What's new

Help Sana matulungan nyo po ako (LAPTOP problem)

Hello mga kaPHC, Hello po sa mga computer technicians natin dyan hihingi lang po sana ako tulong sa inyo :)

Gumagawa din po kasi ako Laptop pero basic troubleshooting lang po alam ko, Then may nagpagawa po sakin ng laptop sabi may time nga daw na namamatay ng kusa sabi ko baka linisin lang saka papalitan ang thermal grease. So okay na naman po sya working na 3hrs mahigit ko gamit hindi naman nagloko.

Then napansin ko po once na chinarged ko, nagloloko yung charging nya nawawala at nagkakaron. Akala ko charger ang sira sinukatan ko po ng voltage without load stable naman hindi din nagloloose.
Binuksan ko po yung laptop then sa board ko sinukatan ng voltage okay naman din po stable parin. Nilinis ko narin charging pin baka dun lang or baka may nagshshort circuit kako baka may nadikit may grounded mukang okay naman po.

Ang napansin ko po kapag may battery sya yung signal light nya for charging is nawawala wala which is stable lang daw kapag nagchacharged. At kapag binuksan ko yung laptop at chinarge ayun nga nagchacharged after 5 secs ata nawawala ulit.

Tanong lang po, Posible po ba ang sira nung is battery na po? or possible na charger parin? Wala kasi akong spare na gamit kasi extra lang to kaya hindi ko matest, dev po talaga ako hehe

Salamat po sa sasagot :)
 
Ahh possible nga na battery na ang sira. Try mo kung nagana naman kung walang battery para matest kung nagana yung charger at yung charging pin.
Yes paps, gamit ko sya for more than 3hrs na nakarekta charger lang okay naman. Hirap kasi magsabi sa owner na sira ang battery baka bumili tapos ganun parin yare haha

Sana battery lang sira at hindi naman sa board.
 

PHC_Captain

Established
trust your instincts lang idol, since na short out muna mga components ng laptop at malaki nag chance na talaga na may problema is battery. madalas ganyan talaga nangyayare pag may sira na battery ng laptop nagloloko charging at namamatay na lang ng kusa kahit hindi na nag warning si windows.
 

taurexn

Honorary Poster
malabo yan ts, pasira na ang capacitor or nagti-trip ang power regulator ic sa motherboard, kapag pasira ang surface mount device na capacitor ay kusang nagsho-short circuit kaya namamatay kusa, restart o minsan hindi na ma power on
 
Last edited:
Top