What's new

Trivia Sakit Ng Tiyan: Ano Kaya Ito?

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Joined
Mar 25, 2015
Posts
10,509
Reaction
13,521
Points
3,747
Para malaman ang mga posibleng dahilan ng pananakit ng tiyan, heto ang mga itatanong sa pasyente. Una, nasaang parte ng tiyan ang masakit? Pangalawa, ano pa ang iba mong nararamdaman?
Alamin natin ang mga posibleng sanhi ng sakit ng tiyan:
1. Ulcer o hyperacidity - Kapag ang pananakit ay nasa itaas ng tiyan at nasa gitna, o medyo kaliwa, ito ang lugar ng sikmura. Posibleng ulcer o hyperacidity ang iyong sakit. Ang sakit na ito ay nararamdaman kapag ika’y gutom o kahit bagong kain. Nababawasan ang sakit kapag kumain ka ng saging o tinapay. Uminom din ng maraming tubig.
2. Gallbladder stones - Kapag ang sakit ay nasa itaas ng tiyan at nasa bandang kanan, ito ang puwesto ng gallbladder o apdo. Posibleng may bato ka sa apdo. Minsan ang sakit na ito ay tumutugon din sa bandang taas ng likod. Dumarating din ang sakit kapag nakakakain ka ng mamantika at matatabang pagkain. Magpa-ultrasound ng tiyan para malaman kung may bato ka o wala.
3. Appendicitis - Kapag nasa ibaba at kanan ng tiyan, ito ang lugar ng appendix. Ang sakit ng appendicitis ay nag-uumpisa sa may sikmura at pagkaraan ng 2-3 araw ay lumilipat sa kanan. Masakit ang lugar na ito kapag dinidiinan. Kumonsulta agad sa doktor.
4. Colic - Kapag paikot-ikot ang sakit ng tiyan at walang permanenteng lugar, ito ay marahil sa paghilab ng bituka. Ang tawag dito ay colic at hindi naman delikado. Baka nasira ang iyong tiyan sa maduming pagkain.
5. Gastroenteritis - Kung mahilab ang iyong tiyan at nagtatae ka, ito ay malamang dahil sa gastroenteritis o impeksyon mula sa panis o maduming pagkain. Uminom ng maraming tubig at kumain ng saging.
6. Amebiasis - Kapag madalas kang dumumi at may bahid ito ng sipon at dugo, posibleng amebiasis ito. Magpareseta sa doktor ng gamot laban sa amebiasis.
7. Kidney infection o stones - Kapag sa may puson ang sumasakit at mahapdi ang iyong pag-ihi, posibleng may impeksyon ka sa ihi o may bato sa bato (kidney stones). Tingnan kung mapula ang ihi dahil senyales ito ng bato. Magpa-check ng urinalysis para malaman ang sakit.
8. Sakit sa matris o obaryo - Kapag ika’y babae at sa may puson ang kirot, posibleng nasa obaryo o matris ang iyong problema. Puwede itong dysmennorhea (sakit kapag malapit na ang regla), ovarian cyst (bukol sa obaryo) o myoma.
Huwag matakot. Kumonsulta muna sa isang doktor para sa nararamdaman mo sa tiyan.

242080588_418193819674618_1307409515198833843_n.jpg
 

Attachments

Back
Top