What's new

Salvation ng kaluluwa

songwillsing

Addict
Joined
Aug 25, 2020
Posts
229
Reaction
48
Points
119
Paano po ba at ano ang paraan para mailigtas ang isang Tao o kaluluwa niya pag katapos syang Mamatay?.
 
Be Obedient to God all mighty. I know we have different beliefs, traditions, and religions. But I just want to say that Be obedient to God and do Good Deeds and Forbid evil Acts. We have 10 commandments and many more given by God to guide whom who want to be guided. I want to show my respect to differing opinions♥️. The world has a designer you just need to open your heart and eyes to see the evidences. I rather be obedient to God then find out when I'm dead if he is true and existing rather than take the risk to enjoy whatever I want in this life disregarding his commandments then found out that I made a mistake, and the life God given to us NOW is inevitable so, carefully decide your decisions in life. I don't lose anything if I find out that God doesn't exist But, I lose everything if I find out that my decision is WRONG. There's no second chance if we Die, we just have ONE SHOT. one shot~
 
walang kaluluwang lumalabas pag namatay ang tao, pero pag namatay ang tao may pagasa pang mabuhay muli sinabi sa gawa 24:15 na miron pagkabuhay muli, ang paraan upang makamit ito ay sinabi sa juan 17:3 na "Para mag karoon sila ng buhay na walang hanggan, kailangan nilang makilala ka ang tanging tunay na Diyos, at ang isungo mo, si Jesu-kristo"

Dapat mo pag-aralan ang bible para makilala ang tunay na diyos at si jesus kristo, damay na jan ang mga utos na nakasulat, pwede mo ako tanungin tungkol sa bible kung miron kang katanungan or pwede mo i-visit ang site na ito You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
songwillsing hindi mo po maliligtas ang taong patay na habang may araw pa po may magagawa kapa pero kapag gumabi na wala ka ng magagawa pa dahil wala ka ng makikita

ang tao po pag namatay yung espirito po nito babalik sa Diyos ang taong namatay wala ng pakiramdam gusto man bumalik sa lupa hindi ito mag tatagumpay wala na itong alam sa mga nangyayari sa ilalim ng araw gaya nga ng nakasulat it's better daw to be a live dog than a dead lion gets mo po? para sakin ibig sabihin mas mabuti ng maging alipin kaysa maging untamed na sobrang bangis hindi mapa amo na hayop

ang payo sakin na gagawin habang buhay pa ako seek first the kingdom and it's righteousness before seeking salvation
 
walang nakakaalam ng afterlife . pero just in case .kung anong relihiyon mo sundin mo kung ano nasasaad sa banal na libro ninyo. di naman magsasaad ng hindi maganda duon db?
 
Mga kapatid ang kaligtasan po ay ang nakasulat sa biblia.. una po kapatid ay dapat sumampalataya ka.. basahin po natin sa unang pedro uno nuebe..

Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.

1 Pedro 1:9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po sabi ni apostol pedro ang layunin po ng pananampalataya eh yung kaligtasan po ng kaluluwa.. kaya para maligtas sumampalataya ka.. kasi eto pong katawan hindi naman po ito ang ililigtas eh, mamamatay po yan babalik sa alikabok.. tapos kung maliligtas tayo papalitan itong katawan na ito bibihisan ng walang kasiraan.. basahin po natin ang unang corinto kinse singkuenta gang kuatro..

Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.

Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,

Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.

Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.

Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.

1 Corinto 15:50-54
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan..papalitan po itong may kasiraan ng walang kasiraan.. kaya itong katawan papalitan, ang mahalaga satin yung kaluluwa po ay maligtas.. at ang una pong hakbang eh ang sumampalataya sa Dios.. sabi po sa aklat ng gawa sa desisais trentayuno..

At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.

Gawa 16:31
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po sumampalataya ka sa panginoong hesu-cristo at maliligtas ka..

Kapatid malawak po itong usaping kaligtasan eh.. may nagsasabi, sumampalataya ka lang eh ligtas ka na..pero wala naman pong sinabi na sumamapalataya lang..ang sabi po sumampalaya ka at maliligtas ka.. ang kaligtasan po ay may proseso, dipo natatapos yun sa pananampalataya lang.. wag po kayo papaloko mga kapatid sa mga nagsasabi na sumampalataya lang eh ligtas na, wala pong ganun sa biblia.. basahin po natin ang filipos uno bentenuebe..

Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:

Filipos 1:29
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po mga kapatid malinaw.. yung pananampalataya po may kasamang pagtitiis, may pagtitiisan ka po.. eh san po ba gagamitin yung pagtitis? Sa dies trentaysais ng hebro basahin po natin..

Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.

Hebreo 10:36
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun, gagamitin mo pala yung pagtitiis sa paggawa ng kalooban ng Dios, sa pagsunod po sa utos..hindi po basta mananampalataya may gagawin po tayo para maligtas.. basahin po natin sa unang pedro uno singko gang otso..

Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;

At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan;

At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig.

Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.

2 Pedro 1:1-8
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun napakalinaw po..ano po ba ibig sabihin ng idagdag? ibig pong sabihin hindi sapat ang pananampalataya lang may gagawin ka.. sa ingles eto sabi sa singko, malinaw eh..

And beside this, giving all diligence, add to your faith virtue; and to virtue knowledge;

2 Peter 1:5
King James Version (KJV)

Ayun..sabi po "add" to your faith virtue, and to virtue knowledge.. idadagdag po natin paggawa ng mabuti.. kaya una pananampalataya, tapos magtitis..yung mabuting kalooban sa kapatid, pag-ibig sa kapwa, at sa kapatid sa pananampalataya..susundin mo kalooban ng Dios.. ang tunay na pananampalaya po ay hindi idle..may ginagawa..
Sabi sa dos bentedos ng santiago..

Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;

Santiago 2:22
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ang pananampalataya nagiging sakdal sa pamamagitan ng paggawa.. eh pano ka maliligtas kung dika gagawa ng pinagagawa ng Dios, dipo ba? ginawa po tayo para sa mabubuting gawa eh.. sa efeso dos dies..ganito po mababasa..

Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Efeso 2:10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kaya ang katiyakan eh pag yung nandon kana sa finish line..dun sa kamatayan.. eh kita mo po sabi ni pablo non nararamdaman na niya ang kamatayan..

Sapagka't ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.

Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:

Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

2 Timoteo 4:8
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Mamamatay na siya non sinabi niya yan.. natapos ko na aking takbo, iningatan ko ang pananampalaya.. bagama't siya ay may hininga pa ang sabi niya..Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon.. yang araw na yan, yan yung paghuhukom eh..bakit tiyak na niya? Eh nagawa na niya lahat ng pinagagawa ng Dios eh..yung pananampalaya, pagtitiis, paggawa ng kalooban ng Dios gang sa araw ng kamatayan.. eh yung iba ligtas na daw komo sumasampalataya, edi pa nga sila nagsisimula sa paggawa aba eh nasa finish line na agad.. dipo dapat ganun.. ang tao po hahatulan ayon sa gawa, samantalang buhay pa.. basahin po natin sa apocipsis bente dose..

At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.

Apocalipsis 20:12
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kaya po mga kapatid..habang may lakas pa tayo magsimula na po tayong maglingkod sa Dios..

Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

Mateo 24:13
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)


Ingatan at samahan po kayo ng Panginoon..

To God be the Glory!

Salamat sa Dios..
 
I want to believe in reincarnation.
Kapatid kailangan po tayong matuto ng katotohanan.. ang katotohanan sa Dios po nanggagaling..ang salita ng Dios ang katotohanan.. yung salita ng Dios na dapat po natin malaman, nakasulat po lahat sa biblia yun.. kaya po pag meron po tayong dapat matutunan sa salita ng Dios yun lang pong nakasulat sa biblia..pag wala po dun, mali yun.. basahin po natin sa unang corinto kuatro sais..

Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.

1 Corinto 4:6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po sabi ng apostol pablo, huwag hihigit sa mga bagay na nasusulat.. dapat yun lang pong nakasulat sa biblia.. wala pong "reincarnation" sa biblia.. unang-una po sabi ng biblia..you only live once, you only die once..yan po takda ng Dios.. basahin po natin sa hebreo nuebe bentesiete..

At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

Hebreo 9:27
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Minsan lang po kapatid, minsan.. you are given only one chance to be good..

Ang konsepto po ng reincarnation ay nanggaling sa mga hindus.. ang paniniwala nila kahit gumawa ka ng gumawa ng masama ngayon eh sa susunod daw na buhay, maiko-correct na daw nila..pag hindi pa daw, ipanganganak daw po ulit at yung kanilang espiritu puede daw po sasanib sa hayop, o sa prutas at pag yung prutas daw nakain nun buntis at yung kaluluwa mapupunta dun sa bata tapos may pagkakataon ulit para maituwid ang mali.. ganun ang cycle ng reincarnation.. eh kung totoo yan, dapat halos lahat ng tao mabubuti na, mababait na ngayon, dahil nagreincarnate na ng nagreincarnate..eh pasama nga ng pasama tao ngayon..dipo ba? Di totoo yan kapatid..wala po sa biblia yan..

Samahan at ingatan ka ng Dios..

To God be the glory!

Salamat sa Dios..
 
IMO, wag gumawa ng hindi maganda or hindi makakaganda sa kapwa. Then kung mamatay na eh di malabong maganda ang babagsakan mo (kung meron talaga)
 
[XX='songwillsing, c: 1202069, m: 1756491'][/XX] ask ko lng kung na-clarify na po ung tanong mo dto?


para maya paglaanan ko ng oras para sagutin kung hindi pa naipapaliwanag
 
Back
Top