What's new

Help Samsung Galaxy s2 ayaw mag on.

Jodiak

Enthusiast
Joined
Jan 18, 2022
Posts
34
Reaction
7
Points
56
May alam po ba kayong solusyon o lugar na mapagaayusan ng lumang Samsung Galaxy s2 I9100?
Bale matagal kona hindi nagagamit ito: sira yung charging port ata, at 'partially' sira yung power button(pero gumagana parin).
Bumili ako ng bagong battery at buti nalang nag on; pero, hanggang dun lang, paulit-ulit nag pa-power on(boot loop), kaya ginawa ko pumunta ako sa system recovery at nag factory reset, pagkatapus nun, ayaw na mag on, yung bootloop wala, kahit pumunta ako sa system recovery ayaw din, black screen lang tlga.
Pagkatapus nun, naisipan kong buksan ang likuran para i-adjust yung volume at power button dahil maluwag eh. Nung tinignan ko yung power button may sira yung mismong circuit niya, parang nasubrahan sa pindot, yun ba yung rason kung bakit nagka BootLoop? Pag pinaayus ko yun mag po-power on na kaya yun at mawawala na yung bootloop? O finish na tlga, papaltan na ng mga piyesa. Salamat sa pagbasa, matulungan niyo po sana ako dito.
 

Similar threads

Back
Top