What's new

SANA MATULUNGAN NYO AKO

titilayo66

Elite
Joined
Jan 15, 2017
Posts
1,291
Reaction
735
Covid is not a Joke.
Tinamaan po ang baby ko na 1 year and 6 months ng covid 19. We are not sure kung saan niya po nakuha dahil hindi kami lumalabas ng bahay. Day 1 August 24, nagtae po sya ng dalawang beses slimy so duda ko amoeabiasis, nagpadoktor kami agad dahil ayoko ng maulit yung nangyare sakaniya nung 3 months pa siya. Binigyan siya ng antibiotics para sa tiyan that time and para sa ubo dahil may ubo siyang pasulpo sulpot lang. August 26 may lagnat parin siya sobrang taas umaabot po ng 39.8 hindi namin mapababa kahit anong paracetamol at sponge bath ang gawin so tinwagan ko ang pedia niya at inadvise kami na magpalab muna since hindi na siya nagtae, sinabihan kaming ipatest and dugo at ang ihi. Normal ang result ng cbc at urinalysis niya. So binalik ko siya sa pedia niya uli at sinabi na 2 days palang naman ang antibiotic, ang advise sakin kung lagnatin kinabukasan pa ng hanggang hapon ay ipa admit na... After namin manggaling ng doctor ng august 26 kinagabihan hindi na siya nilagnat hanggang august 27 ng gabi. So akala ko okay na siya. August 28 ng madaling araw bigla siyang nilagnat uli ng mataas at hindi nanaman mapababa. bababa man siya ay babalik din sa dati... August 29 sunday walang clinic ang doctor niya kaya nagdecide ako na wag muna sya iadmit dahil namagasa ako nung araw na hindi naman na siya nilagnat. August 30 binalik ko siya sa doctor at sinabing for admission na. Wala kong ka alam alam na nacovid na anak ko 😔 August 30 naghanap kami ng hospitals pero punuan talaga at walang gustong tumanggap dahil meron siyang covid like symptoms kaya hindi siya pwede sa regular room dahil ubusan na lahat ng isolation room sa pampanga. Umuwi muna kami, hindi na siya gaanong dumedede at kumakain. Binibigyan ko lang siya ng pedialyte para may pambawi siya ng lakas. August 31 nagtext ang pedia niya na may nahanap na sa garcia medical center , nag antigen test sya at nagpositive siya don. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, pagod na pagod na ang katawan ko that time pero kinakaya ko para sa anak ko dahil walang ibang sasama sakaniya. 😔 Hindi siya naadmit that time dahil wala na rin daw silang isolation room, so nagpa RT PCR kami para maiconfirm at nagemail saakin ng sept. 1 ng 11 pm. Positive nga siya. Nanginginig ako ng 1 oras nung nalaman ko yun parang guguho yung mundo ko, may mga nararamdaman na rin ako pero hindi ko yun iniinda dahil iniisip ko walang kasama anak ko. Hanap parin kami ng hanap ng ospital, mga parents ko at relatives namin pati sa moncada naghahanap na kasi hindi na gaanong kumakain at nagdedede ang baby ko. Sept 1 nung nakahanap kami ng space sa Jecson, alam naming mahal pero madedehydrate na ang baby ko kapag di pa namin siya ipina admit. Andami pa naming kinontact para lang madala kami sa hospital at sa awa ng Diyos ay nakarating kami. Sumakay kami sa patrol ng brgy kahit sobrang nanghihina na ang katawan ko that time
. Nakarating kami at kasalukuyan siyang naka admit ngayon. Mild lang po ang covid niya sa kasalukuyan pero nagkapneumonia na po siya, nagpapasalamat ako dahil updated ang vaccine niya, nakatulong to ng sobra sakaniya. Sana po maging awareness eto sa lahat, makicooperate na po sana tayo. Punong puno na po lahat ng hospitals, mga bata na apo ang tinatamaan at nagkakanda ugaga ang mga frontliner para saten. Kung hindi po tayo concern sa mga sarili naten sana po ay magbigay tayo ng care sa mga batang walang proteksyon para sa sakit na to. 🙏🏻

Hihingi na rin po ako ng tulong para sa baby ko. Sana po ay matulungan niyo kami. Eto po ang gcash ko: 09159172375
Any amount will help po. Bahala na po si Lord magbalik sainyo ng blessings 🙏🏻Salamat.
received_1151714865362514.jpeg
 

Attachments

Last edited:
mga lods. sana matulungan nyo ako. hindi ko po madischarge baby ko sa hospital. kulang parin yung nakalap ko. sana may mga kakilala po kayo na maaring makatulong sakin🙏
 
Lods try mo ipost sa mga groups, sa bentahan online, or sa mismong fb mo. Mas maraming makakakita at mas mataas ang chance na makarating sa mas may kakayahang tumulong. Alam kong mahirap para sa isang magulang na makitang nahihirapan ang anak. Ako bilang magulang, hindi ko kakayanin. 😭 Magpakatatag po kayo para kay baby. Wag po kayong mawawalan ng pag-asa. May awa ang Diyos. Siguro dapat magpatest din po kayo para kung sakaling meron din kayong covid, maagapan na po sa lalong madaling panahon. Wala rin po akong pinansiyal na maitutulong, pero isasama ko po sa prayers, kayo ni baby.
 

Online statistics

Members online
1,845
Guests online
1,523
Total visitors
3,368

Forum statistics

Threads
1,194,657
Posts
21,160,604
Members
1,593,779
Attachments
1,676,044
Profile posts
99,709
Top