.

“A-Albert…” may takot sa tinig ni Ernesto. “Hindi kalokohan ‘yong sinabi nung babae sa `yo. Totoo ‘yun!”

“Paano naging totoo? Wag mo sabihing pati ikaw naniniwala? Sa tingin mo ba, merong ***** na magbo-volunteer sa kagaguhan nila?”

Pero seryoso ang buong anyo ni Ernesto. “Alam ko kasi, pare, may paraan sila para makumbinsi ang isang tao. Meron silang pinapainom dito na…hindi ko alam kung ano…basta may halong gamot iyon...na kapag nainom mo ay unti-unti nitong lalasunin ang isip mo.”

Naglaho ang tawa ni Albert. Naalala niya ang juice na ipinainom sa kanya ng babae habang nag-uusap sila. “Anong klaseng inumin ‘yon? Ano’ng nilalagay nila roon?”

“Hindi ko alam! Basta sabi lang sa mga naririnig ko, kapag umepekto na ‘yong gamot ay mag-iiba na ang takbo ng isip mo. Wala ka nang ibang iisipin kundi ang kagustuhang mamatay. Sa paraang iyon, hindi ka na nila kailangang lapitan para pilitin na mag-alay ng buhay. Dahil ikaw na mismo ang lalapit sa kanila para isuko ang sarili mo! Kaya nga palaging babala ng iba, huwag ka raw tatanggap ng anumang pagkain o inumin sa kanila dahil may halong lason ‘yon!”

Umurong ang dila ni Albert. Ilang beses siyang napalunok ng laway habang kumakabog nang malakas ang dibdib niya.

Dahil doon, hindi na naman siya nakatulog pag-uwi. Ginugulo siya ng mga alalahaning naglalaro sa isip niya. Dumating ang panibagong umaga na namumugto uli ang mga mata niya sa puyat.

Naisipan niyang maglibot-libot muli sa mga pasyalan para libangin ang sarili at kalimutan ang mga nagpapasikip sa isip niya.

Hanggang sa bigla na lang siyang makaramdam ng pagkahilo habang naglalakad. Bahagyang lumabo ang paningin niya at sumikip ang kanyang dibdib. Para siyang masusuka at mahihimatay.

Sa loob ng maikling sandali, biglang nagbago ang anyo ng mga tao sa paligid niya. Naging halimaw ang mukha ng mga ito.

Nagtaka ang isip niya kung ano ang nangyayari.

Ito na nga kaya ang epekto ng ipinainom sa kanya ng babae kahapon? Napako ang mga paa niya sa kinatatayuan habang kinukusot ang mga mata.

Hindi nagtagal ay bumalik din sa normal ang paningin at pakiramdam niya.

Biglang may humawak sa kanyang balikat. Paglingon ni Albert dito, muli niyang nasilayan ang babaeng nakausap kahapon, si Stephany Valdez.

“How are you, Sir? Hindi ko po kayo inaasahang makikita rito. By the way, kamusta po kayo? Have you decided, Sir?”

Ngumiti si Albert sa babae at tumango. “Oo, nakapagdesisyon na ako. Sasama na ako para sa misyon ninyo.”

Ang laki ng tuwa ng babae. “Talaga, Sir?”

“Oo! Dahil iniwan na rin naman ako ng babaeng pinakamamahal ko, at dahil wala na rin akong trabaho, hindi ko na sasayangin ang oras ko para problemahin ang mga ito. Naisipan kong isuko na lang din ang sarili ko para makatulong din sa pagbabalik ng katahimikan sa mundo,” sabi pa ni Albert na parang hindi na kilala ang sarili. Ni hindi na nga niya alam kung ano ang sinasabi.

Hinawakan siya ng babae sa kamay. “Natutuwa po akong marinig ‘yan, Sir! Sa wakas at naliwanagan na rin kayo sa aming ipinaglalaban. Para din naman kasi sa ikatatahimik ng ating mundo itong misyon na ginagawa namin. Finally, naiintindihan n’yo na rin ako. Tara na po! Pupunta na tayo sa execution ceremony ng church namin!”

Pagkatapos ng maikli nilang usapan ay sabay na silang naglakad paalis.

Save the Forests.
Save the Animals.
Save the Planet Earth.
KILL YOURSELF!

Wakas.
(This story was exclusively written for the YôùTùbé)
 

Attachments

moondhie

t z u y u
Contributor
May punto ang kwentong ito, if humans will be gone on this earth. There would be greener and cleaner mother earth. Pero ayokong maging alay hahaha 😁, mauna muna sila.
 
Comment
siguradong may nageexist na ganyan dito... btw di sinabi saan nila tinatapon ung namamatay nilang members haha
 
Comment

Gomono

Established
Pwede ka parin naman magcontribute sa pagpapaganda ng mundo kahit hindi ka magpakamatay.
 
Comment

Estrala

Elite
Nakakalungkot man pero tayong mga tao naman talaga ang sumisira ng mundo natin. Sad but true. Thanks for sharing ts
 
Comment

JackFrost10

Established
The idea is old and false, naka ilang extinction level event na po ang mundo natin yet here we are still living. man made extinction level event ay parang lagnat lng yan ng mundo natin pahinga lng ng ilang araw at balik na nmn, the planet dont need saving, humans does.
 
Comment
Kaya pala parang kilala ko yung pagkakasalansan ng pangungusap si Draven Black pala sumulat 😂 Husay neto gumawa ng story eh.
 
1 Comment
B
BH4DZ
Si draven black kinuha nya din yan sa YôùTùbé kaya kinuha ko din kaya sa baba ng kwento merung mababasa
 
actually our planet survived a few mass extinctions, so......

Iyang mga crazy na tao mga first generation sila nang mga eco-warriors, meaning masyado pang blunt yung knowledge nila.. more on mysticism, droga at hippie culture.

Ngaun we have eco-terrorist at eco-warriors, more on hands on approach na sila...
 
Comment
Totoo to guys nakita ko sa google meron pala talaga Church of Euthanasia, buti walang troll na ginamit yung baril para patayin sila. 😂
 
Comment

Online statistics

Members online
1,869
Guests online
2,140
Total visitors
4,009

Forum statistics

Threads
1,040,753
Messages
17,732,039
Members
1,502,062
Comments
860,974
Attachments
1,324,418
Profile posts
97,002
Top