What's new

Poll Sang ayon ba kayo na dagdagan ang buwis?

Sangayon ba kayo dagdagan ang buwis

  • Oo

    Votes: 8 47.1%
  • Hindi

    Votes: 9 52.9%

  • Total voters
    17
  • Poll closed .

JayBorja

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 3, 2019
Posts
1,684
Reaction
4,787
Points
971
Yun na nga para maibsan o mabawasan man lang ang napakalaking utang ng pilipinas kailangan ito...

as a taxpayer ok lang ba sa inyo sa ngayong sitwasyon ng bansa?

tatagal ng 30 days ang poll sakto sa pagupo ng bagong elected pres. BBM
 
No choice tayo kasi wala naman tayo pagkukunan pambayad sa utang ng bansa.
May suggestion pa nga ang ibang economist na ang dapat patungan lang ng buwis yung mga mayayaman lang o upper class wag na sa mga middle class o lower class
 
May suggestion pa nga ang ibang economist na ang dapat patungan lang ng buwis yung mga mayayaman lang o upper class wag na sa mga middle class o lower class
Kung usapang sahod pwede lakihan yung tax sa may above minimum yung kumikita ng 6 digits above , Pero sa bilihin kailangan both parties pantay lang kasi kumplikado.
 
wala nmn problema kung magdagdag ng tax no choice eh kailangan mangutang. pero ang UNFAIR YUNG HINDI NAGBABAYAD NG TAX!!!
 
sa sobrang wala na tayong maipambayad lahat na lang n pwedeng patawan ng tax lalagyan. netflix and other streaming platforms
 
sa sobrang wala na tayong maipambayad lahat na lang n pwedeng patawan ng tax lalagyan. Nétflí× and other s†rêâmïng platforms
ok lang naman lagyan ng tax yan for leisure lang naman yan at hindi pangunahing pangagailangan..

huwag na lang sana dagdagan ng buwis ang pangunahing bilihin tulang ng bigas etc...
 
basahin nyu yung proposed increased tax, halos mga walang kwentang sector papatwan nang buwis. wag lang nila patawan nang buwis ang mga primary necessities nang mga mamayan, pero sa tingin ko alam na nila ginagawa nila.
 
basahin nyu yung proposed increased tax, halos mga walang kwentang sector papatwan nang buwis. wag lang nila patawan nang buwis ang mga primary necessities nang mga mamayan, pero sa tingin ko alam na nila ginagawa nila.
Tama pre. Alamin muna yung exact content ng tax proposals para malinaw sa lahat kahit wala pang kasiguruhan sa maaaring resulta.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. - supplement info on terms

At alamin din natin yung mga taxable items under our law.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Dre, pagdating sa primary necessities like food, VAT yung kakana dyan at yung price ng petroleum (na dependent sa world prices). The rest is covered by "supply and demand", manufacturing and production costs. Alam naman natin na VAT-free yung agricultural products and raw food, VAT-exempted din yung karamihan sa mga medicines. Prices will depend on the variations of the factors that affect it. (Ngayon nga, magugulat ka na mas mahal na yung gulay sa timbang ng karneng bibit mo he he. Buy wisely.)

Sa scope ng tax reform na yan, you can't please everyone since ang purpose nila is to boost tax revenues (to continue governing) and to pay our debts. Di talaga maiiwasang maapektuhan yung ibang kapuspalad. Simula't sapul ay di naman bumababa ang presyo ng bilihin. Upward trend parati he he. Knowing this, kailangan ng tao na matutong mag-adjust ng lifestyle to these changes to ease the effects instead of whining. Budget management lang, malaking bagay. Kung di mo talaga makaya, magiging extinct ka. So transform your environment where "taxes" have lesser effect on you at the least. You can't escape taxes in any form.

Though not directly related sa topic, kung mahirap ka talaga, alamin mo yung mga ibang benepisyong binibigay ng gobyerno ayon sa kanilang Poverty Alleviation Programs para maibsan yung kabuhayan mo, makabangon at makahabol sa pagbabago ng panahon gamit ang iyong pagsisikap. Hanggang dyan lang ang kaya nila. At least meron.
 
Except siguro kung estate tax?
He he. "Pag may gusot, may lusot! Basta magaling ang abogado mong maghanap ng technicalities para patagalin yung pagbayad, paliitin o kaya iwasan magbayad, pwede yan. Basta may mahaba kang pisi para makakita ng paraan, walang imposible. Meron talagang "gifted", especially kung yung mismong judiaciary at opisyal ng gobyerno ay landlords din, may "connection" ka sa loob, alam ninyo yung areas ng batas para paikutin, mas madaling retokihin at papaboran yung kinakasuhan taxpayer, he he! Hindi naman korte ang BIR, taga-assess at tagabigay lang ng notice. Kung yung ahensyang susuporta sa kanila (like Court of Tax Appeals/Supreme Court) ay hindi makapag-desisyon agad, maraming makakalusot.
Di lang yan ang tumatagal na mga kaso. Kahit simpleng kaso ng krimen na tumatagal ng dekada, na sa huli ay wala pala silang sala, pero nakulong ng matagal sa kaka-intay. Alm mo na yan siguro sa dami ng napanood mong palabas sa TV, he he. Problema ng judiciary natin yan noon pa.
 
okay lang naman para sakin kasi dati pa yan every year nag dadagdag ng tax di nga lang halata pero natigil yan dahil sa covid. yung problema yung sweldo pang pinoy pero yung presyo dollar crazy tapos dagdag mo pa yung mga negosyante gumagamit ng legal na paraan para ma bawasan tax.
 
Kung sa mga Mahihirap at Middle Class ay hindi ako sang-ayon na dagdagan na naman ang tax. Pwede pang sa mga bilihin na hindi masyadong kailangan o harmful pa sa katawan ang patawan ng dagdag na tax.

okay lang naman para sakin kasi dati pa yan every year nag dadagdag ng tax di nga lang halata pero natigil yan dahil sa covid. yung problema yung sweldo pang pinoy pero yung presyo dollar crazy tapos dagdag mo pa yung mga negosyante gumagamit ng legal na paraan para ma bawasan ta
Wala masyadong business dito at maraming applicant ay nag-aagawan sa isang trabaho. Hindi tulad sa ibang bansa na maraming businesses, nag-aagawan sila ng mga job seeker, kaya mataas ang sahod at maraming benefits para mag-attract ng applicants.
 
Last edited:
am correction...maliit lang ng portion ng tax ang ebabayad sa utang....mostly for the development of the country....di naman kasi yan agaran na babayaran..may mga terms yan at condition....if gusto mo umunlad ung bansa..isa yan sa mga dapat gawin...specially sa healthcare system...like any other 1st world country... it's a must...pero since pinas to..malamang mgdadalawang isip mga tao....sa ibang bansa kasi..di mo halata may korapsyon...kasi.. makikita mo naman sa paligid..from infrastructure and health care system...and kung sasabihin mo korapsyon...hindi yung nakaw sa kaban ng bayan kundi yung bribery...mahirap kasi etrace pag ganyan
 
Back
Top